Showing posts with label elections. Show all posts
Showing posts with label elections. Show all posts

Sunday, November 22, 2015

Tanim-Bala sa NAIA

Mula ang larawan sa kwentongofw.com

Tanim-Bala sa NAIA

ni Louise Vincent Amante



Lihim na itinanim

sa biktimang maleta,

OFWng hamak –

may ani palang bala!

Hindi rin pinalampas

seniors, mga turista.

"Isolated case," ani

Honrado ng NAIA.

"Konti lang iyan," sagot

ni Kalihim Abaya.

Tinanong naman si Mar,

sigaw n'ya "Propaganda

'yan laban sa gobyerno!"

Naging pasahang-bola

ang dapat ginagapas

ligaw na ebidensya.

Hangga't ang mga utak

sa tanim-bala'y laya,

kamal-kamal ang tubo

ng misteryosong mafia.



5 Nob 2015

Thursday, November 29, 2012

Nang Pumalaot ang Kaliwa sa Dagat ng Pambansang Eleksyon (o Kumanan na nga ba ang Kaliwa?) (multiply post, Jul 4, '10 9:38 PM)

Long-delayed na ang sanaysay na ito. Pero kahit na, gusto ko pa ring ilabas ito. Ito ang masasabing karugtong ng “Eleksyon, moral ascendancy, krisis, at protesta: Ang pagbangko ng pag-asa’t pagbabago sa rehimeng US-Aquino” na in-upload ko rito sa Multiply noong May 27, 2010.

Hindi na bago ang pagpasok ng Kaliwa sa Pilipinas sa laro na kung tawagi’y eleksyon. Una nang sinuong ito nina Luis Taruc at mga kasama noong eleksyon ng 1946 sa ilalim ng Democratic Alliance (DA). Kasapi sila ng noo’y Partido Komunista ng Pilipinas na itinatag noong 1930 (PKP-1930). Ayon sa Philippine Society and Revolution ni Amado Guerrero (34), nakipagsanib ang DA sa Nacionalista Party para sa eleksyong ito. Nanalo ang tatlong senador ng DA ngunit hindi sila pinaupo ni Pangulong Manuel Roxas. Mula sa Liberal Party si Roxas, na binubuo ng mga pinatalsik na Nacionalista.

Ito ang masasabing unang paglahok ng Kaliwa sa pambansang halalan. Dahil may nanalong mga senador ang PKP-1930 noong 1946, may simpatya’t following na noon ang unang grupo ng mga Kaliwa sa bansa. Ang masasabing pinakamalaking pagkakamali ng PKP-1930 ay ang pag-abandon nito sa armadong pakikibaka. Mula rito’y unti-unti nang nalusaw ang kanilang organisasyon. Pinasidhi pa ito ng pagsuporta ng lideratong Jesus Lava sa administrasyong Marcos na kumakatawan daw sa “ascendancy of the reformist national bourgeosie over the feudal lords and the compradors” (Sison 58-61). Kaya itinatag muli ang PKP noong 1968 na naniniwala sa armadong pakikibaka bilang pangunahing armas na magpapabago sa lugmok na ekonomiya ng bansa sa kamay ng imperyalismong Estados Unidos (US).

Naniniwala ang bagong PKP na hindi lang eleksyon ang sagot sa mga problema ng bayan. Ginagamit lang ito ng mga naghaharing-uri upang mapanatili ang kanilang mga angkan sa itaas ng istrukturang pampolitika at siguruhin ang kanilang ari-arian. Kaya ituturing din ng mga kilusang makabayan at mga mamamayan na huwag lumahok at bumoto sa mga eleksyon. Boykot pa nga sila noong 1986. Pero sino’ng makapagsasabi noon na magkakaroon ng EDSA People Power? Tila isang biglang silab ang tumupok at nag-upos sa diktaturyang Marcos. At naluklok si Cory Aquino bilang Pangulo.

Tatlong pangulo na’ng nagdaan at muli, isa na namang Aquino ang nasa Malakanyang. Ano na kayang kahihinatnan ng kilusang Kaliwa sa Pilipinas? Kaiba sa pagkapanalo ng DA noon, hindi nagtagumpay ang candidacy nina Satur Ocampo at Liza Maza para maging Senador. Masasabing tinik sa lalamunan ng nakaraang administrasyong Macapagal-Arroyo ang mga makabayang mambabatas na ito mula nang manalo sila sa ilalim ng Bayan Muna party-list noong 2001. Inakusahan sila ng kung ano-anong kasong pulitikal at maging kriminal, bukod pa kina Teddy Casiño, Rafael Mariano, Joel Virador, at namayapa nang Crispin Beltran. Sila ang masasabing vocal critics ng mga polisiyang kontra-mamamayan, bukod pa sa mga ipinanukala nilang mga batas na pabor sa nakararaming mamamayan. Kaya gayon na lamang ang harassment sa kanila. Subalit mas masidhi pa ang pandarahas sa mga simpleng kasapi’t organisador ng Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, Kabataan, at iba pang organisasyong progresibo.

