kamakailan lang ay may nabasa akong isang online article na pinupuna/pinupulaan ni James Soriano ang wikang Filipino.
gustuhin ko mang gumawa ng essay, sa dami ng iba ko pang gawain na sigurado naman akong kikita ako, nahahapo ako dahil inis sa kanyang mga pahayag. nakalulungkot na ang Manila Bulletin Online ay tinanggal na ang artikulo sa kanilang website.
nakaaawa rin naman na ang isang Filipino na tulad niya ay pupulaan ang wikang pambansa. marahil, hindi pa niya nababasa ang tulang ito ng Rolando Tinio na isa ring Atenean:
gustuhin ko mang gumawa ng essay, sa dami ng iba ko pang gawain na sigurado naman akong kikita ako, nahahapo ako dahil inis sa kanyang mga pahayag. nakalulungkot na ang Manila Bulletin Online ay tinanggal na ang artikulo sa kanilang website.
nakaaawa rin naman na ang isang Filipino na tulad niya ay pupulaan ang wikang pambansa. marahil, hindi pa niya nababasa ang tulang ito ng Rolando Tinio na isa ring Atenean:
Postscript
ni Rolando S. Tinio
Adios
Amerika
w/ all
your star-spangled ideas
Ginago mo kaming
Walang kalaban-laban
CRAZY MAN
CRAZY CRAZY
I get so furious
everytimeIthink
kaming me pinag-aralan
ang lumalabas ngayong hangal
Because we’re out of touch (chua chua)
Because we’re out of touch (chua chua)
It’s all a matter of pointofview
& ar poinuview’s sulipat
MATANG--
MANOK
Think lang of all the
finals and seminars na pinagsusunugan
ng highbrow
jusso we won’t be
nakakahiya naman sa aming mga
KANONG classmates na andami
namang ay Dios ko tanga yata
D’ya know I wrote a heaven-knows-how-many-pages-paper-on
have y’eva he’d of some’ing entitled
Ver-gi-di-ma-rium by Marston ba or Hall?
& for 8125
na-eyestrain sa kasisilip
sa Regla ni San Beda sa microfilm
para maevalyuweyt kung Madame Ovaltine was landi o saint?
And what kind of iskolarsip daw na putangna?
Buti pang magkamot ng bayag / Bakâ nilabasan pa
I mean it’s absoluuuutely ridiculous
endeavuh so precieuse to stuff
yu’head w/ headnotes footnotes marginalnotes
until your soul’s one big fat variorum edition
of pure unmitigated pedantic nonsense
S* A* P* A* G* K* A* T*
walang walang
kinalaman
sa sarili mong
UHAW ANTOK TAKOT LIBOG UTOT
& then you godda nerve to think
you’re shuperiah to the restadapipol
juz becuz you speak English w/the twang of angels
from Talahasee, Salinas, or Catona
Abá’y talagang anak ng garapata ng áso ni San Roque!
May talino ‘yung di marunong mag-englis akala n’yo ba
May sariling estruktura ang pangangatwirang
hango sa hinuha’t higher form of algebra
ang ma’no bang patancha-tancha’t pakarku-karkula
I mean to say
St James
St Eliot
St Warren & Wellek
St Shakespeare & Johnson
St Donne & Miltonberle
St Thomasite
St Peace Corps.
Pagbalikwas ninyo sa kani-kanilang libingan
ladya kami sa istetsayd na dunong-dunungan.
kung
pakalilimiin lamang ni James Soriano ang kanyang ginawang sanaysay at
ang tulang ito ni Rolando Tinio, dapat na niyang isulong ang pag-unlad
ng wikang Filipino.
dahil ito ang nararapat gawin ng isang tunay na Filipino.
http://lvbamante.multiply.com/journal/item/79/para-kay-James-Soriano
may update ang mamà tungkol sa kanyang nakagagalit na artikulo:
http://www.mb.com.ph/articles/332639/wika-bilang-gunita ang tanong ay, sinadya ba niyang maging "sarkastiko" sa una niyang artikulo? |
ang artikulong nagpagalit sa marami.
http://www.mb.com.ph/articles/331851/language-learning-identity-privilege |
No comments:
Post a Comment