Kapag kinakalabit niya ang gitara,
Nauulinig ang harmonya’t melodiyang
Mula sa pagdildil ng asin at sa tuyong
Lalamunan. Kaya’t kanyang naituturo
Na ang gitara niya’y naisasahimig
Ang hangad na buhay ng mundong inaawit.
May halina ang kanyang tinig. Nararapat
Lamang na walang mapapatid na kuwerdas
Sa gitarang kandong n’ya habang nagtatanghal.
Ngunit nagsasara din ang popular na bar.
Uuwi ang mga nasiyahang kustomer.
Ang hangad niya’y mamulat sila sa dilim.
11/06/2010
Nauulinig ang harmonya’t melodiyang
Mula sa pagdildil ng asin at sa tuyong
Lalamunan. Kaya’t kanyang naituturo
Na ang gitara niya’y naisasahimig
Ang hangad na buhay ng mundong inaawit.
May halina ang kanyang tinig. Nararapat
Lamang na walang mapapatid na kuwerdas
Sa gitarang kandong n’ya habang nagtatanghal.
Ngunit nagsasara din ang popular na bar.
Uuwi ang mga nasiyahang kustomer.
Ang hangad niya’y mamulat sila sa dilim.
11/06/2010
http://lvbamante.multiply.com/journal/item/64/Idol
No comments:
Post a Comment