Kaya nang ipahayag nina Ocampo at Maza ang intensyon nilang tumakbo sa pagka-Senador, suportado ito ng malaking hanay ng mga makabayang kagrupo nila. Maging ako’y nasa panig nina Ocampo at Maza. Subalit sa eleksyong ito’y hindi sapat ang intensyon at marubdob na adkihaing maglingkod sa mamamayan. Kahit na may koalisyong Makabayan na kanilang binuo noong isang taon, kinakailangan ng malaking makinarya upang ilunsad ang malawakang kampanya.

Unang napabalitang nakikipag-usap ang grupo nina Ocampo at Maza sa mga Liberal at Nacionalista na maging guest candidates. Hindi sila isinama sa senatorial line-up ni Aquino dahil mahigpit na tagasuporta ang Bayan Muna sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita. Maswerteng tinanggap naman sila ni Manny Villar sa Nacionalista. Pero kasama pala nila sa line-up si Bongbong Marcos, anak ng dating diktador. Ani Ocampo, he would not share the same stage with a Marcos. Nananatili ang mga isyu kahit na nakipagkamay si Marcos kay Ocampo sa isang event na kinover ng media.

Sa mga araw ng opisyal na kampanya, naglabas ng pahayag ang PKP at maging si Jose Ma. Sison sa isang intebyu na sumusuporta kay Manny Villar para maging Pangulo ng bansa. Ayon sa kanila, si Villar ay kiling sa mga programang pang-ekonomiya at pampolitika ng PKP. Ngunit sa mga panahon ding ito lumabas na secret candidate daw si Villar ng mga Arroyo, kaya binansagan ang tandem nilang Villarroyo.

At dumating ang eleksyon.

Dahil automated, mabilis ang dating ng mga resulta matapos ang Mayo 11. Hindi inaasahan ng marami, lalo na ng mga nasa kilusang makabayan, na lagpak ang pwesto nina Ocampo at Maza sa bilangan. Naungusan pa sila ni Risa Hontiveros-Baraquel na nasa ika-13 puwesto. Nadismaya ang mga nasa Kaliwa, maging ako na ibinoto ang mga makabayang ito. Mas mataas pa ang nakuha ni Bongbong Marcos para maging Senador ngayon. Bagaman malalaki ang bilang na nakuha ng Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, Act-Teachers, at Kabataan party-lists, hindi mapasusubaliang may repleksyon sa Kaliwa ang kinahinatnan nina Ocampo at Maza.

Sa pakikipag-usap ko sa ilang kaibigan at kapanalig sa sining pagkatapos ng eleksyon, may mga punang lumabas sa pagpasok at pagkatalo ng Kaliwa sa eleksyong ito. Ang pagbabalik ng mga datihan na sa pambansang pamahalaan ay pagpapatuloy lang ng bulok na sistema ng halalan. Marami ang nagsasabing lumakad talaga ang pera, lalo na sa mga lokal na puwesto. At nito ngang buwan, naglipatan na ang mga nasa Kamara, gobernador, mayor, at iba pa sa Liberal Party. Sa ganang ito’y lalakas pa ang Kaliwa, lalo na’t walang malinaw na programa sa repormang agraryo ang administrasyong Aquino.

Pero, sabi nga ng iba, the numbers speak for themselves. Sa akala kong marami ang kabilang sa mga kilusang makabayan, magwawagi sina Ocampo at Maza na maging Senador. Dito nila maisasatinig ang hinaing ng mamamayan. Pero hindi nga ganoon ang nangyari. Masasabing maliit pala ang bilang ng mga kasapi ng mga grupong ito, bukod pa sa mga allies at symphatizers nito. Sa kabilang banda, maaaring dinaya ang bilang ng kanilang boto dahil kaya namang manipulahin ang PCOS machines, ayon na rin sa independent media at IT experts. Matindi rin ang balck propaganda na may links sa New People’s Army sina Ocampo at Maza. Sa isang discussion forum na ginanap sa UP Diliman nitong Hunyo, ipinahayag ni Ocampo na patuloy ang harassment ng militar sa mga kasapi ng Bayan Muna at mga katulad na samahan na huwag bumoto. Tinakot diumano ang mga kasapi. Sa bahaging open mic, isang manunulat ang nagpahayag na labag sa kagandahang-asal ang sinabing ito ni Ocampo. Kung natakot diumano ang mga tao, wala nang rebolusyong magaganap sa yugtong ito ng kasaysayan. Tila naputulan ng dila ang nasa panel ng nasabing forum. Maanghang ang puna ng manunulat, hindi inaasahan.

Ang pinakamabigat na argumento sa pagkakatalo nina Ocampo at Maza ay ang pagsali nila sa Nacionalista, lalo na’t nakabandera dito si Villar. Sa panahon ng kampanya, batuhan talaga ito ng putik. At matitindi ang ibinato kay Villar. Masasabing hindi nakabangon si Villar sa mga alegasyong korupsyon sa C-5 extension deal at sa hindi niya tunay na pagiging mahirap. Nadamay sina Ocampo at Maza. Sa kabila ng muling pag-expose ng Kaliwa sa Hacienda Luisita massacre noong 2004, hindi nagbago ang results ng survey hanggang sa araw ng eleksyon pabor kay Aquino.

