Showing posts with label Pilipinas. Show all posts
Showing posts with label Pilipinas. Show all posts

Wednesday, June 1, 2022

๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ผ๐—น๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—”๐—ถ๐—ฟ: ๐—•๐—ผ๐—ฏ ๐——๐˜†๐—น๐—ฎ๐—ป@๐Ÿด๐Ÿญ ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฎ






๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ผ๐—น๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—”๐—ถ๐—ฟ: ๐—•๐—ผ๐—ฏ ๐——๐˜†๐—น๐—ฎ๐—ป@๐Ÿด๐Ÿญ ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฎ

Mayo 24, Martes. Muli naming idinaos ni Abet Umil ang ikalawang Bob Dylan Philippine Convention ngayong taon via Zoom. Kaiba sa biglaang Zoom meeting noong isang taon, pinili naming magkaroon ng daloy ang naging kombensyon. Nagpulong kami ng dalawang beses via Facebook Messenger call para sa programa at nag-tech check noong gabi ng Mayo 23.

Tumugon agad sa imbitasyon sina Boy Dominguez at Von Datuin na dadalo. Si Von pa nga ang nag-suggest na tawaging “Blood on the Ballots” ang convention, galing sa Dylan album na ๐‘ฉ๐’๐’๐’๐’… ๐’๐’ ๐’•๐’‰๐’† ๐‘ป๐’“๐’‚๐’„๐’Œ๐’”. Umaga naman ng Mayo 23, pinatugtog ko sa Spotify ang naturang album. “Tangled Up in Blue” agad dahil ito ang first track. ๐‘‡โ„Ž๐‘’๐‘Ÿ๐‘’ ๐‘ค๐‘Ž๐‘  ๐‘š๐‘ข๐‘ ๐‘–๐‘ ๐‘–๐‘› ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘๐‘Ž๐‘“๐‘’́๐‘  ๐‘Ž๐‘ก ๐‘›๐‘–๐‘”โ„Ž๐‘ก/๐ด๐‘›๐‘‘ ๐‘Ÿ๐‘’๐‘ฃ๐‘œ๐‘™๐‘ข๐‘ก๐‘–๐‘œ๐‘› ๐‘–๐‘› ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘Ž๐‘–๐‘Ÿ . . . Lightbulb moment! May pamagat na ang convention! 

Sayang at di nakadalo ang ilang inimbita gaya nina Mike Garcia, Fidel Rillo, Angelo Garcia, at Arnel Moje. First time namang dumalo sina Sir Bong Ramilo at Aya Jallorina. Nasa kalagitnaan na nang nakadalo sina Sir Joseph Purugganan at Lito Guarin.

Naka-log in na ako ng 7:30PM para mag-share screen at magpatugtog ng ilang Dylan performances habang naghihintay ang mga inimbitahan sa Dylan convention. Suhestiyon ni Abet na i-record ang Zoom meeting para may documentation na. Naka-set na mula 8 hanggang 11PM ang convention para marami-raming mapag-usapan. Nagkumustahan muna kami at ipinakilala ang mga sarili paano na-introduce sa mga kanta ni Dylan. Kinuwento ko na dahil sa pelikulang ๐‘ฐ’๐’Ž ๐‘ต๐’๐’• ๐‘ป๐’‰๐’†๐’“๐’† ni Todd Haynes na niregalo sa akin ng kaibigan kong si Adriano Jacinto Jr. na nasa Canada ngayon kaya ako na-hook kay Dylan.

Maitatanong: Ano ba ang silbi ni Dylan sa mga Pilipino? Siyempre, wala. Pero may madudukal sa kanyang mga kanta na pwedeng magamit bilang inspirasyon sa paglikha ng sining, sa pakikibaka sa buhay.

Bilang panimula, nag-present screen ako ng slide show na ginawa ko via Canva na nagpapakita ng ilang highlights sa buhay at musika ni Dylan. Ang pagiging Woody Guthrie fan niya at paggaya sa kanyang idolo, paglikha ng mga orihinal na awitin gamit ang folk song structures, ang “pagtatraydor” niya sa folk para maging rock star, pagbabad niya sa Americana kasama ang The Band, pagbuo niya ng Rolling Thunder Revue kasabay ng mga sigalot sa politika at lipunang Estados Unidos, born again Christian phase sa huling taon ng dekada 1970 hanggang mga unang taon ng dekada 1980, tagtuyot ng creativity niya sa halos buong dekada 1980, pagbabalik ng kanyang creative juices noong 1989 na nagresulta sa album na ๐‘ถ๐’‰ ๐‘ด๐’†๐’“๐’„๐’š, una niyang Grammy Award noong 1998 dahil sa album na ๐‘ป๐’Š๐’Ž๐’† ๐‘ถ๐’–๐’• ๐’๐’‡ ๐‘ด๐’Š๐’๐’… na lumabas nang nakaraang taon, at ang paggawad sa kanya ng Nobel Prize for Literature noong 2016. 

