Batid
na natin ang pag-aresto, pagkulong, at hindi makataong pagtrato ng mga
militar na nakahimpil sa Tanay, Rizal sa binansagang Morong 43. Sila ay 43 health workers, doctors, at nurses na "nahuli" sa isang rest house sa Morong sa aktong "bomb making" seminar.
Nakapagpapakamot ng ulo ang ganitong argumento ng mga humuli sa mga nasabing health workers dahil kasapi raw ang Morong 43 ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA). May plano ang grupo na maghasik ng takot at pasabugin ang ilang lugar lalo na't nalalapit ang eleksyon. (Martial Law?)
Ang katwiran ng mga hinuling health workers at ng mga sumusuporta sa kanila ay naroon sila sa lugar upang mag-seminar kaugnay ng kanilang gawaing pangkalusugan. Ayon sa militar, kasapi ang mga hinuli sa health bureau ng CPP-NPA. At malaking bilang nga ito ng mga inakusahang komunista na sinasabing dapat puksain pagkatapos ng termino ni Pangulong Arroyo. Ito ang pangako ng dating Chief-of-Staff Hermogenes Esperon. (General, bakit marami pa ring NPA hanggang ngayon?)
Kaya, ilan sa mga doktor na nasa malalayong lugar ang pinagsisilbihan ay natatakot dahil sa ganitong pangyayari. Na kapag sa kanayunan nanggagamot, komunista? Kapag gumagamit ng acupuncture, komunista?
Habang nasa isang reception nitong Linggo, hindi sinasadyang mapag-usapan namin ng doktor at tatay ng karelasyon ko ang tungkol sa Doctor to the Barrios program na sinimulan ni dating Senador at Dr. Juan Flavier. May serye pa nga ng aklat na may gayunding pamagat na inakda si Dr. Flavier na dati ring Department of Health (DOH) Secretary bago niya pamunuan ang DOH. Isa ang tatay ng karelasyon ko na sumuporta't kabilang sa mga doktor na pumupunta sa malalayong lugar, lalo na sa mga bulubundukin. Doon, sinusuri nila ang kalagayan ng mga katutubo at tinuturuan sila sa tamang hygiene. At ang serbisyong ito ng mga doktor ay libre. Kahanga-hanga ang mga doktor at health workers na ito na sa ngalan ng kanilang tungkulin ay dadayo pa sa mga lugar na hindi maabot ng kuryente, cellphone, at internet mapagsilbihan lang ang ating mga kababayan.
Sa pagtsetsek ko ngayong araw ng ilang proyekto sa pananaliksik ng aking mga estuydante, isang balita mula sa Philippine Daily Inquirer tungkol sa mga doktor sa barrios ang magandang ibahagi rito. Narito ang nasa unang pahina:
Sila ay mga bayani.

"Flavier Pays UP doc a visit in barrio"
by Carlos H. Conde, Philippine Daily Inquirer, Vol 8, No 208, Monday, 5 July 1993San Luis, Agusan del Sur -- Like any other doting father, Health Secretary Juan M. Flavier is spoiling his "first child," Dr. Henry Plaza, 32.Plaza, a 1991 graduate of the University of the Philippines, is the first doctor to respond to Flavier's call to "serve the barrios."For the past two months, Plaza has been serving the medical needs of this riverside town (pop: 19,000), which may be reached after some two hours of rough driving from Prosperidad, the provincial capital.The last time a doctor had been assigned here was 23 years ago.Visiting Plaza over the weekend, Flavier asked the young doctor what his most pressing need was."A 4-by-4 pick-up," Plaza said, "so I can reach the mountain barangays."Flavier took less than an hour to think. "Call me up if the vehicle has not arrived by July 15," he told Plaza.
(Maraming salamat kay Ivy Rose Delas Alas para sa kopya ng balitang ito.)
Sa
balitang ito, makikita ang pagtugon ng isang doktor sa programang
doktor sa mga baryo. Bagaman isa lang halimbawa ang balitang ito,
nakatitiyak akong marami ang nagsilbi sa mga kanayunan. Nasabi ko sa
tatay ng aking karelasyon na sana'y may pahayag si Dr. Flavier sa
nangyari sa Morong 43 dahil pagsisilbi rin sa mahihirap na mamamayan ang
ginagawa ng mga sinasabing komunistang health worker.
Pero
bago pa gawing DOH program ito ni Flavier noon, mainit na rin sa mata
ng mga militar ang mga doktor na nagpupunta sa mga baryo. Isa sa mga
kilalang doktor noon ay si Dr. Remberto dela Paz. Pinatay siya sa Samar
ng mga pinaghihinalaang militar noong Pebrero 1982. Tumutulong si Dr.
dela Paz sa mga tao roon, hindi lang sa pag-aalaga ng kalusugan, pati
sa kung paano pauunlarin ang antas ng kanilang pamumuhay. Hanggang
ngayon, walang naparusahan sa kung sinuman ang pumatay sa butihing
doktor.
Kung ang Morong 43 ay may pagkakasala, ito
ay dahil sa kanilang paniniwala't prinsipyong maglingkod sa mga
mamamayang walang-wala at nangangailangan ng atensyong medikal.
Sila ay mga bayani.
No comments:
Post a Comment