Puna nga ng isang dating nasa kilusan, kung nagsariling lakad sina Ocampo at Maza, mas malaki pa ang tsansa nilang manalo. Tila opurtunismo ang namayani sa loob ng PKP, sabi niya. Mas maanghang naman ang galing sa isang manunulat, naging trapo na ang mga pinuno ng kilusang makabayan.

Habang ginagawa ko ito’y naniniwala akong may magandang kinabukasan ang Kaliwa sa Pilipinas. Sa pelikulang The Founding of a Republic, sinabi ni Mao Zedong – na ginampanan ni Tang Guoqiang – “we learn from our mistakes.” Wala pa akong nababasang pahayag na tumatasa sa karanasan ng Kaliwa sa nakaraang eleksyon. Maaaring tama o mali ang paglahok ng Kaliwa sa eleksyon ngayon. Sa tingin nila marahil, hinog na’ng panahon para umakyat sa Senado ang mga pinuno ng kilusan. They have proved themselves worthy of the tasks since their membership in the House. Pero hindi ito natuloy.

Sa ganang ito, hindi dapat mag-wallow sa pagkatalo ang Kaliwa. Hindi na baleng mawala ang isang larangan, huwag lang ang buong tiwala ng mamamayan.



Sanggunian:
Guerrero, Amado. Philippine Society and Revolution, 5th ed. Phils: Aklat ng Bayan, Inc, 2005.

Sison, Jose Ma. at Julieta De Lima. Philippine Economy and Politics. Phils: Aklat ng Bayan, Inc, 1998.

Monday, November 26, 2012

Para sa Morong 43 at sa mga Doktor na naglilingkod sa Bayan (multiply post, Feb 24, '10 7:23 PM)

Batid na natin ang pag-aresto, pagkulong, at hindi makataong pagtrato ng mga militar na nakahimpil sa Tanay, Rizal sa binansagang Morong 43. Sila ay 43 health workers, doctors, at nurses na "nahuli" sa isang rest house sa Morong sa aktong "bomb making" seminar.

Nakapagpapakamot ng ulo ang ganitong argumento ng mga humuli sa mga nasabing health workers dahil kasapi raw ang Morong 43 ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA). May plano ang grupo na maghasik ng takot at pasabugin ang ilang lugar lalo na't nalalapit ang eleksyon. (Martial Law?)

Ang katwiran ng mga hinuling health workers at ng mga sumusuporta sa kanila ay naroon sila sa lugar upang mag-seminar kaugnay ng kanilang gawaing pangkalusugan. Ayon sa militar, kasapi ang mga hinuli sa health bureau ng CPP-NPA. At malaking bilang nga ito ng mga inakusahang komunista na sinasabing dapat puksain pagkatapos ng termino ni Pangulong Arroyo. Ito ang pangako ng dating Chief-of-Staff Hermogenes Esperon. (General, bakit marami pa ring NPA hanggang ngayon?)

Kaya, ilan sa mga doktor na nasa malalayong lugar ang pinagsisilbihan ay natatakot dahil sa ganitong pangyayari. Na kapag sa kanayunan nanggagamot, komunista? Kapag gumagamit ng acupuncture, komunista?

Habang nasa isang reception nitong Linggo, hindi sinasadyang mapag-usapan namin ng doktor at tatay ng karelasyon ko ang tungkol sa Doctor to the Barrios program na sinimulan ni dating Senador at Dr. Juan Flavier. May serye pa nga ng aklat na may gayunding pamagat na inakda si Dr. Flavier na dati ring Department of Health (DOH) Secretary bago niya pamunuan ang DOH. Isa ang tatay ng karelasyon ko na sumuporta't kabilang sa mga doktor na pumupunta sa malalayong lugar, lalo na sa mga bulubundukin. Doon, sinusuri nila ang kalagayan ng mga katutubo at tinuturuan sila sa tamang hygiene. At ang serbisyong ito ng mga doktor ay libre. Kahanga-hanga ang mga doktor at health workers na ito na sa ngalan ng kanilang tungkulin ay dadayo pa sa mga lugar na hindi maabot ng kuryente, cellphone, at internet mapagsilbihan lang ang ating mga kababayan.

Sa pagtsetsek ko ngayong araw ng ilang proyekto sa pananaliksik ng aking mga estuydante, isang balita mula sa Philippine Daily Inquirer tungkol sa mga doktor sa barrios ang magandang ibahagi rito. Narito ang nasa unang pahina:

"Flavier Pays UP doc a visit in barrio"
by Carlos H. Conde, Philippine Daily Inquirer, Vol 8, No 208, Monday, 5 July 1993

San Luis, Agusan del Sur -- Like any other doting father, Health Secretary Juan M. Flavier is spoiling his "first child," Dr. Henry Plaza, 32.

