Showing posts with label eraserheads. Show all posts
Showing posts with label eraserheads. Show all posts

Wednesday, November 21, 2012

03.07.09 (multiply post, Jan 10, '09 1:44 PM)

Ladies and gentlemen, it’s confirmed: The Eraserheads concert, “The Final Set”
is set.
Save the date: March 7, 2009. Venue is to be announced — for now, it’s a tossup
between The Fort and SM Mall of Asia grounds, say concert producers MTV and
Smart.

The Eraserheads are just about to sign the contract and will have their press
conference on January 19.

We know you can’t wait, that’s why we’re already telling you — remember, you
read it here first in Supreme!

http://supreme.ph/
___________________________________________________________________
Pinakaaabangan ko ito! Sana wala nang hassle na restrictions sa venue. (which reminds me about my would-be entry about the first set of the Eheads. a highly personal account.)
At malapit sana ako. SVIP sana. ;-)

Tungkol sa Kapaskuhan, ayon sa Eraserheads (multiply post, Dec 15, '08 1:10 PM)

Isa lamang itong pagmumunimuni ko nitong mga nakaraang araw. Pero may katagalan na palang nasa utak ko. Kung baga, nasa subconscious ko.

Mahigit nang sampung taon ko nang pinatutugtog ang Fruitcake album ng Eraserheads tuwing papalapit at nariyan na ang Kapaskuhan. Sino nga ba naman ang hindi masisiyahan kapag ganitong panahon ng pagbibigayan at pasasalamat na kahit minsa'y nagiging payapa ang mundo? Na ang pagpapasalamat ay dapat lang iukol sa pagsilang ni Jesus bilang ang Dakilang Manunubos.

Ang paglabas ng Fruitcake bilang Christmas album ng Eraserheads ay hindi naman kakaiba dahil marami namang banda't musikero sa mundo ang may ganito ring album. Sa biglang tingin, nakikibahagi ang banda sa pagdiriwang ng Pasko. Inamin ng banda na isa itong soundtrack sa isang children's book na sila rin ang may-akda. Naimpluwensiyahan sila ng mga tulad nina Roald Dahl, L. Frank Baum, Kurt Vonnegut, John Lennon, at ng pelikulang The Rocky Horror Picture Show sa paggawa ng akdang ito. (Sa kasamaang palad, hindi na nakapag-reprint ang publisher nito.)

Ngunit ang ginawa ng Eraserheads ay hindi lang pag-ambag sa pagdiriwang. Makikita sa unang stanza ng kanilang awit na "Fruitcake" ang kakaiba ngunit pesimistiko nilang pananaw ukol sa Pasko.

It's the season for being happy
But the reason is dead and gone
If the reason for being happy
Takes a backseat when the season's done

Patungkol ito kay Jesus na sa panahong nilikha ang awit ay ipinamamalas lamang ng banda na ganito na tingnan ng mga tao ang Pasko. Sa ikalawang linya ng awit ay direktang tinukoy na wala na si Jesus sa mundong ito. Bukod sa wala, siya'y patay na. Na siya'y ipinako sa krus sa panahon ng Imperyong Romano. At sa madaling salita, ang patay ay patay na. Kung mabubuhay muli ay isang misteryong hindi pa masagot ng agham.

Sa huling linya ng siniping stanza ng awit ay direkta ring ipinakikita ng banda na matapos ang Pasko'y balik na sa dati ang buhay ng mga tao. Na muling magiging magulo ang mundo. Na ang mga problema'y muling mararamdaman ng mga tao.

Maaari itong tingnan bilang paninira ng banda sa okasyon at masasabing eretikong pananaw. Subalit sa liberal na perspektiba, titingnan ito bilang dekonstruktibong pagpuna sa mga istrukturalistang paniniwalang naitanim nang matagal sa isip ng mga tao.

