Huwag ninyo akong tanungin
saka sisihin,
kasalanan ko bang dumaan
sa inyong bayan?
Isa akong dambuhalang anak,
langit at dagat
ang nakapagbuo sa akin.
Dala’y hanging
ubod ng lakas
at bugsong sadyang nagpakalas,
nagpatirapa,
bumulaga‘t nagpabulagta
Ng mga pangarap at buhay.
Hindi ko inasam
Ang inyong dinaranas ngayon.
“‘Yan ang panahon,”
‘Ika nga ng inyong gobyerno.
”Lakas ng bagyo’y
dulot ng matinding climate change
na di mapatid.”
Sa oras ng pamamahagi
ng nakatali’t
sinupot na noodles, sardinas,
tinapay, bigas,
at paghanap sa nawawala,
nag-asembleya
ang marurunong.
Ang solusyon:
“Kaya dapat nang paalisin,
mga iskwater
sa daluyan ng tubig-baha.
At nang basura’y
‘wag mamahay sa mga ilog.
Nakalulungkot
na wala silang mga bahay.
Kaysa mamatay
sila’t sabihing walang tulong
na pumaroon
mula sa kanilang gobyerno
dahil sa bagyo.”
“Isa pa nga pala,” pahabol
ng marurunong,
“paubos na ang nakalaang
calamity fund.”
Huwag ninyo akong tanungin
saka sisihin,
kasalanan ko bang dumaan
sa inyong bayan?
10/06/2009
saka sisihin,
kasalanan ko bang dumaan
sa inyong bayan?
Isa akong dambuhalang anak,
langit at dagat
ang nakapagbuo sa akin.
Dala’y hanging
ubod ng lakas
at bugsong sadyang nagpakalas,
nagpatirapa,
bumulaga‘t nagpabulagta
Ng mga pangarap at buhay.
Hindi ko inasam
Ang inyong dinaranas ngayon.
“‘Yan ang panahon,”
‘Ika nga ng inyong gobyerno.
”Lakas ng bagyo’y
dulot ng matinding climate change
na di mapatid.”
Sa oras ng pamamahagi
ng nakatali’t
sinupot na noodles, sardinas,
tinapay, bigas,
at paghanap sa nawawala,
nag-asembleya
ang marurunong.
Ang solusyon:
“Kaya dapat nang paalisin,
mga iskwater
sa daluyan ng tubig-baha.
At nang basura’y
‘wag mamahay sa mga ilog.
Nakalulungkot
na wala silang mga bahay.
Kaysa mamatay
sila’t sabihing walang tulong
na pumaroon
mula sa kanilang gobyerno
dahil sa bagyo.”
“Isa pa nga pala,” pahabol
ng marurunong,
“paubos na ang nakalaang
calamity fund.”
Huwag ninyo akong tanungin
saka sisihin,
kasalanan ko bang dumaan
sa inyong bayan?
10/06/2009
http://lvbamante.multiply.com/journal/item/44
No comments:
Post a Comment