Minsan, naisulat ko sa aking Facebook account, sa status tab: Louise wants to give birth. Gusto
ko lang magpatawa. Hindi naman kasi ako puwedeng manganak. Wala akong
puki para sa ganyan. Kung puwede nga lang sa bibig magmula ang tao,
papayag ako. Ganito ang panganganak ni Panginoong Tiki na isang anito ng
mga Austronesian. (Makikita siya sa Baguio, sa ilang bahagi ng Timog
Silangang Asya, at maging sa Hawaii.)
Kaso, hindi, e.
Namangha ako kay Panginoong Tiki matapos ang diskusyon sa isang klase ko sa MA. Sinabi ni Jun Cruz Reyes na guro ko sa klase na kakaibang anito si Panginoong Tiki at maiuugnay ang larawan nito sa panitikan. Kung paanong nagmula sa bibig niya ang dalawang unang tao sa mundo ay gayundin naman nagmumula sa bibig ng tao ang mga unang panitikan. Oo nga naman, ang oral na tradisyon ang isa sa mga pinakamalakas na tagapagtatag ng kultura ng isang lahi. Mula rito'y hahanapin namin ang mga impluwensiya ng panitikan ng Pilipinas mula sa iba pang bahagi ng Timog Silangang Asya. Kaya naman marami kaming kailangang basahin para sa klase.
Hilig ko ang magbasa. Walang problema sa akin ang mga libro. Natuto akong maghalukay sa mga book sale. Marami-rami na rin akong nakuhang mga libro na P25 hanggang P40 lang. Na kapag bibilhin nang bagong-bago, aabot ng P200 hanggang P500+.
May mga libro namang mahirap hanapin o kaya'y napakamahal kung bibilhin. Nagkakasya na lang ako sa pagpa-photocopy at pagpa-bind. Lalo na sa kung tawagin nila'y RLC (tama ba?) na magiging katulad na katulad nito pati iyong cover ng libro.
Sa dami ng libro ko, kailan ba ako magkakalibro? Isa ito sa mga tanong na hindi ko masagot pagkagradweyt ko. Inisip ko muna ang trabaho. Ilang buwan din akong nawawalan ng trabaho. Iniuukol ko sa pagbabasa at pagsusulat ang mga panahong iyon. Kaya marami-rami na akong naiipong mga akda. Subalit, pagdating sa editing, hindi ko na ito nagagawa. Nawawalan ako ng gana. Marahil, dahil sa bugso ng damdamin kaya ko nagawa ang isang partikular na akda kaya hindi ko na mahagilap ang damdaming iyon. O kaya'y simpleng katamaran lang.
Napagawi ako dalawang linggo lamang ang nakaraan sa isang bookstore. Gusto kong makita kung kailan ang sale nila para mabili ko ang mga gusto kong libro tulad ng mga aklat ni Neruda at ilang graphic novels. Kaso, hindi pa sale. Tiningnan ko ang sa Filipiniana section kung ano ang bago. May ilang bagong libro ang mga datihan nang manunulat.
Subalit, mas ikinagugulat ko ang mga bagong libro ng mga bagong manunulat. Ilan sa kanila ang mas bata pa sa akin pero heto't may mga aklat nang ipinagmamalaki. Huwag nang pag-usapan kung pangit o maganda ang kanilang mga isinulat. Basta't may naipanganak na aklat, puwede nang makipagsabayan sa matatandang manunulat.
Napaisip tuloy ako kung kaya ko bang maglabas ng sarili kong libro. May pangako kasi ako sa sarili ko na dapat sa ika-25 taon ko sa mundo, may libro na ako. Iniurong ko ng isang taon dahil hindi ko natupad, lalo na't hindi ako nakasali sa Centennial Literary Prize ng aking alma mater ngayong taon. Naalala ko ang inihayag ng yumaong Rene Villanueva sa 2006 Pilar Madrigal First Book Awards: "Mahirap ipinganak ang isang libro lalo na kung hilaw ang mga materyal na nakapaloob dito."
Hay. Disiplina sa pagsulat. Naalala ko ang minsang sinabi sa amin ni Koyang Jess Santiago, "kung mahal mo ang pagsusulat, handa ka dapat magutom." Mas nagugutom ako sa disiplina. Sana'y datnan ako ng sarili kong tiyaga upang makita ko na ang sarili kong aklat. Na ako ang may-akda.

http://lvbamante.multiply.com/journal/item/7
istillbelieve wrote on Aug 13, '08
Hay...sa discipline part...buti ka nga nakakapanood pa ng DVD eh! ;p
|
istillbelieve wrote on Aug 15, '08
lvbamante said
ngek. wala akong sinabing ganyan.
sori...
|
No comments:
Post a Comment