Ang ganitong paniniwala ng banda batay sa isang awit ay naipalaganap sa mga tagapakinig subalit hindi malay ang kanilang pagtanggap. Sapagkat ang pangalang Eraserheads noon ay sapat na upang tangkilikin ang alinmang ilabas ng banda. Sa isang banda'y hindi na kailangan ng backmask para malaman ang mensahe ng isang banda tulad nila. Na mababasa naman ito sa lyric sheet. Ang kailangan lang ay pagmumuni't pagbubukas ng isip.

http://lvbamante.multiply.com/journal/item/20

Viewing History

Viewed 98 times by 67 people, latest on Aug 20, '10
 
 
12 CommentsChronological   Reverse   Threaded
jivaman wrote on Dec 15, '08
lvbamante said
It's the season for being happy
But the reason is dead and gone
ang pagkakaintindi ko naman sa linyang ito, tungkol sa pagkasira ng diwa ng pasko. but the reason is dead and gone, ibig sabihin siguro, pinalitan na ni santa claus si jesus. hehehe

astig, mabuhay ang E-heads!
piechan wrote on Dec 15, '08
jivaman said
ang pagkakaintindi ko naman sa linyang ito, tungkol sa pagkasira ng diwa ng pasko
i agree with jivaman, the spirit of christmas is gone yon lang yon.
chechepido wrote on Dec 15, '08
wow ganda ganda,..
dividetapos wrote on Dec 15, '08
those four lines can mean different things without punctuations.
i think they're two sentences and goes like this:

It's the season for being happy.
But the reason is dead and gone if the reason for being happy takes a backseat when the season's done.
thedanceofeternity wrote on Dec 15, '08
agree
lvbamante wrote on Dec 16, '08, edited on Dec 16, '08
and the Spirit is Jesus Christ. :)

anyway, isa lamang itong diskurso.
nobodycan wrote on Dec 19, '08
maganda ang inihain mong diskurso ha! subalit, sa kabila ng pagpuna ng banda sa karaniwang pagtingin ng tao sa panahon ng kapaskuhan, nagbanggit naman sila ng positibong pagtingin sa mga bagay-bagay, upang mapukaw ang isip ng nakikinig tungkol sa kanyang pananaw sa diwa ng pasko sa kasalukuyan. maaaring pesimistiko nga ang stanzang iyong nabanggit, ngunit tingin ko binungad lamang nila ito para imulat tayo sa negatibo, saka isinunod ang mga positibong bagay na tunay na bubuhay sa diwa ng pasko.

sa huli, ang mensahe ng kanta ay pukawin ang isipan ng tao kung tama ba ang pagtanaw natin sa panahon ng kapaskuhan. at kung pasko na lang ba ang nagiging artipisyal na dahilan kung bakit dapat tayo magsaya. :)
lvbamante wrote on Dec 19, '08
maraming salamat sa iyong puna. isang kanta lang ang binanggit ko rito. pero kung titingnan at pakikinggan ang buong album, balanse ang kanilang pananaw sa pasko.

gusto ko lamang ihain ang words of wisdom ni Lord of the Rhum sa librong Fruitcake. sinabi niya rito na "Fruicakes are for sale." Kung si Town Mayor naman, "There's a fruicake for everybody." Kontrahan, di ba? May fruitcakes, yes, pero dapat bumili.

wala naman akong problema sa pasko. hindi ako si mr scrooge o sinumang ayaw sa pasko. isa lamang itong pagtingin ko.

Meri Krismas sa inyong lahat! (ñ_ñ)
jules16mm wrote on Dec 25, '08
Merry Christmas!
hmm, i agree on some parts! i love the song. pero, in my own understanding, Eraserheads, or the person who composed the song rather has implied that people today have now viewed Christmas as something seasonal, parang Fruitcake, seasonal lang, hindi mo mabibili pag ordinaryong araw, parang pasko. people celebrate Christmas pag December 25 lang, pero dapat naman natin icelebrate talaga everyday. Magulo siguro ako, pero sana naintindihan n niyo, sana magkaoras din ako na makapaglabas ng pananaw ukol sa awiting ito.

salamat! nakakapagpabukas ng isipan, at isang mgandang ehersisyo para sa utak!
Maligayang Pasko muli!
lvbamante wrote on Dec 26, '08
yes. December 25 because it was institutionalized. kaya december 25 lang natin nasasabi na magbigayan, magmahalan, chenes-chenes... pero nariyan pa rin ang mga problema.