Plaza, a 1991 graduate of the University of the Philippines, is the first doctor to respond to Flavier's call to "serve the barrios."

For the past two months, Plaza has been serving the medical needs of this riverside town (pop: 19,000), which may be reached after some two hours of rough driving from Prosperidad, the provincial capital.

The last time a doctor had been assigned here was 23 years ago.

Visiting Plaza over the weekend, Flavier asked the young doctor what his most pressing need was.

"A 4-by-4 pick-up," Plaza said, "so I can reach the mountain barangays."

Flavier took less than an hour to think. "Call me up if the vehicle has not arrived by July 15," he told Plaza.

(Maraming salamat kay Ivy Rose Delas Alas para sa kopya ng balitang ito.)

Sa balitang ito, makikita ang pagtugon ng isang doktor sa programang doktor sa mga baryo. Bagaman isa lang halimbawa ang balitang ito, nakatitiyak akong marami ang nagsilbi sa mga kanayunan. Nasabi ko sa tatay ng aking karelasyon na sana'y may pahayag si Dr. Flavier sa nangyari sa Morong 43 dahil pagsisilbi rin sa mahihirap na mamamayan ang ginagawa ng mga sinasabing komunistang health worker.
Pero bago pa gawing DOH program ito ni Flavier noon, mainit na rin sa mata ng mga militar ang mga doktor na nagpupunta sa mga baryo. Isa sa mga kilalang doktor noon ay si Dr. Remberto dela Paz. Pinatay siya sa Samar ng mga pinaghihinalaang militar noong Pebrero 1982. Tumutulong si Dr. dela Paz sa mga tao roon, hindi lang sa pag-aalaga ng kalusugan,  pati sa kung paano pauunlarin ang antas ng kanilang pamumuhay. Hanggang ngayon, walang naparusahan sa kung sinuman ang pumatay sa butihing doktor.
Kung ang Morong 43 ay may pagkakasala, ito ay dahil sa kanilang paniniwala't prinsipyong maglingkod sa mga mamamayang walang-wala at nangangailangan ng atensyong medikal.

Sila ay mga bayani.

Sahid (multiply post, Dec 29, '09 5:40 PM)

I.
Sa araw na ito, isisilang ang aming pag-asa.
Pinili naming tahakin ang daang
tutungo sa hatid na liwanag
ng demokrasya.

Kapangyarihan ng mamamayan
ang magpapasya.
Kaya sa araw na ito, pinili naming
lakbayin ang daang hatid
ay isang pangako ng kariwasaan
dito sa isang bahagi ng Lupang Pangako.

Batid naming bako-bako ang landas
patungo sa kaliwanagan.
Subalit, pinakamainam ang sumuong
at magpatuloy
upang makilatis
ang lahat ng hadlang
at sagabal sa daanan.

Pangarap naming magwakas
ang paghahari-harian
ng Shaitan
sa aming bayan.
At sa pangarap na ito, matatag
kaming bumabagtas
sa landas na itong tumutunton
sa mithing paraluman.

II.
Aba, aya, sayang bapa!

Lampas sa bilang ng mga daliri
ang humarang sa aming
kampon ng Shaitan.
Kaliluhan ang sa kanila’y bumubuhay
Kasamaan ang sa kanila’y gumagabay.
Hindi na yata namin
mararating ang mithing pangako
ng demokrasya.

Sa bayang ito’y
batas
ang bala
at pera.

Aba, aya, sayang bapa!

Pinababa kaming lahat:
bata, matanda, babae, lalaki,
abogado, dyarista, brodkaster.

At sa harap namin:
Ang Shaitan.

Tangan niya ang sandata
ng kanyang paghahari-harian.

O taksil na pita sa yama’t mataas!

Wala siyang awa.
Siya ang Shaitan.
Humalakhak siya
Habang isa-isa kaming pinapaslang
ng kanyang mga kampon.
Wala na kaming hininga’y
niratrat pa rin niya kami
ng kanyang kasiyahan.
Wala siyang awa.
Siya ang Shaitan.

Aba, aya, sayang bapa!
Sa bayang ito’y
batas
ang bala
at pera.

III.
O Bathala,
Panginoong Al’lah!
Puso mo’y nahambal ng aming panaghoy.
Sinong di makatatarok
ng aming hinagpis
habang pinapaslang ng Shaitan?

O Bathala,
Panginoong Al’lah!
Dinggin mo’ng aming sari-saring daing.
Bagaman sinipsip ng lupa
ang aming mga dugo,
matingkad ang aming hangad na katarungan.

O Bathala,
Panginoong Al’lah!
Sa araw ng paghuhukom,
Hayaan kaming mga ibinuwal ng Shaitan
ang unang magpataw
ng parusa.




12/29/2009

Sahid – sa Islam, martir
Shaitan – ditto, Satanas

*ilang linya ng tula ay hinango sa Mahal na Pasion ni Fray Aquino de Belen, Florante at Laura ni Balagtas, at “Sagot nang España…” ni Plaridel.

