Siya ay hamak na alagad ng Sining.
Pinsel,
Pinsel,
pait,
panulat,
tinig,
kilos,
espasyo,
at mga ideya
ang tangi niyang mga sandata.
Hangad niyang makakita ang mga binulag,
makarinig ang mga biningi,
makasalita ang mga binusalan,
at makadama ang mga pusong minanhid
ng pagkakataon.
Subalit hindi siya magiging Diyos.
Nais niyang makalakad sa dagat.
Ngunit dinuraan ang kanyang dalumat.
Nais niyang makalipad.
Ngunit binali ang kanyang haraya.
Nais niyang lumaya.
Ngunit pinako sa krus ang kanyang hulagway.
Kinahahabagan namin silang
lumilibak sa kanya.
Ngunit hindi siya titigil
sa paglikha.
Kahit na bantaan siyang
susunugin ang kanyang kaluluwa
sa kanilang
guniguning
impiyerno.
Nalathala ang unang bersyon ng tula sa:
Rizal News Online, Volume I, Issue 17, August 8-14, 2011
Ang larawan sa itaas ay mula sa:https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiPepTRg5rGoRwjpLZNc73rdAK2DoDUlUgnbVVgPSu6wtmFi2pat7xy_XVOQsKhlT3aHY7yzLWdMLitHvYcMOSfxDqkr3Y9xAijrZcf9A8tFJwIBe2pfUphabTl3WQCFyMkVUpkb6JTvPCS/s1600/relics.jpg
Tags: literature, politics, tula, expression, kalayaan, censorhip, sining, panitikan, poetry, freedom
http://lvbamante.multiply.com/journal/item/78/Ang-Alagad
No comments:
Post a Comment