Thursday, November 29, 2012

Isang tulang haka ng isang di-kilalang pulis na kasama sa mga nagpalaya sa mga binihag ni SPO1 Mendoza (multiply post, Nov 30, '10 1:26 PM)

Iba pala ang pakiramdam ng pagiging sikat.

                 Sino’ng mag-aakala
                 na ang isang
                 tulad ko, ay sisikat matapos
                 ang pandurugas ng isang kabaro?
 
                                     Kung di ba naman
isang libo’t isang kahunghangan
            ang pumasok                         sa kukote
ni Mendoza                at bihagin ang mga turistang Tsino
sa loob ng isang bus
para sa kanyang sariling problema?

Aba!
Dahil doon, hindi ko na nagawang mag-abang sa kanto
ng Padre Faura
ng mga truck driver
para sa gabi-gabi kong meryenda.

Maghapong               naghihintay                 ang lahat        kung sino
ang unang                  bibigay           sa nang-hostage at sa pwersa namin.

Pinatawag kami ni Magtibay
nagpasya na’ng itaas:
itumba na si Mendoza.

Pila-pila kami ng mga kabaro
                        iba pala ang pakiramdam na suot ang bullet-proof vest
hawak ang isang maso
            ako ang pumalo
                        sa salaming bintana ng bus.
Ay sus!           Tu        mal      bog     ang maso.
Ilang ulit ko pang pinalo.
Ay sus!           Ilang ulit ding tu         mal      bog.
Ay sus!

May nagpaputok sa loob!
Aba, niratrat din namin.                    Gantihan na lang ang laban.

Sa wakas, nabasag na’ng bintana!

Tear gas, tear gas!
Ako ang nagpasok niyon sa bus.

Maya-maya, pumasok ako sa bintana.
    Lintik! Ang sakit sa mata…
                                             Buti na lang may mga buhay pa.
                                             At ayun si Mendoza, tepok na.

Palakpakan lahat ng mga miron…

At sikat kami,
lalo na ako.

Buti na lang,
hindi ako kilala
ng taumbayan.

Mahirap nang masisi.


10/16/2010 
 

http://lvbamante.multiply.com/journal/item/65/Isang-tulang-haka-ng-isang-di-kilalang-pulis-na-kasama-sa-mga-nagpalaya-sa-mga-binihag-ni-SPO1-Mendoza

No comments:

Post a Comment