Dakilang Gamugamo:
Musmos ka pa’y ningas
Na ang iyong hangad.
Kaya’t nang ikaw ay mapaso,
Lalo ka pang naakit sa liyab.
Lumapit ka sa liwanag;
Natupok ang iyong mga pakpak
At buhay mo’y nautas.
Ngunit hindi nasayang ang iyong pangarap.
Salamat sa iyo,
Dakilang Gamugamo.
Itinuro mo sa amin
Ang dapat tahakin nitong pinipuntuhong bayan.
Kaya't tuwing nalalapit ang tag-ulan,
Ginugunita namin ang pagsilang
Mo sa dakilang liwanag.
Higit man sa sansiglong tag-araw ang lumipas,
Hinding-hindi aandap-andap ang alab
Ng pag-ibig namin sa bayan.
Tangan nami’y liyab ng libong sulo;
Taliba ng gintong liwayway.
06/06/2011
http://lvbamante.multiply.com/journal/item/76/Gamugamo
No comments:
Post a Comment