Ngayong batbat ng dungis ang politika ng administrasyong Aquino, mula
PDAF hanggang DAP, gayon din ang nagaganap sa larangan ng kultura at ng
edukasyon.
Una, pinopolitika ang larangan ng sining, partikular sa usaping National
Artist Award para kay Nora Aunor na hindi inaprubahan ng Pangulong
Aquino. Tulad ng sabi ng isang rayter sa Inquirer, "It is a Presidential
Award." Tama naman ang kanyang argumento. Subalit may "National" doon
sa National Artists. Samakatwid, may usapin ng pagkabansa ang gawad na
ito, kaya may titingalaing alagad ng sining ang bansa dahil sa taglay
niyang galing sa sining. At hindi dahil sa adik siya sa droga dati.
Sabi rin ng rayter, bakit ngayon ay napag-uusapan na sa media maski ang
nominasyon na dati naman ay hindi pinapansin ng mga diyaryo, TV, at
radyo? Ang ganitong obserbasyon niya ay malinaw sa kanyang
pinanggagalingang posisyon: elitista. Katulad niya ang Pangulong Aquino
sa makitid na pananaw ng huli sa larangan ng sining at kultura ng bansa.
Bukod pa rito, bakit ang mga grupong pansining ay walang inilalabas na
pahayag ukol dito? Halos tahimik ang mga grupong panteatro at
pampelikula. May mga indibidwal nang personalidad na pumosisyon panig
kay Nora Aunor. Ngunit mas magiging matingkad ang panawagan kung
magkakaisa ang mga nasa industriya ng pelikula at teatro para kay Nora
Aunor.
Ikalawa, pinopolitika ang larangan ng edukasyon, partikular sa usaping
pag-alis ng mga kursong Filipino sa kolehiyo. Malinaw ang tunguhin ng
edukasyon ng ating bansa ngayong panahon: skills oriented. Wala na ang
dati'y holistic, responsible, proud Filipino na mabubuo mula sa mga
mag-aaral na Pilipino. Hindi naman dahil ginagamit na sa komunikasyon sa
bahay at sa komunidad ang Filipino ay sapat na ito. Malinaw sa
Konstitusyon (Art. XIV, Sek. 6 hanggang 9) na dapat malinang ang wikang
pambansa. At ang isang facet para dito ay ang edukasyon. Samakatwid,
dapat ay may Filipino sa kolehiyo. Hindi lang ito bilang midyum ng
pagtuturo kundi bilang disiplina/larangan.
Marami-rami nang kumontra sa balaking ito ng Comission on Higher
Education (CHEd). Nagkakasundo ang mga guro ng Filipino sa kolehiyo na
dehado sila sa ganitong set-up. Na hindi sila kinonsulta man lang. Nasa
balag ngayon ng alanganin ang mga guro ng Filipino sa kolehiyo. Sa
kolokyal na wika, iniwan sila sa ere.
Pumoposisyon ngayon ang mga guro kontra dito. Malinaw iyan, walang duda.
Pero mabagal o halos wala ang mga pangkat ng mga manunulat, sa
panitikan man o sa peryodismo. Maski ang mga grupong nakabase sa mga
pamantasan, halos tahimik sa usaping ito. Nakalulungkot na kahit
statement of unity o manifesto ay walang nasisilayan mula sa kanila.
Pero dapat ding lampasan nila ang paglalabas lamang ng mga pahayag at
polyeto.
Kung ang mga nasa larangan ng kultura at edukasyon ngayon ay nililigalig, dapat tumbalikin ito at sila naman ang manligalig.
Mga Pagmumuni-muni mula sa Itaas, Gitna, Ilalim, at Gilid-gilid na Aspekto ng mga Bagay/ Thoughts from the Above, Middle, Under, and Marginalized side of Things
Showing posts with label wika. Show all posts

Monday, July 7, 2014
Monday, August 19, 2013
Lagpasan na natin ang komemorasyon ng Buwan ng Wika
Ito ang panahong masasabi nating "ipinagmamalaki ko ang pagiging Pilipino" at "mahal ko ang aking wika: Filipino" dahil Buwan ng Wika ang Agosto.
