Wednesday, November 21, 2012

Tungkol sa Kapaskuhan, ayon sa Eraserheads (multiply post, Dec 15, '08 1:10 PM)

Isa lamang itong pagmumunimuni ko nitong mga nakaraang araw. Pero may katagalan na palang nasa utak ko. Kung baga, nasa subconscious ko.

Mahigit nang sampung taon ko nang pinatutugtog ang Fruitcake album ng Eraserheads tuwing papalapit at nariyan na ang Kapaskuhan. Sino nga ba naman ang hindi masisiyahan kapag ganitong panahon ng pagbibigayan at pasasalamat na kahit minsa'y nagiging payapa ang mundo? Na ang pagpapasalamat ay dapat lang iukol sa pagsilang ni Jesus bilang ang Dakilang Manunubos.

Ang paglabas ng Fruitcake bilang Christmas album ng Eraserheads ay hindi naman kakaiba dahil marami namang banda't musikero sa mundo ang may ganito ring album. Sa biglang tingin, nakikibahagi ang banda sa pagdiriwang ng Pasko. Inamin ng banda na isa itong soundtrack sa isang children's book na sila rin ang may-akda. Naimpluwensiyahan sila ng mga tulad nina Roald Dahl, L. Frank Baum, Kurt Vonnegut, John Lennon, at ng pelikulang The Rocky Horror Picture Show sa paggawa ng akdang ito. (Sa kasamaang palad, hindi na nakapag-reprint ang publisher nito.)

Ngunit ang ginawa ng Eraserheads ay hindi lang pag-ambag sa pagdiriwang. Makikita sa unang stanza ng kanilang awit na "Fruitcake" ang kakaiba ngunit pesimistiko nilang pananaw ukol sa Pasko.

It's the season for being happy
But the reason is dead and gone
If the reason for being happy
Takes a backseat when the season's done

Patungkol ito kay Jesus na sa panahong nilikha ang awit ay ipinamamalas lamang ng banda na ganito na tingnan ng mga tao ang Pasko. Sa ikalawang linya ng awit ay direktang tinukoy na wala na si Jesus sa mundong ito. Bukod sa wala, siya'y patay na. Na siya'y ipinako sa krus sa panahon ng Imperyong Romano. At sa madaling salita, ang patay ay patay na. Kung mabubuhay muli ay isang misteryong hindi pa masagot ng agham.

Sa huling linya ng siniping stanza ng awit ay direkta ring ipinakikita ng banda na matapos ang Pasko'y balik na sa dati ang buhay ng mga tao. Na muling magiging magulo ang mundo. Na ang mga problema'y muling mararamdaman ng mga tao.

Maaari itong tingnan bilang paninira ng banda sa okasyon at masasabing eretikong pananaw. Subalit sa liberal na perspektiba, titingnan ito bilang dekonstruktibong pagpuna sa mga istrukturalistang paniniwalang naitanim nang matagal sa isip ng mga tao.

Ang ganitong paniniwala ng banda batay sa isang awit ay naipalaganap sa mga tagapakinig subalit hindi malay ang kanilang pagtanggap. Sapagkat ang pangalang Eraserheads noon ay sapat na upang tangkilikin ang alinmang ilabas ng banda. Sa isang banda'y hindi na kailangan ng backmask para malaman ang mensahe ng isang banda tulad nila. Na mababasa naman ito sa lyric sheet. Ang kailangan lang ay pagmumuni't pagbubukas ng isip.

http://lvbamante.multiply.com/journal/item/20

Viewing History

Viewed 98 times by 67 people, latest on Aug 20, '10
 
 
12 CommentsChronological   Reverse   Threaded
jivaman wrote on Dec 15, '08
lvbamante said
It's the season for being happy
But the reason is dead and gone
ang pagkakaintindi ko naman sa linyang ito, tungkol sa pagkasira ng diwa ng pasko. but the reason is dead and gone, ibig sabihin siguro, pinalitan na ni santa claus si jesus. hehehe

astig, mabuhay ang E-heads!
piechan wrote on Dec 15, '08
jivaman said
ang pagkakaintindi ko naman sa linyang ito, tungkol sa pagkasira ng diwa ng pasko
i agree with jivaman, the spirit of christmas is gone yon lang yon.
chechepido wrote on Dec 15, '08
wow ganda ganda,..
dividetapos wrote on Dec 15, '08
those four lines can mean different things without punctuations.
i think they're two sentences and goes like this:

It's the season for being happy.
But the reason is dead and gone if the reason for being happy takes a backseat when the season's done.
thedanceofeternity wrote on Dec 15, '08
agree
lvbamante wrote on Dec 16, '08, edited on Dec 16, '08
and the Spirit is Jesus Christ. :)

anyway, isa lamang itong diskurso.
nobodycan wrote on Dec 19, '08
maganda ang inihain mong diskurso ha! subalit, sa kabila ng pagpuna ng banda sa karaniwang pagtingin ng tao sa panahon ng kapaskuhan, nagbanggit naman sila ng positibong pagtingin sa mga bagay-bagay, upang mapukaw ang isip ng nakikinig tungkol sa kanyang pananaw sa diwa ng pasko sa kasalukuyan. maaaring pesimistiko nga ang stanzang iyong nabanggit, ngunit tingin ko binungad lamang nila ito para imulat tayo sa negatibo, saka isinunod ang mga positibong bagay na tunay na bubuhay sa diwa ng pasko.

sa huli, ang mensahe ng kanta ay pukawin ang isipan ng tao kung tama ba ang pagtanaw natin sa panahon ng kapaskuhan. at kung pasko na lang ba ang nagiging artipisyal na dahilan kung bakit dapat tayo magsaya. :)
lvbamante wrote on Dec 19, '08
maraming salamat sa iyong puna. isang kanta lang ang binanggit ko rito. pero kung titingnan at pakikinggan ang buong album, balanse ang kanilang pananaw sa pasko.

gusto ko lamang ihain ang words of wisdom ni Lord of the Rhum sa librong Fruitcake. sinabi niya rito na "Fruicakes are for sale." Kung si Town Mayor naman, "There's a fruicake for everybody." Kontrahan, di ba? May fruitcakes, yes, pero dapat bumili.

wala naman akong problema sa pasko. hindi ako si mr scrooge o sinumang ayaw sa pasko. isa lamang itong pagtingin ko.

