Saturday, November 17, 2012

unang post ko sa multiply

Jun 3, '08 6:38 PM
for everyone
ngayo'y narito na ako sa mundo ng blog. naninibago. naa-amaze pa rin kahit matagal na akong natutong magkompyuter at mag-internet.

una ko rin itong entry sa multiply blog. iniisip ko kung ano ba talaga ang silbi nito sa akin. matagal na rin akong nagsusulat gamit ang kompyuter. may ilan na rin akong nalathalang mga artikulo at tula sa Philippine Collegian ng UP Diliman, sa Rizal Times at Manila East Watch ng Rizal Province, sa Pinoy Weekly, at sa Bulatlat.com. itong huli ang nasa internet, pahayagan naman ang mga nauna kong binanggit, bagaman may websites din ang Kule at PW.

itinuturing ko ang blog na anyo ng demokratisasyon ng opinyon ng lahat ng may akses sa internet. sa palagay ko'y nitong bukana lamang ng dekada 2000 nagsimula ang blog mula sa mga elemento ng paglikha sa geocities.com. at nang sumikat na ang blog, nagsulputan na rin ang iba pa nitong anyo tulad ng wordpress at deviantart.

patuloy nga ang simula ng mga bagay-bagay.

ngayo'y katatapos ko lang mag-enlist sa MA sa UP. isa ring simula sa aking muling pag-aaral. kailangan na kasi ng graduate degrees para mapataas ang posisyon sa mga trabaho.

simula na rin ito ng paglalantad ko ng ilang bahagi ng aking sarili sa mundo ng blog. sa mundong bukas ang lahat ng may access sa internet na basahin at husgahan ang iniisip ko. sa mundong ito na patuloy na lumiliit. sa mundong lagi't laging nagwawakas. sa mundong unti-unting nawawalan ng simula.

No comments:

Post a Comment