Para magpatuloy ang diskusyon, pinatugtog ko ang isang performance noong 1965 ni Dylan ng “It’s All Right, Ma (I’m Only Bleeding).” Ang haba ng kanta! Sabi nga ni Sir Bong, nanalo si Dylan sa Nobel hindi dahil sa music pero dahil sa poetic lyrics. May quote pa siya galing kay Dylan na sinipi ni Paul Zollo sa inedit niyang aklat na Songwriters on Songwriting: "The world doesn't need any more songs.... As a matter of fact, if nobody wrote any songs from this day on, the world ain't gonna suffer for it. Nobody cares. There's enough songs for people to listen to, if they want to listen to songs. For every man, woman and child on earth, they could be sent, probably, each of them, a hundred records, and never be repeated. There's enough songs. Unless someone's gonna come along with a pure heart and has something to say. That's a different story." 

Di lang kami napako kay Dylan. Nabanggit din sa usapan sina Joni Mitchell at Joan Baez, Beatles at Pink Floyd, pati ang mga kontemporanyong sina Adele, Taylor Swift, at maging ang Korean group na BTS. Kanya-kanyang persona sa bawat panahon. Pero si Dylan, may iba-ibang persona mula noon hanggang ngayon. Sabi nga niya sa isang press interview noong 1985, “I am Bob Dylan when I want to be Bob Dylan. Most of the time, I am me.” Pinatugtog ko ang isa sa mga kanta ni Dylan sa pinakahuli niyang album na ๐‘น๐’๐’–๐’ˆ๐’‰ ๐’‚๐’๐’… ๐‘น๐’๐’˜๐’…๐’š ๐‘พ๐’‚๐’š๐’” na lumabas noong 2020, ang “False Prophet.” Nabanggit ni Abet ang consistency ni Dylan pagdating sa lyrics mula noon hanggang ngayon lalo na sa mga linyang “I ain’t no false prophet - I’m nobody’s bride/Can’t remember when I was born and I forgot when I died.

Dahil may nakasukbit na silindro at hawak na gitara si Boy D, pinatugtog at pinakanta namin siya. Pinili niyang awitin ang “Girl from the Northern Country.” Isang magandang rendisyon! Ikinuwento niyang minsang para din siyang si Bob Dylan pero sa painting niya nilalabas. Kantyaw ni Biboy Delotavo, isa ring pintor: “Bob Dylan nga. Walang kasing chorus.” Kaya pala binansagan niyang Dadaism ang sarili niyang mga pinta. Madada kasi.

Pero kailangan natin ang mga tungkol sa dinaanan ni Dylan, madada man siya o minsan ay hindi. Sabi nga ni Sir Bong, “We come along with a pure heart with what we have to say. Lalo na sa panahong ito nang may mga nagtatangkang burahin ang kasaysayan.” 

Natapos ang gabi sa maikli at madamdaming rendisyon ni Von ng “Buckets of Rain” ni Dylan.

Tuesday, December 31, 2013

Tungkol kay William Henry Scott at sarili kong paniniwala

Gusto ko itong si William Henry Scott dahil sa may mga nilansag siyang mito tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.

Pero itong sipi mula sa artikulo niyang "The myth of the cultural minorities" ang nagpatibay sa aking paniniwala sa kanyang mga pahayag:

"When the Americans usurped the Spanish colony and discovered this dichotomy, they were a little embarrassed about words like conquered and unconquered because of the rhetoric of their democratic Constitution. They preferred to think that imperialist imbalances were created not by aggression but by natural scientific order. They therefore quickly produced an explanation for Filipino variations which was not very different from that old creation myth about dark races having been left in the oven too long, and others having been taken out at just the right time.

"The American creation myth was called the Wave Migration Theory.