ayoko ng mga dahilang kahit "minsan man lang sa isang taon..." estupido kasi iyon para sa akin. malaki ba ang pagbabago ng buhay natin kung minsan man lang ay magbigayan at magmahalan tayo?

pagmumuni-muni lang naman ito. natutuwa ako sa iyong komento. maraming salamat.
imtin02 wrote on Dec 25, '08
lvbamante said
It's the season for being happy
But the reason is dead and gone
If the reason for being happy
Takes a backseat when the season's done
hindi ako gaanong sumasang ayon sa pag aanalisa. sa tingin ko, at malinaw naman na pinapahayag ng kanta na ang mga tao ay hindi na alam ang tunay na diwa at kahulugan ng pasko.

masaya at magsaya, pero bakit ka nga ba nagiging masaya kapag pasko? magtanong ka sa mga tao at baka karamihan sa makuha mong sagot ay dahil sa regalo, "bonus", masasarap na pagkain, bagong damit, kalikaliwang mga parties, karamihan ay puro materyal na bagay. at ang mga ito ay nauubos din, natatapos.

hindi ba ang tunay na kahulugan ng pasko ay ang kapanganakan ni hesus? ilan sa atin ang sasagot nyan? tanungin mo ang mga bata at baka mahirapan kang makakuha ng ganitong sagot.

kung mas susuriin nang mabuti, napakaganda ng pagkumpara ng kompositor sa pasko at fruitcake. katulad na nga ng nabanggit, ang pasko ay para na lamang fruitcake, seasonal na lang. binigyan natin ng limitasyon ang kahulugan at ang pagdiriwang ng pasko.

bigyan ding pansin ang iba pang linya ng kanta:

"everybody everywhere
people do you really care
xmas time has once again arrived"

may pagkukwestiyon sa mga tao kung talaga bang naiintindihan nila ang kahulugan ng pasko.

"take a bite, it's all right
a little lovin' and some fruit to bake
life is a piece of cake"

okay lang kahit anong pagdiriwang ang gawin basta may pagmamahalan at may rason sa pagdiriwang, magiging maayos ang lahat, (sa tingin ko hindi ginamit ang figurative na meaning ng "life is a piece of cake" ng direkta)

peace!
merry christmas sa ating lahat :)
lvbamante wrote on Dec 26, '08
imtin02 said
masaya at magsaya, pero bakit ka nga ba nagiging masaya kapag pasko? magtanong ka sa mga tao at baka karamihan sa makuha mong sagot ay dahil sa regalo, "bonus", masasarap na pagkain, bagong damit, kalikaliwang mga parties, karamihan ay puro materyal na bagay. at ang mga ito ay nauubos din, natatapos.

hindi ba ang tunay na kahulugan ng pasko ay ang kapanganakan ni hesus? ilan sa atin ang sasagot nyan? tanungin mo ang mga bata at baka mahirapan kang makakuha ng ganitong sagot.
maraming salamat sa inyong komento.

tiningnan ko ang reason bilang si Jesus. at matapos ang season, nasa backseat na siya. kung baga, "tongue-in-cheek" ang banat ng banda sa linyang ito tungkol sa pasko.

wala namang problema kung maging materyal ang tao dahil nasa yugto naman tayo ng materyalismo. at aling institusyon ba ang nagpalaganap nito? ang Simbahan ay nagumon dito lalo na sa panahon ng Dark Ages hanggang sa Counter-Reformation. kailangan malalaki ang simbahan, ang mga gamit ay ginto, ang mga santo ay mamahalin ang mga damit, etc.

na kung ibabalik kay Jesus, simple lang ang kanyang buhay mula pagsilang hanggang kamatayan. Kontrahan pa rin, di ba?

maraming salamat sa inyong komento.

Monday, November 19, 2012

"Minsan, Eraserheads" ni Kenneth Roland A. Guda (multiply post, Sep 10, '08 12:12 PM)

Lumalaganap ngayon ang sanaysay na ito sa mga e-mail at groups. Isang mahusay na halimbawa ng "nostalgia trip"

READenROL!