Mula sa ating mga bayani bago hanggang sa matapos ang Himagsikan laban sa mga unang naging kolonisador ng ating bansang Pilipinas, wika ang isang mabisang instrumento upang mapagbuklod ang mga mamamayang tinawag nila noong indio.
Wika rin ang ginamit upang ipakintal sa nagsisimula't kumakapal na bilang ng mga manggagawa noong maagang yugto ng kolonyalismong Estados Unidos (US) ang pangangailangang magbuklod para sa sahod na bumubuhay, maalwang kondisyon sa mga pagawaan, at iba pa na magiging bukambibig bilang mga "karapatan".
Hanggang ngayon, masasabing gamit na gamit na ang ating mga wika, bukod pa sa Filipino, bilang mga wika ng pakikipagtalastasan at ugnayan sa loob at labas ng ating bansa partikular sa ating mga kababayan. Bukod dito, hindi na rin mapasusubalian na may merkado na ang wikang Filipino sa mga unibersidad sa labas ng Pilipinas; kaya't di na iilang study programs for Filipino speaking-foreigners ang inilulunsad sa mga nangungunang unibersidad sa ating bansa.
Isa lang ang ibig sabihin nito: matatag na ang wikang Filipino.
May ilang pangkat lamang na makulit na tinitibag ang tindig ng Filipino at winawalang-bahala ang naabot nito. Anila, dapat ding pagyamanin ang iba pang wikang katutubo. Walang suliranin dito at mula rito'y yayaman pang lalo ang wikang Filipino. Subalit, kapag kanilang ihahapag ang katwiran ng kanilang panig, sila'y nagi-Ingles. Kakatwang paraan.
Hindi tayo tutol sa Ingles bilang wika na ginagamit din sa Pilipinas. Subalit pangunahin bilang wikang opisyal ng bansa ang Filipino. Kaya't dapat itong payabungin ng mga Pilipino mismo. Hindi mga Pilipino ang magpapayabong ng Ingles dahil hindi ito ang wikang kinagisnan ng ating dila. Marami sa ating mga pribadong paaralan ang mahigpit pa rin ang kapit sa Ingles bilang pinto natin sa daigdig. Nabubuhay ang mga administrador nito sa malayong nakaraan. Isang pag-aaral ang lumabas kamakailan na isa na lamang ang Ingles na ginagamit sa Internet, ang kasalukuyang pinakaabanteng imbensyon ng panahong ito.
Sa ngayon, ang hamon kaugnay ng wika ay lagpasan na natin ang mariringal na pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Bukod sa mga estadistika, dapat na nating tingnan ano pa ang magagawa ng wika sa mga susunod na taon upang malutas ang matagal nang kalaban ng bansang ito: Kahirapan. Kung noong panahon ng Himagsikang 1896 ay may silbi ang wika upang putulin ang tanikala ng kolonyalismo, lalo't higit na may silbi ang wika sa panahong ito.
Nahaharap ang bansa sa matitinding bigwas ng kahirapan matapos ang Edsa 1. Ngayong Agosto, ginulantang tayo ng matinding eskandalo ukol sa pork barrel ng Kongreso -- na galing sa mga buwis natin ang pondo. Sa ganang ito, malaki ang magagawa ng wikang Filipino upang masaling muli ang damdaming makabayan natin. "Umaalingasaw ang baho", 'ika nga.
Kaya't huwag lang nating iugnay ang Buwan ng Wika sa mga kultura't tradisyon ng nakaraan, bagkus ituon ang wika sa kasalukuyan patungo sa maaliwalas at masaganang kinabukasan.

Subscribe to:
Posts (Atom)