"According to this Theory, the Philippine archipelago was peopled by a series of waves of migrants, each of which was superior to the one that preceded it. First came the pygmies--short, black, and primitive--in other words, as unlike Governor Taft as possible. Then came a wave of slightly taller, lighter, and more advanced people who drove the earlier ones into the hills by their natural superiority. And so on, wave after wave, until the last best migration of all--those whose descendants were so advanced they could appreciate the advantages of submitting to American rule."
Samakatwid, produkto ng imperyalismo ang teoryang ito. Kaya dapat nang huwag ilagay sa mga aklat pampaaralan ang tungkol sa teoryang ito. (May nakita pa akong mga aklat na nagpapakalat ng Wave Migration Theory nitong Hunyo 2013.)

Down with imperialism! :-)

Thursday, July 18, 2013

Sa Pilipinas pa rin ako

[H]indi ba matagal na nating pinatay ang gunita ng Haring Felipe ng Espaรฑa nang gamitin ng bansa ang ngalang "Pilipinas"?


*****

Nitong mga nakaraang araw, tigib sa mga komentong mahusay at maging mga dunung-dunungang isip ang Facebook, rappler.com, inquirer.net, GMANewsOnline, at iba pang websites tungkol sa mungkahing pagpapalit-ngalan ng ating bansa.

Naglabas ng Resolusyon Blg. 13-19 ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na mula sa Pilipinas, magiging Filipinas na ang ngalan ng ating bansa. Ayon sa resolusyon:
"IPINAPASIYA, gaya ng ginagawang pagpapasiya ngayon, na ibalik ang gamit ng 'Filipinas' habang pinipigil ang paggamit ng 'Pilipinas' upang mapalaganap ang opisyal at modernisadong katawagan ng bansa na kumikilala sa kasaysayan at pag-unlad ng pagkabansa nito."
Sa biglang tingin, magtatanong tayong mga karaniwang mamamayan ng "Bakit papalitan?" Tulad ng mga nagtatanong at nagtataka ngayon, wala akong nakikitang suliranin o pagkakamali sa baybay na Pilipinas na pangalan ng ating bansa. Na madali rin namang ikatwiran -- na akin ding sinasang-ayunan -- na nakasanayan na ang ganyang ispeling: Pilipinas.

Ayon sa sanaysay na "Patayin ang 'Pilipinas'" ng Punong Komisyoner Virgilio S. Almario na lumabas sa pahayagang Diyaryo Filipino noong 1992, 
"Modernisado na ang ating alpabeto at kasama sa mga dagdag na titik ang 'F.' Kaya hindi na 'Pilipino' kundi 'Filipino' ang ating wikang pam bansa. Sagisag ng diwa ng modernisasyon at pagiging pambansa ng wika ang pagbabago ng unang titik mula sa 'P' tungo sa 'F.' Kaya’t sagisag din ng patuloy nating pagdadalawang-isip at  pagbabantulot palaganapin nang puspusan ang 'Filipino' ang patuloy pa nating paggamit sa 'Pilipinas.'"
Maaaring tingnan na nagagamit ngayon ni G. Almario ang kanyang naging mga pananaliksik sa wika tungo sa pagpapaunlad ng wikang Filipino, bilang Punong Komisyoner ng KWF. Sa ganitong paraan, maipagpapasalamat ang kanyang malasakit sa wikang Filipino at ang pagiging instrumental ng KWF sa mga usaping tulad nito. Ngayon ay nararamdamang-muli ng mga mamamayan na may ahensya pala ng pamahalaan na may pakialam sa wikang Filipino.

Balikan natin ang siniping pahayag sa itaas mula sa Resolution Blg. 13-19. Nakasaad dito na ang ngalang Filipinas at ang pagpapalaganap ng ganitong baybay sa ngalan ng bansa "ang opisyal at modernisadong katawagan ng bansa na kumikilala sa kasaysayan at pag-unlad ng pagkabansa nito." Tanong ko: kailan naging opisyal na ngalan ng bansa ang Filipinas? May sagot agad ang KWF. Ayon sa kanila, ito ang ipinangalan ng conquistador na Espaรฑol na si Villalobos sa ating kapuluan noong 1548 at tuluyang ginamit ng conquistador din na si Legazpi noong 1565 upang tukuyin ang buong arkipelago. (Matatagpuan ang kanilang sagot sa "Mungkahing Pagbabalik ng Gamit ng 'FILIPINAS' habang pinipigil ang paggamit ng 'Pilipinas'.)