_______________________________

Minsan, Eraserheads
ni Kenneth Roland A. Guda
krguda.wordpress.com
(http://krguda.wordpress.com/2008/09/03/minsan-eraserheads/)

Napanaginipan ko sila noong nakaraang linggo. Hindi ko alam kung bakit. Sa panaginip, pumasok ako sa isang lumang bahay na gawa sa kahoy. Kulay orange ang ilaw. Nadatnan ko sa unang palapag si Ely Buendia. Sa ikalawa, si Buddy Zabala. Sa panghuling palapag, nakatanguan si Raimund Marasigan. Hindi ko maintindihan – hindi naman ako excited sa papalapit noong konsiyerto nila. Hindi ko naisip na manood. Pero nasa panaginip ko sila – maliban na lamang kay Marcus Adoro, ewan ko kung bakit – na ibig sabihi’y nasa laylayan ng kamalayan ko ang Eraserheads.

Siyempre, napanood at nabasa ko ang hinggil sa mga nangyari sa konsiyerto. Nakita ko sa telebisyon ang fans. Nakakuwentuhan ang mga kakilalang nanood. Parang reunion, sabi ng isa, hindi lang ng banda kundi ng isang henerasyon. May mga trabaho na, ang iba may pamilya na (dalawang kuwento mula sa konsiyerto: ang isang kakilala, si E, kasama ang asawa at mga kaedad na magpipinsan; ang isa pang kakilala, si J, pinambili ng tiket nilang mag-asawa ang perang dapat gagamitin sa bakuna ng anak). Kaya nang bumili ng relatibong mamahaling tiket. Kung dati, nang mga estudyante pa lamang kami, nagkakasya na sa hiraman ng tapes at pagpuslit papasok sa UP Fair, ngayon, kahit papaano, napagbibigyan na ang hilig. Better late than never.

Reunion nga, at wala ako doon. Sayang. Binalikan ko sa mp3 ang musika ng Eraserheads. Mula sa ultraelectromagneticpop! hanggang sa Carbon Stereoxide. Nasa Circus pa lamang ako – pasakay ng MRT tatlong araw na ang nakararaan – nang bumulaga sa akin ang realisasyon: Oo nga pala, fan nga pala ako nila. Kinalimutan ko na. Naalala ko ang isang kaibigan noong 1995, galit na galit siya sa Eraserheads, nakokornihan, at naiinis sa mga freshmen na ang unang tanong sa kanya’y kung saan makikita ang pinakasikat na banda ng UP. Para mapanatili ang pagkakaibigan, hindi na namin pinag-uusapan ang Eraserheads. Mas gusto raw niya ang Yano. Noong tagal, nahumaling kay Cynthia Alexander.

Pero fan nga pala ako. Parang kinimkim na emosyong bumulwak mula sa akin ang realisasyong ito pagdating ko sa kantang Minsan. Nasa masikip na tren ng MRT ako. Naluha ako. At hindi lang dahil tulad ng persona sa kanta, minsan akong tumira sa Kalayaan Residence Hall. Naluha ako dahil naalala ko ang panahong ito, ang pagkabata, ang pagkamulat. Taong 1994-95, sariwang sariwa, mula sa probinsiya. Wide-eyed freshie na tuwang tuwa na nakatuntong ng UP. Mababaw ang kaligayahan. Sangkatutak ang insecurities. Tinatagyawat. Kahit noon, nagtataka na ako sa kantang ito: Para naman yata ambilis tumanda ng mga ito. Nagno-nostalgia trip, para namang dekada na mula nang umalis sila ng pamantasan.

Pero kinausap ako ng kantang ito. At ng iba pa nilang kanta. Wishing Wells, Alapaap, kahit Huling El Bimbo – panay pagbabalik sa nakaraan ng persona. Pinaalala ng mga ito kung paano ako mag-isip noong panahong iyon, kung paano ko dinamdam ang mga kaganapan sa buhay. Naluha ako dahil naramdaman ko ang paglipas ng panahon. Naramdaman kong tumanda na ako, at nagbago na ang pananaw ko sa mundo. Naging seryoso ang mga pinagkakaabalahan: pulitika, pagsusulat, sining, aktibismo. Nakalulungkot na kinailangang kalimutan ko ang payak at simplistikong mundo ng pagkabata para maging pulitikal na tao. Naluha ako sa paglipas ng panahon, sa henerasyon ko at sa trivial, maliit, makitid na mundo nito.