Meri Krismas sa inyong lahat! (ñ_ñ)
jules16mm wrote on Dec 25, '08
Merry Christmas!
hmm, i agree on some parts! i love the song. pero, in my own understanding, Eraserheads, or the person who composed the song rather has implied that people today have now viewed Christmas as something seasonal, parang Fruitcake, seasonal lang, hindi mo mabibili pag ordinaryong araw, parang pasko. people celebrate Christmas pag December 25 lang, pero dapat naman natin icelebrate talaga everyday. Magulo siguro ako, pero sana naintindihan n niyo, sana magkaoras din ako na makapaglabas ng pananaw ukol sa awiting ito.

salamat! nakakapagpabukas ng isipan, at isang mgandang ehersisyo para sa utak!
Maligayang Pasko muli!
lvbamante wrote on Dec 26, '08
yes. December 25 because it was institutionalized. kaya december 25 lang natin nasasabi na magbigayan, magmahalan, chenes-chenes... pero nariyan pa rin ang mga problema.

ayoko ng mga dahilang kahit "minsan man lang sa isang taon..." estupido kasi iyon para sa akin. malaki ba ang pagbabago ng buhay natin kung minsan man lang ay magbigayan at magmahalan tayo?

pagmumuni-muni lang naman ito. natutuwa ako sa iyong komento. maraming salamat.
imtin02 wrote on Dec 25, '08
lvbamante said
It's the season for being happy
But the reason is dead and gone
If the reason for being happy
Takes a backseat when the season's done
hindi ako gaanong sumasang ayon sa pag aanalisa. sa tingin ko, at malinaw naman na pinapahayag ng kanta na ang mga tao ay hindi na alam ang tunay na diwa at kahulugan ng pasko.

masaya at magsaya, pero bakit ka nga ba nagiging masaya kapag pasko? magtanong ka sa mga tao at baka karamihan sa makuha mong sagot ay dahil sa regalo, "bonus", masasarap na pagkain, bagong damit, kalikaliwang mga parties, karamihan ay puro materyal na bagay. at ang mga ito ay nauubos din, natatapos.

hindi ba ang tunay na kahulugan ng pasko ay ang kapanganakan ni hesus? ilan sa atin ang sasagot nyan? tanungin mo ang mga bata at baka mahirapan kang makakuha ng ganitong sagot.

kung mas susuriin nang mabuti, napakaganda ng pagkumpara ng kompositor sa pasko at fruitcake. katulad na nga ng nabanggit, ang pasko ay para na lamang fruitcake, seasonal na lang. binigyan natin ng limitasyon ang kahulugan at ang pagdiriwang ng pasko.

bigyan ding pansin ang iba pang linya ng kanta:

"everybody everywhere
people do you really care
xmas time has once again arrived"

may pagkukwestiyon sa mga tao kung talaga bang naiintindihan nila ang kahulugan ng pasko.

"take a bite, it's all right
a little lovin' and some fruit to bake
life is a piece of cake"

okay lang kahit anong pagdiriwang ang gawin basta may pagmamahalan at may rason sa pagdiriwang, magiging maayos ang lahat, (sa tingin ko hindi ginamit ang figurative na meaning ng "life is a piece of cake" ng direkta)

peace!
merry christmas sa ating lahat :)
lvbamante wrote on Dec 26, '08
imtin02 said
masaya at magsaya, pero bakit ka nga ba nagiging masaya kapag pasko? magtanong ka sa mga tao at baka karamihan sa makuha mong sagot ay dahil sa regalo, "bonus", masasarap na pagkain, bagong damit, kalikaliwang mga parties, karamihan ay puro materyal na bagay. at ang mga ito ay nauubos din, natatapos.

hindi ba ang tunay na kahulugan ng pasko ay ang kapanganakan ni hesus? ilan sa atin ang sasagot nyan? tanungin mo ang mga bata at baka mahirapan kang makakuha ng ganitong sagot.
maraming salamat sa inyong komento.

tiningnan ko ang reason bilang si Jesus. at matapos ang season, nasa backseat na siya. kung baga, "tongue-in-cheek" ang banat ng banda sa linyang ito tungkol sa pasko.

wala namang problema kung maging materyal ang tao dahil nasa yugto naman tayo ng materyalismo. at aling institusyon ba ang nagpalaganap nito? ang Simbahan ay nagumon dito lalo na sa panahon ng Dark Ages hanggang sa Counter-Reformation. kailangan malalaki ang simbahan, ang mga gamit ay ginto, ang mga santo ay mamahalin ang mga damit, etc.

na kung ibabalik kay Jesus, simple lang ang kanyang buhay mula pagsilang hanggang kamatayan. Kontrahan pa rin, di ba?

maraming salamat sa inyong komento.

No comments:

Post a Comment