Ayon naman sa Republic Act No. 8491, Chapter IV, Sec. 41:
The National Coat-of-Arms shall have:

Paleways of two (2) pieces, azure and gules; a chief argent studded with three (3) mullets equidistant from each other; and, in point of honor, ovoid argent over all the sun rayonnant with eight minor lesser rays. Beneath shall be the scroll with the words “REPUBLIKA NG PILIPINAS,” inscribed thereon.
Na kung babaguhin ang ngalan ng ating bansa patungong Filipinas, kailangang amyendahan ang batas na ito. Batay ito sa mga kakilala kong abogado at mga nagtapos ng political science. Samakatwid, ang ngalang Pilipinas ang opisyal na ngalan ng bansa.

Sa huling bahagi ng resolusyon ng KWF, matatagpuan ang salitang "mungkahi". Na ito pala'y isang mungkahi lamang ng KWF. Ibig sabihin, nasasaating mamamayan ng bansang Pilipinas kung susundin at babaguhin na natin ang baybay ng ngalan ng bansa tungong Filipinas. (Kung ganito man, maghihintay tayo ng order mula sa Department of Education upang ipatupad sa mga paaralan na gamitin ang ngalang Filipinas para makabuo ng salinlahing gagamit ng ngalang ito para sa ating bansa.)
 

Napag-uusapan na rin ang mga mamamayan ng Pilipinas na tinatawag bilang mga Pilipino. Kabilang sa mga Pilipino ang mga nakatira sa Batanes hanggang Tawi-Tawi, hilaga hanggang timog ng bansa. Ayon sa mga nag-aaral ng wika, humigit-kumulang 170 ang mga wika ng bansa. Nangangahulugan lamang ito na may pagkakaiba at pagkakatulad ang mga wika ng Pilipinas dahil sa pinagmulang Austronesian at Malayo-Polynesian language groups at impluwensya ng mga kalapit-bansa. Bukod pa rito ang mga salitang napasali sa ating mga wika mula sa Ingles at Espaรฑol. 

Samakatwid, kaya Filipino ang tawag sa ating wikang pambansa simula 1987 ay dahil malayo na ito sa Tagalog na wikang pambansa noong 1937. Ayon sa Konstitusyong 1987, pag-iibayuhin ang wikang Filipino batay sa mga umiiral na wika ng bansa. Kaya pati alpabetong Filipino ay malayo na rin sa abakadang Tagalog. At nasa diksyonaryong Filipino na ngayon ang mga salitang katutubo na may /f/, /v/, /z/, /q/, /c/, /x/, /j/, at /รฑ/. Pinatutunayan ito ng isang artikulo ni Dr. Pamela Constantino ng UP Diliman.

Tanong ko naman: bakit hinahanap natin sa ngalang Filipinas ang pagpapatunay na may /f/ sa ating mga wika? Nagawa na iyan ng ngalang Filipino bilang wikang pambansa. Walang problema sa pagkilala sa mga natatanging tunog ng ibang wika na bumubuo sa korpus ng wikang Filipino. Pero bakit ipinagdidiinan ang pagkakaiba kaysa mga pagkakatulad? Ang alam ko, ang salitang "mata" ay nasa lahat ng wika sa Pilipinas. Bakit hindi natin makita ang pagkakatulad na ito?

Hindi pa ba sapat na panatilihin na lang ang ngalang Pilipinas dahil mayroon din itong batayang pangkasaysayan? Mula Filipinas noong panahon ng Espaรฑol ay napalitan ito ng Pilipinas dahil naging Tagalog ang wikang pambansa noong 1937. Ito'y isang hakbang pasulong kaugnay ng wika. Ang pagbabalik ng pangalang Filipinas, sa palagay ko, ay isang hakbang paatras sa dapat na pagsulong ng kasaysayan at ng wika. Sinasang-ayunan ko pa ang opinyon ni G. Richard Gappi kaugnay ng paggamit ng Rizal News Online na "patayin ang 'Felipe'" sa ngalang Filipinas.

Pero hindi ba matagal na nating pinatay ang gunita ng Haring Felipe ng Espa
รฑa nang gamitin ng bansa ang ngalang "Pilipinas"?


Kaya, sa Pilipinas pa rin ako.