Iniibig
mo ang bayan.
Tulad ni Balagtas,
ang iyong tinig
ay nakapagsupling
na ng laksang makata,
lalo na ng mga mandirigma.
Una mong ipinahayag
na hindi lang pumpon
ng mga salita
ang dapat marinig
sa iyong mga tula’t awit.
Kasabay nito’y obertura
ng mga kamao,
ng mga nagmamartsang paa,
na para sa iyo’y isang kurot
sa gunita
nilang nililimot
ang tunggalian ng mga uri.
Kandong ang iyong gitara,
minsan mo nang binanggit
na kung bawat kuwerdas
nito’y gatilyo
at bawat nota’y
punglo,
kayrami nang bubulagtang
pasista.
Ngunit isa ka lamang
mangingibig,
sabi mo.
At dahil diyan,
may bakas ng poot
ang iyong awit
kahit na may lambing
ang iyong tinig:
“Halina, Halina…”
Dahil ang iyong mga awit
ang daluyan
ng ating himagsik.
11/26/2010
mo ang bayan.
Tulad ni Balagtas,
ang iyong tinig
ay nakapagsupling
na ng laksang makata,
lalo na ng mga mandirigma.
Una mong ipinahayag
na hindi lang pumpon
ng mga salita
ang dapat marinig
sa iyong mga tula’t awit.
Kasabay nito’y obertura
ng mga kamao,
ng mga nagmamartsang paa,
na para sa iyo’y isang kurot
sa gunita
nilang nililimot
ang tunggalian ng mga uri.
Kandong ang iyong gitara,
minsan mo nang binanggit
na kung bawat kuwerdas
nito’y gatilyo
at bawat nota’y
punglo,
kayrami nang bubulagtang
pasista.
Ngunit isa ka lamang
mangingibig,
sabi mo.
At dahil diyan,
may bakas ng poot
ang iyong awit
kahit na may lambing
ang iyong tinig:
“Halina, Halina…”
Dahil ang iyong mga awit
ang daluyan
ng ating himagsik.
11/26/2010
http://lvbamante.multiply.com/journal/item/66/Oda-sa-Gitarista
No comments:
Post a Comment