Saturday, November 24, 2012

Cory, Dilaw at Iba Pang Paglisan (multiply post, Aug 6, '09 11:48 AM)

ni Rolando B. Tolentino

PUBLISHED ON August 2, 2009 AT 1:47 PM
http://www.bulatlat.com/main/2009/08/02/cory-dilaw-at-iba-pang-paglisan/3/


Nabuhay akong nagkaroon ng politikal na kamulatan sa kasagsagan ng diktaduryang Marcos. At bahagi ng kamulatang ito, ang pag-challenge ni Cory Aquino sa diktadurya. Bago siya pumasok sa asasinasyon ng kanyang asawang si Ninoy, isinumpa raw ang henerasyon namin—“ang martial law babies”—na ang tangi naming pangulong makikilala ay si Marcos, at matapos, si Imelda.

Matingkad ang alaala ni Cory dahil tunay itong masigasig sa anti-diktaduryang pakikibaka. Ilang beses ko itong nakitang magsalita sa De La Salle, at mga rali sa Ayala. Halos abot-kamay lamang sa mga pagkakataong ito dahil tunay naman ang simpatya ng karamihan ay sa balong umako ng pakikipaglaban ng kanyang asawang politiko. Hindi pa siya politiko noong mga panahon ito, at maningning ang sinseridad niya sa adhikaing pagbabago.

At dilaw ang kanyang kulay, na pakutya ni Imelda ay nagpapaalaala raw sa kanya ng jaundice, o ang paninilaw ng balat at mata. Sa pananaw ng Marcoses, si Cory ay isang sakit na mawawala rin. Pero nagkamali sila dahil kumapit ang mga tao kay Cory bilang representatibong figura ng pagbabago sa pamunuan at sistema. Ito ang panahon na daan-daang libo ang mga tao kapag nagpatawag ng rali sa
Liwasang Bonifacio.

Umuulan ng yellow confetti (putol-putol na pahina ng Yellow Pages lang naman, na isa ring pagkadismaya sa kawalan ng kalidad ng serbisyo ng PLDT, ang may monopolyo sa linya ng telepono) sa Ayala Avenue. Pati ang rali ng YS (youth and students) ay dinudumog. May atraksyon na lumabas sa kalye, hindi nakakasapat ang kaalamang itinuturo sa eskwelahan, at ang tunay na pag-aaral ay nasa labas ng klasrum.

Ang mantra sa YS noon ay “do not let the classroom interfere with your education.” Masigla ang produksyon ng kontra-kulturang anti-diktadurya ng panahong ito. Ang kaibigang skolar si Joi Barrios ay gumawa ng kanyang masteral thesis ukol sa pagiging manggagawang pangkultura sa panahong ito. Dito kami unang nagkakilala, at marahil, kahit nasa ibang bansa kami ay patuloy pa rin ang pakakaibigan at paninindigan.

Hindi lang naman si Cory ang dahilan ng masigabong kilusang masa sa panahon ng diktadurya. Hindi naman pamalit-personalidad lang ang hinahanap ng mamamayan sa panahong ito. Na kahit ang biruan na kapag aso ang lumaban sa eleksyon kay Marcos, mananalo ang aso, ay hindi naman nangyari na natalo si Marcos. Sa snap elections ng 7 Pebrero1986, si Cory ang asong tumalo kay Marcos. Na kahit sa ofisyal na bilangan ay nanalo si Marcos, ang kapangyarihan ni Cory na nagpatawag ng civil disobedience at people power ang siyang nagpaluhod sa diktadura.

Nais kong alalahanin si Cory sa bookends—simula at pagtatapos—ng politikal na buhay nito. Impit at monotono ang boses pero milyon-milyon ang nakikinig sa kanya, kahit paulit-ulit ang kanyang kwento at walang kapaguran na sinasambit na “Tama na, sobra na, palitan na” ang Marcoses. Nang siya ay manungkulan, maraming kahinaan at kasalatan si Cory. Bumalik ang kumpiyansa ko sa kanya sa panahon ni Gloria Arroyo at ang kanyang di matatawarang bottomline—kailangang mag-resign si Arroyo, kailangan labanan ang panunumbalik ng tiraniya.

May tumawag sa akin na nagtratrabaho sa stasyon sa telebisyon, gusto raw akong interbyuhin ukol sa kulturang popular ni Cory. Tinanggihan ko dahil sa pananaw ko, hindi ba’t sila dapat ang nagsasaliksik nito? Na kalakhan ng karanasan ko sa panayam ay pagsagot sa mga general kundi man pointed na tanong, na kundi ginagamit ka lang bilang resource person ay gusto kang gamitin bilang taga-bigay ng soundbytes sa kanilang nabuo nang argumento.

