Oda sa aking Electronic Typewriter
Alam mong minsan na lang tayo magkita.
Hindi na kasi regular ang pag-uwi ko sa bahay,
lalo na ang pagtulog ko sa sariling kuwarto.
Kaya nakukumutan ka na ng makapal
na alikabok, tulad ng sa sahig at iba pang
mga kapwa mo personal kong gamit.
Kapag nagkita tayo, alam mong nakita kita.
Pero hindi kita pinapansin tulad nang dati.
Ilang gabi ng mga semestre ko sa kolehiyo
ang naging pagpupuyat natin?
Ako: umiinom ng kape, ngumunguya ng mani.
Ikaw: sinusubuan ko ng mga papel na short bond,
iluluwa ito na may bahid ng aking mga salita.
Marami-rami rin iyon. Nakaipit sa mga folder
na nasa mesa ko, katabi mo. Bihira ko nang buklatin
ang mga iyon, pero kapag ginawa ko, nakalimbag
sa gunita ang mahabang oras na binuno natin
para lamang sa isang pahinang sulatin.
Bumabalik lahat ang naganap -- ang pag-ikot
ng iyong daisy wheel, ang pagdiin nito sa papel
na nakaikot sa platen, ang iyong takatak,
ang panlalabo ng ribbon at ng display, ang brownout...
Kaya ngayong pinupunasan ko ang iyong katawan,
tinitipa-tipa ko ang mga letra mong noon
ay nagsimulang bumuo sa aking ngayon.
6 Enero 2016
Mga Pagmumuni-muni mula sa Itaas, Gitna, Ilalim, at Gilid-gilid na Aspekto ng mga Bagay/ Thoughts from the Above, Middle, Under, and Marginalized side of Things
Showing posts with label expression. Show all posts
Showing posts with label expression. Show all posts
Wednesday, January 6, 2016
Friday, November 30, 2012
Ang Alagad (multiply post, Aug 12, '11 7:40 AM)

Siya ay hamak na alagad ng Sining.
Pinsel,
Pinsel,
pait,
panulat,
tinig,
kilos,
espasyo,
at mga ideya
ang tangi niyang mga sandata.
Hangad niyang makakita ang mga binulag,
makarinig ang mga biningi,
makasalita ang mga binusalan,
at makadama ang mga pusong minanhid
ng pagkakataon.
Subalit hindi siya magiging Diyos.
Nais niyang makalakad sa dagat.
Ngunit dinuraan ang kanyang dalumat.
Nais niyang makalipad.
Ngunit binali ang kanyang haraya.
Nais niyang lumaya.
Ngunit pinako sa krus ang kanyang hulagway.
Kinahahabagan namin silang
lumilibak sa kanya.
Ngunit hindi siya titigil
sa paglikha.
Kahit na bantaan siyang
susunugin ang kanyang kaluluwa
sa kanilang
guniguning
impiyerno.
Nalathala ang unang bersyon ng tula sa:
Rizal News Online, Volume I, Issue 17, August 8-14, 2011
Ang larawan sa itaas ay mula sa:https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiPepTRg5rGoRwjpLZNc73rdAK2DoDUlUgnbVVgPSu6wtmFi2pat7xy_XVOQsKhlT3aHY7yzLWdMLitHvYcMOSfxDqkr3Y9xAijrZcf9A8tFJwIBe2pfUphabTl3WQCFyMkVUpkb6JTvPCS/s1600/relics.jpg
Tags: literature, politics, tula, expression, kalayaan, censorhip, sining, panitikan, poetry, freedom
http://lvbamante.multiply.com/journal/item/78/Ang-Alagad
Wednesday, November 21, 2012
Pagmamanman ng isang Pekeng Tao (multiply post, Feb 27, '09 1:50 PM)
naramdaman ko ito kamakailan.
akala ko'y isang maituturing kong kaibigan. pero hindi.
dahil lamang sa isa kong komento, kumalat ang tsismis na masama ang aking sinabi.
masisisi ko ba ang aking emosyon at nailabas ko ito sa paraang gusto ko?
masama na rin yata ang magpahayag ng damdamin ngayon. lalo na't maidadagdag dito ang mga salitang hindi naman ako ang gagawa.
palagay ko tuloy, minanmanan ako kahit na wala na ako sa lugar na iyon. na ang kanilang mga galamay ay patuloy na sasakalin ako saanman ako magpunta.
naaalala ko tuloy ang isang kasabihan: ang naghanap sa wala, ulol ang gumagawa.

http://lvbamante.multiply.com/journal/item/26
Subscribe to:
Posts (Atom)