Tinitingnan ko ang mga footage sa TV ng konsiyerto at naisip ko: pareho pa rin ang hitsura nila, parang hindi tumanda. Si Ely lang, pumayat. Siguro dahil sa sakit niya noong nakaraang taon. O dahil siya ang pinakaunang tumanda sa grupo. Sa pagsulat niya ng mga kantang tulad ng Minsan, Huling El Bimbo, Para sa Masa, parang siya ang pinakaunang nakaramdam ng paglipas ng panahon, ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan at pag-aakalang mas maganda ang anumang nakaraan kaysa sa kasalukuyan. Masaya ang buhay-banda – epitomiya na siguro ito ng pagkabata. Naalala ko ang isang linya sa pelikula ni Cameron Crowe: sabi ng isang karakter, “Hindi ba pumasok tayo sa banda para iwasan ang responsibilidad?” Nasa banda raw ang karakter para pansamantalang ihinto ang orasan, at manatiling bata – juvenile, nakatira sa mundo ng “Rock n’ roll Neverland.

Pero si Ely – siya na siguro ang unang kumawala sa Neverland. Siya ang unang kumalas sa banda, habang ang naiwang tatlo sinubukan pang palitan siya ng babaing bokalista pero di nagtagumpay. Nagpalagay ng brace sa ngipin, nagpagupit, nagbihis-burgis (nakita ko sa YouTube ang bidyo na ito na panauhin si Ely sa talk show ni Martin Nievera matapos tumiwalag sa ’Heads). Di nagtagal, nagtatag ng bagong banda (Mongols, saka Pupil), pero di na bumalik sa moda ng ’Heads – tila mas seryoso na ang pagiging musikerong artist, hindi na pinangarap na maging popular o populista (Ikumpara, halimbawa, kay Raimund, na kinakantahan pa ang Betamax hanggang ngayon). Wala nang hihigit pang patunay ng napakaagang pagtanda ni Ely sa tila napaagang pagkakasakit niya sa isang karamdamang madalas na naiuugnay natin sa katandaan – sakit sa puso.

Usap-usapang mauulit daw ang reunion concert. Pero tingin ko, hindi na dapat. Sapat na ang isang gabing nostalgia trip – hindi lamang sa musika ng isang henerasyon, kundi sa naglipas na sensibilidad at angas ng henerasyong ito. Tumitindi na ang krisis. Sobrang mahal na ng mga bilihin sa tindahan ni Aling Nena, laluna sa CASAA. Nagmahal na pati ang isaw sa tapat ng Ilang-Ilang. Nag-abroad na si Shirley (sana hindi siya mapabilang sa mga OFW na bumabalik sa bansa sa kahon). Nagbenta ng katawan sa magasin ang dating crush ni Ely. Hindi lang bugbog — pinapatay pa — ang inaabot ng mga bading na tulad ni Jay. Nasagasaan sa madilim na eskinita yung kamukha ni Paraluman.

Aktibista noon sa UP yung kaibigan kong galit na galit sa Eraserheads. Inisip ko noon, galit siya baka dahil wala siyang maaninag na pulitika sa musika ng banda. Maliban siguro sa pag-anyaya ni Raimund sa kalalakihang estudyante na tumiwalag, sumapi sa NPA at “palayain ang sarili,” at isang pagkakatong tumugtog sila sa isang rali kontra komersiyalisasyon sa UP noong 1996, iwas-pulitika at iwas-aktibismo ang Eraserheads. Sa isang pamantasang pinaniniwalaang may mayamang tradisyon ng aktibismo, hindi nila naiwasang makasalamuha at makaibigan ang mga aktibista (Dalawang ehemplo: si Bomen Guillermo ang pinakaunang kritikong nagpasikat sa banda, nang magsulat si Bomen ng rebyu ng demo tape nila para sa Philippine Collegian; at, noong 1998, naka-housemates ni Buddy sa Teachers’ Village ang ilang lider-estudyanteng aktibista. At, isa pa pala: Nag-opening act sa launch concert ng Cutterpillow ang bandang The Jerks, na sa kabila ng mga “boo” ay nag-alay ng kanta noong gabi para sa Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao). Pero liban doon, banda lang talaga ang Eraserheads. Bandang masaya, magaling, henyo pa nga. Pero banda lang talaga.