Iba ang kulturang popular na dulot ng popularidad ni Cory. May Cory dolls na may marka ng personahe nito: nakadilaw na damit, nakasalaming malapad, naka-L ang daliri. May Australian television mini-series hinggil sa EDSA uprising, si Tessie Tomas ang gumanap na Imelda at si Laurice Guillen bilang Cory. Nang mag-Oscar awards ilang buwan matapos ang EDSA, binati ni Jane Fonda ang Pilipinas at nag-L sa harap ng bilyong manonood.

Parating pinagtatapat ang dalawang babae ng panahong ito, na tunay namang maa-outlive ang kanilang mga asawa. Labanan ng mga balo, at sila ang magpapahiwatig kung ano ba tayo bilang bansa. Sa figura ni Imelda, ang kultura ng amnesia na makakapanumbalik sa kapangyarihan kundi man sa limelight ang dating kalahating bahagi ng pinaka-corrupt na pamunuan sa mundo. Hindi ito masasakdal sa anumang krimen hinggil sa ill-gotten wealth, makakapag-party pa rin ito—bawas nga lang sa mga international celebrity well-wishers—na parang hindi ito naghihirap o nahihirapan.

Nananatili siyang “puta-puta” sa henerasyong nakatunghay sa diktadurya. Sa mga hindi, ang Marcoses ay si Imeldang ikonikong lumabas sa t-shirts na parang si Che Guevarra, o si Borgy Manotoc, ang bad-boy pero model na socialite (pwede pala itong identidad). Si Cory naman ay ang kultura ng pagpiling tignan lang siya sa isang dimesyon, bilang isang santa.

Na parang siya si Joan of Arc na hinango tayo sa diktadurya, at ibinalik ang demokrasya. O birhen na dinadambana dahil siya mismo ay isang relihiyosong Katoliko. Ang one-dimensional woman mode kay Cory ang nagpalabo ng mga detalyeng makapanghuhusga sa tunay niyang kontribusyon sa kasaysayan.

Hindi maaalaala si Cory sa kanyang mga kapalpakan sa mismong yugto ng kasaysayang ipinagkaloob sa kanya—hindi niya ito binago, pinaigting niya ang paghahari ng ibang faksyon ng namamayaning sistema, inihanda niya ang bansa sa “shock therapy” magja-jumpstart sa paglahok ng bansa sa imperialistang globalisasyon. Lalo na sa kanyang lamay at libing, pasiyam at 40th day, si Cory ay maalaala lamang sa kanyang one-dimensional na pagkatao.

Na isa pa ring uri ng pambansang amnesia—na ang mga santo at mandirigma nito, tulad din ni Manny Pacquiao, at mga sumikat sa ibang panig ng mundo, sina Lea Salonga, Arnel Pineda at Charice Pempengco, ay walang ginagawang masama. Tanging sa positibo lang sila piniling alalahanin sa kolektibong imahinasyon. Si Cory ang bayaning hindi pa napapanahong itumba. Kung si Marcos nga ay dinadakila na sa textbooks ng kasaysayan bilang modernizer ng bansa, paano pa ang negation ng katiwalian ng administrasyong Cory?

Hindi binabanggit ang paglipat ni Cory ng ekonomikong yaman na kinamkam ng Marcos sa dati nitong may-ari. Na kahit nga ang kontrobersyal na Meralco na inulat na naibenta naman daw bago pa man ideklara ni Marcos ang martial law ng 1972, ay muling nabalik sa mga Lopez. Dispalsipikado ang napasang agrarian reform law dahil sa napakalaking butas na nagpapahintulot ng land conversion (gawing subdivision, mall, golf course at special economic zone, at kung ganito, exempted na), at corporaticization (bigyan ng papel na shares ang magsasaka imbes na lupa).

Hindi binago ang ekonomikong sistema sa higit pang kabutihan nang nakararaming nasa abang lagay na nakibaka para sa kanyang tagumpay. Bagkus, maraming kalabisan sa pambansang kalagayan sa kanyang panunungkulan ang sinabing pamana kasi ng mahabang panahon ng diktadurya. Naalaala ko ang kalahating araw na brownouts araw-araw, kundi man gabi, dahil luma na ang turbines at nilusaw niya ang departamento ng enerhiya.

Naalaala kong ilang ulit na nagpahukay, nagpakabit ng tubo, muling nagpahukay at nagpakabit ng bagong tubo ang nanay ko dahil sa kasalatan ng supply ng tubig. Kulang ang supply kahit may pambayad dahil sa lawak ng saklaw ng kawalan ng tubig. Marami sa mga batas ng pribatisasyon na maaproba sa panahon ni Fidel Ramos ay nakonseptwalisa sa panahon ni Cory.

Ang pagbuwag sa monopolyo ng PLDT, at pagpasok ng iba pang telecom companies ay nasimulan sa administrasyon ni Cory. Pero hindi nito binitiwan ang na-sequester na mga kompanya ni Marcos at cronies nito, malaki ang tubo rito. Ito ang shock therapy (na galing sa Shock Doctrine: The Rise of Disaster Capitalism, 2007, ni Naomi Klein) na sa panahon ng matinding pambansang ligalig ay nailulusot ng gobyerno ang pinakamatinding bigwas ng neoliberalisasyon.

