Mama, Mama, bili na kayo
Nitong tinda kong kaimito
Ipagbibiyak ko po kayo
At nang matikman na po ninyo.
Ale, ale, mawalang galang
Na po. Baka presyo’y mahal.
Pera sa aking bulsa’y kulang
At hindi kayo mabayaran.
Mama, mama, kapag tumikim
Sa aking kaimito, aliw
Ang inyong madarama. Maliw
Ng kalooba’y makikitil.
Ale, ale, tunay ba’ng sarap
Ng inyong tinda? Tila payat
At hinog sa pilit. Pagkagat,
Baka sangsang ang halimuyak.
Mama, mama, ito pong tinda’y
Sariwa sa sanghaya’t lasa.
Kutis ay makintab na lila
Katas ay di paris sa iba.
Ale, Ale, kung gayo’y alok
Na kaimito’y sadya’ng hulog
Ng langit sa’kin. Kaya, sagot
Ko, isa nga po’t nang mabusog.
03/19/2011
Nitong tinda kong kaimito
Ipagbibiyak ko po kayo
At nang matikman na po ninyo.
Ale, ale, mawalang galang
Na po. Baka presyo’y mahal.
Pera sa aking bulsa’y kulang
At hindi kayo mabayaran.
Mama, mama, kapag tumikim
Sa aking kaimito, aliw
Ang inyong madarama. Maliw
Ng kalooba’y makikitil.
Ale, ale, tunay ba’ng sarap
Ng inyong tinda? Tila payat
At hinog sa pilit. Pagkagat,
Baka sangsang ang halimuyak.
Mama, mama, ito pong tinda’y
Sariwa sa sanghaya’t lasa.
Kutis ay makintab na lila
Katas ay di paris sa iba.
Ale, Ale, kung gayo’y alok
Na kaimito’y sadya’ng hulog
Ng langit sa’kin. Kaya, sagot
Ko, isa nga po’t nang mabusog.
03/19/2011
http://lvbamante.multiply.com/journal/item/73/Kaimito
No comments:
Post a Comment