Ganyan din ang sinabi ni John Lennon nang tanungin siya kung ano ang tingin niya sa penomenon ng Beatles ilang taon matapos magkanya-kanya sila: “We were just a band…” Aktibista na noon si John Lennon. Nagmartsa siya kasama ang mga Amerikano para labanan ang giyera sa Vietnam. Nagpahayag siya ng pagpabor sa sosyalismo. Naging anthem ng kilusang kontra-giyera ang mga kanta niya. Tulad ni Ely sa ‘Heads, tila si Lennon din ang pinakaunang tumanda sa – at unang na-outgrow ang – Beatles. Pero siya ang pinakabatang namatay. Sabi ng isang interpretasyon sa pagkahumaling ng assassin niya sa librong Catcher in the Rye, pinatay daw ng assassin si Lennon para manatiling inosente’t bata, parang yung karakter na kapatid ni Holden Caulfield na “catcher in the rye.

Buhay pa naman si Ely, pero tumatanda na silang apat. At ang musika nila, nagiging instrumento ng gunita, ng pagbabalik-tanaw sa isang henerasyon, isang sensibilidad na naglaho na. Pero may panahon pa, para sa mga pahayag na “banda lang kami noon”, para sa mga martsa, mga pagpabor at pagtutol, pag-awit ng mga anthem, at pamumuhay sa mundo at realidad natin ngayon.

http://lvbamante.multiply.com/journal/item/13

3 CommentsChronological   Reverse   Threaded

krguda wrote on Sep 10, '08
yo louise, salamat sa pagrepost! sana lagyan mo rin ng link ang entry ito patungo sa blog ko. salamat!

lvbamante wrote on Sep 11, '08

Regarding the ERASERHEADS Reunion Concert... (multiply post, Sep 1, '08 6:22 PM)

eraserheads aug 30 08 confirmed - from subsandwich yahoogroups (multiply post, Aug 26, '08 6:02 PM)

below is the exact text from raymund marasigan posted in the sandwich mailing list:

eraserheads aug 30 08 confirmed

dear everybody

after much ado. the eraserheads concert is most definitely pushing
through.

philip morris and its brands have pulled out from the concert. but
another company is taking over the production. the turn over started
yesterday and they have already started work on the site in the fort.
so you can check.

there are good news and bad news.

unfortunately its no longer free. all the long winded registration
procedures in the red nation site is now void.

the good news is that the age limit is now 12 years old (for safety
reasons)and tickets will be sold so you dont have to wait for
confirmation and what not.

the official announcement and ticketing details will come out in major
newspapers and on the radio on tuesday.

these are the only details i know for now so no need to email me. im
just the drummer.

btw. i just got home from the last rehearsal. the band is cooking. we
will see you all on the 30th.

raym<s>

Saturday, November 17, 2012

Flash: Eraserheads reunite! (multiply post, Jul 14, '08 11:54 AM)

THE PHILIPPINE STAR, Sunday, July 13, 2008

Yes, it's confirmed: The Eraserheads are reuniting after many years
of being apart, not for good but only for one show slated for Aug. 30
at the CCP Open Grounds.

According to the STAR source, all the original members (photo) are
performing — Ely Buendia, Buddy Zabala, Marcus Adoro and Raimund
Marasigan.

This piece of good news should make the Eraserheads fans very happy.

Said to be the `greatest Pinoy band,' the Eraserheads will sing all
their hit songs, including Alapaap, Toyang and Ang Huling El Bimbo.

So much water, so to speak, has flowed under the bridge since the
band broke up years ago.

Ely, who survived a heart attack two years ago, has formed two bands,
Mongol (which didn't last long) and Pupil (still playing).

`It took one big company to bring the former band members together,'
said the source who is keeping the company's identity `confidential'
for the time being.

Really now, don't the Eraserheads fans wish that the band would stay
together not just for a one-night-only concert but for good...for old
time's sake?— Ricky Lo