Maraming pagbanggit sa Pilipinas sa panahon nina Marcos at Cory ang bahagi ng shock therapy. Sa pinakamatinding yugto ng panunupil sa mamamayan ni Marcos, higit nitong naipatupad ang mga polisiya ng IMF-World Bank. Imbes na baguhin ni Cory ang kalakaran, kahit nagkaroon ito ng pagkakataon sa maagang yugto ng panunungkulan, malinaw na ipapatupad niya at palalawakin pa ang mga kasunduan ni Marcos. Patuloy ang pagbabayad ng utang sa Bataan Nuclear Power Plant, isinabatas ang pag-peg ng debt-servicing sa pambansang budget, mga bagong taxes at utang na pagkukuhan ng pondo ng administrasyon ni Cory.

Dagdag pa rito, pinalawak ni Cory ang suporta sa naghaharing faksyon ng militar, pinolitisa rin ito, gaya ng gawa ni Marcos, para sa pagtataguyod ng politikal na interes ng bagong naghaharing elite sa kanyang administrasyon. Ang pagbe-baby sa militar ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan, lalo na sa termino ni Arroyo. Marami ring kaso ng paglabag sa karapatang-pantao sa administrasyon ni Cory, bigwas ng pag-“unleash” ng “sword of war” nito laban sa pambansang demokratikong kilusang sumuporta sa kanya.
Namutiktik ang kanayunan sa mga grupong vigilante na drinadramatisa sa pelikulang Orapronobis (Lino Brocka, 1989), na bahagi pa rin na supilin ang pangunahing daluyan ng militanteng pakikibaka sa bansa.

Naging dilawan ang pambansang pamamalakad: dilawan na unyonismo, dilawan na peryodismo, dilawan na politika na ang pangunahing layunin ay pahinain ang kilusang masa at palaganapin ang neoliberalismo ng pambansang ekonomiya.

Ang sinasambit na kasalanan ni Cory sa kanyang panunungkulan ay ang pag-miss out sa kasaysayan, na pwede na sana niyang baguhin, pero hindi niya lubos na ginawa, kinabig muli sa pagpapanatili ng bangkaroteng sistema. Bahagi siya ng paglikha ng continuum ng disenyo ng paghahari ng Arroyo, ang matingkad na kaibahan nga lang, ang batayan ng paghahari ng huli sa lantarang tiraniya.

Sa kaso ni Cory, nag-comeback pa nga ang dispalsipikadong agrarian reform nito sa Hacienda Luisita massacre 2004. Sambit ng mga administrasyong politiko kay Arroyo, “history will be kind on her.” Hindi ito totoo, kahit makapag-comeback pa ito, tulad ng Marcoses, hindi lubos ang pagbabalik. May naiiwan na hindi kasing ningning ang magiging comeback. Ang kasaysayang mapagpasya ay ang kasaysayang nakapagpabuti sa lagay ng nakararaming mamamayan. Na hindi sila ginamit lang para sa pagmimintina ng politika ng naghaharing faksyon, kundi na may sinseridad na iangat sila sa pangkasaysayang kinasasadlakan.

Ito o ang dustpan ng kasaysayan. (Bulatlat.com)

Wednesday, November 21, 2012

An Obama Presidency: Thoughts after his winning the White House top position (multiply post, Nov 5, '08 12:58 PM)

Make it the World's top position.

I've put in my Facebook account that I am not that interested in the US elections. It is because the US media had somehow helped Obama to win the elections. And it is also recognized that African-Americans had really cast their votes and hopes of a better America in their blood sibling.

A history in the making, definitely. Obama finished the first race. Other obstacles will soon follow. And the world is watching, until he reached the finish line. But criticisms will not start at the end of his term. These will hound him during his term, and I think he's very prepared for any problems and issues his presidency is about to encounter.

In his being an African-America, Obama must be very prepared of any assassination attempt from a highly racial country that he will lead come January of next year. Some people are still narrow-minded despite of several laws regarding anti-racial slurs and acts.

Accusations of him being a Communist or Socialist are still to be studied.

His foreign policies are those of which should be observed, especially Third World countries hanging by the US economics thread. It is suggested that the Obama administration should alter some, if not the most, foreign policies and help the Third World without strings attached.

Regarding terrorism issues and the US' wars of aggression, Obama will pull out the troops and respect the patrimony of these so-called terrorist states. The US and any other country has no right to intervene in a civil war or internal conflict in such.

(1300, Philippine Standard Time)
_______________________________
by DAVID ESPO, AP Special Correspondent

WASHINGTON – Barack Obama swept to victory as the nation's first black president Tuesday night in an electoral college landslide that overcame racial barriers as old as America itself.

The son of a black father from Kenya and a white mother from Kansas, the Democratic senator from Illinois sealed his historic triumph by defeating Republican Sen. John McCain in a string of wins in hard-fought battleground statesOhio, Florida, Virginia and Iowa.

