O mga salbaheng bata ng
Gaza
ni Khaled Juma
ni Khaled Juma
O
mga salbaheng bata ng Gaza.
Kayong
panay-panay mang-inis sa akin,
nagsisigawan
pa kayo sa ibaba ng bintana ko.
Kayong
tuwing umaga’y
nagtatakbuhan at nanggugulo.
Kayong
binasag ang plorera ko
at
tinakbo pa ang tanging bulaklak sa balkonahe.
Bumalik
kayo,
at
magsigawan hanggang gusto ninyo
at
basagin ang lahat ng pasô.
Nakawin
ang mga bulaklak.
Bumalik
kayo.
Bumalik
lamang kayo...
2014
Salin
sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante
5
Hulyo 2025
No comments:
Post a Comment