Hinahanap ko ang iyong bango
Nang magbalik ako sa silid na ito.
Gusot-gusot ang bedsheet, ang mga unan.
Lamukos ang puting kumot. May naiwang
Ilang hibla ng iyong mahabang buhok.
Sa katabing mesita, nakamarka pa sa yosi
Ang sosi mong lipstick. Pati ang nilagok
Mong serbesa sa baso. Umagaw lang tayo ng sandali
Na naging pag-ani ng mga halik at hininga.
Umaapaw sa mga panahong iyon ang ating
Sarili na napag-iisa’t napaghihiwalay. Sadyang
Ang samyo mo ang hatid ng hangin.
Subalit sa yugtong ito, lahat ng ito’y gumagalaw
Na mga retrato. At dito sa silid ang iyong bango’y naiwan.
09/25/2010

http://lvbamante.multiply.com/journal/item/59/Hinahanap-ko-ang-iyong-bango
No comments:
Post a Comment