A huge crowd in Grant Park in Obama's home town of Chicago erupted in jubilation at the news of his victory. Some wept.

McCain called his former rival to concede defeat — and the end of his own 10-year quest for the White House. "The American people have spoken, and spoken clearly," McCain told disappointed supporters in Arizona.

Obama and his running mate, Sen. Joseph Biden of Delaware, will take their oaths of office as president and vice president on Jan. 20, 2009.

As the 44th president, Obama will move into the Oval Office as leader of a country that is almost certainly in recession, and fighting two long wars, one in Iraq, the other in Afghanistan.

The popular vote was close, but not the count in the Electoral College, where it mattered most.

There, Obama's audacious decision to contest McCain in states that hadn't gone Democratic in years paid rich dividends.

Obama has said his first order of presidential business will be to tackle the economy. He has also pledged to withdraw most U.S. combat troops from Iraq within 16 months.

Fellow Democrats rode his coattails to larger majorities in both houses of Congress. They defeated incumbent Republicans and won open seats by turn.

The 47-year-old Illinois senator was little known just four years ago. A widely praised speech at the Democratic National Convention, delivered when he was merely a candidate for the Senate, changed that.

Overnight he became a sought-after surrogate campaigner, and he had scarcely settled into his Senate seat when he began preparing for his run for the White House.

A survey of voters leaving polling places on Tuesday showed the economy was by far the top Election Day issue. Six in 10 voters said so, and none of the other top issues — energy, Iraq, terrorism and health care — was picked by more than one in 10.

"May God bless whoever wins tonight," President Bush told dinner guests at the White House, where his tenure runs out on Jan. 20.

The Democratic leaders of Congress celebrated in Washington.

"It is not a mandate for a party or ideology but a mandate for change," said Senate Majority leader Harry Reid of Nevada.

Said Speaker Nancy Pelosi of California: "Tonight the American people have called for a new direction. They have called for change in America."

Shortly after 11 p.m. in the East, The Associated Press count showed Obama with 338 electoral votes, well over the 270 needed for victory. McCain had 127 after winning states that comprised the normal Republican base.

The nationwide popular vote was remarkably close. Totals from 58 percent of the nation's precincts showed Obama with 51 percent and McCain with 47.9.

Interviews with voters suggested that almost six in 10 women were backing Obama nationwide, while men leaned his way by a narrow margin. Just over half of whites supported McCain, giving him a slim advantage in a group that Bush carried overwhelmingly in 2004.

The results of the AP survey were based on a preliminary partial sample of nearly 10,000 voters in Election Day polls and in telephone interviews over the past week for early voters.

Democrats also acclaimed Senate successes by former Gov. Mark Warner in Virginia, Rep. Tom Udall in New Mexico and Rep. Mark Udall in Colorado. All won seats left open by Republican retirements.

In New Hampshire, former Gov. Jeanne Shaheen defeated Republican Sen. John Sununu in a rematch of their 2002 race, and Sen. Elizabeth Dole fell to Democrat Kay Hagan in North Carolina.

Democrats also looked for gains in the House. They defeated Republican incumbents Rep. Tom Feeney and Ric Keller in Florida, 22-year veteran Chris Shays in Connecticut and Rep. Robin Hayes in North Carolina.

At least two Democrats lost their seats. Rep. Kevin Mahoney fell after admitting to two extramarital affairs while serving his first term in Florida. In Louisiana, Democratic Rep. Don Cazayoux lost the seat he had won in a special election six months ago.

The resurgent Democrats also elected a governor in one of the nation's traditional bellwether states when Missouri Attorney General Jay Nixon won his race.

The White House was the main prize of the night on which 35 Senate seats and all 435 House seats were at stake. A dozen states elected governors, and ballots across the country were dotted with issues ranging from taxes to gay rights.

An estimated 187 million voters were registered, and in an indication of interest in the battle for the White House, 40 million or so had already voted as Election Day dawned.

Obama sought election as one of the youngest presidents, and one of the least experienced in national political affairs.

That wasn't what set the Illinois senator apart, though — neither from his rivals nor from the other men who had served as president since the nation's founding more than two centuries ago. A black man, he confronted a previously unbreakable barrier as he campaigned on twin themes of change and hope in uncertain times.

McCain, a prisoner of war during Vietnam, a generation older than his rival at 72, was making his second try for the White House, following his defeat in the battle for the GOP nomination in 2000.

A conservative, he stressed his maverick's streak. And although a Republican, he did what he could to separate himself from an unpopular president.

For the most part, the two presidential candidates and their running mates, Biden and Republican Gov. Sarah Palin of Alaska, spent weeks campaigning in states that went for Bush four years ago.

McCain and Obama each won contested nominations — the Democrat outdistancing former first lady Hillary Rodham Clinton — and promptly set out to claim the mantle of change.

"I am not George W. Bush," McCain said in one debate.

Obama retorted that he might as well be, telling audiences in state after state that the Republican had voted with the president 90 percent of the time across eight years of the Bush administration.