1. Puso
Lab-a-dap, lab-a-dap, lab…
Di napapagod sa love.
Pero kapag umaray,
Lampas sa kalawakan.
2. Himig
ilang ulit na akong
tumitipa ng pyano,
di ko naman matugtog
ang ‘yong lugod at tibok.
3. Kahapon
Umulan na kahapon
At wala akong payong.
Mabuti’t nakisukob
Ako sa dating lugod.
4. Ngayon
Nakahihingal pala
‘pag kita’y nakasama.
Mabuti pa’ng mag-isa’t
Ako ang gumagawa.
5. Bukas
Ituro mo sa akin
Kung paano sumahod.
Ituturo ko naman
Kung paano humimod.
6. Ikot
Dito sa daang bilog
naiwan ang gunitang
kanina’y umimbulog
sa sulok ng ‘yong mata.
7. Toki
Sa kanan o kaliwa
man ang ating simula,
iisa lang ang wakas:
red light na’ng pagsinta.
8. Tortyur
Sumambulat ang bungo
Ng isang aktibista.
Natitigmak ng dugo
Ang kanilang estrelya.
9. Tainga
sa paghigop ng kape
kasabay ng balita
nalaglag ang tutuli
sa bunyag ni Lozada.
10. Kay Ka Bel (1933-2008)
Inakyat mo ang hagdan
Nang may paninindigan
Para sa kalayaan
Ng mga walang yaman
Lab-a-dap, lab-a-dap, lab…
Di napapagod sa love.
Pero kapag umaray,
Lampas sa kalawakan.
2. Himig
ilang ulit na akong
tumitipa ng pyano,
di ko naman matugtog
ang ‘yong lugod at tibok.
3. Kahapon
Umulan na kahapon
At wala akong payong.
Mabuti’t nakisukob
Ako sa dating lugod.
4. Ngayon
Nakahihingal pala
‘pag kita’y nakasama.
Mabuti pa’ng mag-isa’t
Ako ang gumagawa.
5. Bukas
Ituro mo sa akin
Kung paano sumahod.
Ituturo ko naman
Kung paano humimod.
6. Ikot
Dito sa daang bilog
naiwan ang gunitang
kanina’y umimbulog
sa sulok ng ‘yong mata.
7. Toki
Sa kanan o kaliwa
man ang ating simula,
iisa lang ang wakas:
red light na’ng pagsinta.
8. Tortyur
Sumambulat ang bungo
Ng isang aktibista.
Natitigmak ng dugo
Ang kanilang estrelya.
9. Tainga
sa paghigop ng kape
kasabay ng balita
nalaglag ang tutuli
sa bunyag ni Lozada.
10. Kay Ka Bel (1933-2008)
Inakyat mo ang hagdan
Nang may paninindigan
Para sa kalayaan
Ng mga walang yaman
http://lvbamante.multiply.com/journal/item/28
No comments:
Post a Comment