Friday, November 30, 2012

An encounter with Bobby Balingit of The Wuds, October 9 (multiply post/photo, Oct 21, '08 5:21 PM)

A short chat with Bobby Balingit and this writer. (Photo by Rochelle Pido)



I came to Mag:Net Katipunan in search of Markushighway. Marcus posted in his multiply about his artworks. Traveling via MRT and LRT is a big hassle, especially if the show is past 9pm and from work, too. But when the show had started, it was a relief to see the bands play and hearing your favorite songs.

I went alone in Mag:net and someone recognized me as having responded to Marcus's post. Her name was Che-che Pido. She approached me asking: "Sa multiply ka rin ba ni Marcus?" I replied in the affirmative. I had just ordered my coffee (which is the thing I loved the most in Mag:net). She offered her table with me. She's along with a former officemate, Jonjon. They are having a good time from their places up north of Metro Manila.

"Kahit malayo, narito kayo. Astig," I said.

The night was only starting in Mag:net when a tall guy arrived. He has graying hair and clad in a brown leather jacket. He sat behind my back and unwrapped a few CDs which are for sale during the show. He has only less than ten copies and luckily those who knew him bought the CDs right away.

I said to Cheche, "Si Bobby Balingit ng The Wuds." She replied, "Hindi ko pa siya kilala."

"Sila 'yung umawit ng 'Inosente lang ang Nagtataka'. Akala ng mga bata, Rivermaya ang original niyon."

I asked Bobby how much is the CD and I got the last one for the night. The CD is entitled Juan Isip, his solo effort. Handing him a pen, he obliged to sign my copy. And I asked him about albums of the Wuds. "Nireremix sa US 'yung master tapes," he said.

"Sana makakuha ako ng mga kopya. Tapes 'yung mayroon ako."

"Old school ka rin pala"

"The Wuds iyan, e."

He smiled.

The Purplechickens and Markushighway had finished their sets when the Wuds went onstage. They sang songs which are not the ones I heard of in their live sets. I immediately loved "Ti Recordi, Joe?" when they played it that night. The song is in the CD.

Their last song was "Inosente Lang ang Nagtataka" which brought the house down. I really want to do the punk dance in front but only me want to do it. (Darn!) It was a powerful performance! When the song ended and the cymbals crashed the last notes, I shouted for another song.

I think Bobby and the band heard it and he strummed the Am-F-G-- pattern. It was haunting for the delay pedal is on. And his voice followed: "Dito ba sa mundo ano'ng tunay na kailangan..." I was ecstatic at that moment!

Hearing the refrain blew me. "Maraming nagpapanggap na makabayan/ Gamit ang salitang kalayaan/... Ano ba'ng gusto mo na magpapasaya sa iyo/... Pero nakalimutan ang Diyos!"

Yeah, Rock en Roll, Bobby Balingit!

 
http://lvbamante.multiply.com/photos/album/2/An-encounter-with-Bobby-Balingit-of-The-Wuds-October-9#

18 CommentsChronological   Reverse   Threaded

chechepido wrote on Oct 21, '08
ang galing kuya. bow ako sayo.. nice meeting you.. :]

lvbamante wrote on Oct 22, '08
ang galing kuya. bow ako sayo.. nice meeting you.. :]
kumusta ang English ko? kailangan ko ng confidence dito. S-V agreement, tenses, etc. Mas Filipino kasi ang pagsusulat ko.

chechepido wrote on Oct 22, '08
lvbamante said
kumusta ang English ko? kailangan ko ng confidence dito. S-V agreement, tenses, etc. Mas Filipino kasi ang pagsusulat ko.
naku ako pa po tinanong nyo jan. mahina din ako sa sunject verb agreement he he.. naging editor in chief po ako dati ng highschool news paper namin. Filipino news paper kc hirap ako talga pag english composition. idol ko kayo pinangarap ko rin dati na sana maging staffer ng kule..

istillbelieve wrote on Oct 21, '08
"Their last song was "Inosente Lang ang Nagtataka" which brought the house down. I really want to do the punk dance in front but only me want to do it. (Darn!) It was a power performance! When the song ended and the cymbals crashed the last notes, I shouted for another song."

Hon, I'd love to see you dance...hehehe ;p

lvbamante wrote on Oct 22, '08
hehe.

istillbelieve wrote on Oct 22, '08
lvbamante said
It was a power performance!
Hon, dapat "powerful performance"... hehehe, reread mo muna kasi yung entry bago mo ipost .;p

lvbamante wrote on Oct 23, '08
Hon, dapat "powerful performance"... hehehe, reread mo muna kasi yung entry bago mo ipost .;p
i know that, thank you. these are two nouns that i combined.

pinoiviolator wrote on Dec 20, '08
shet....

lvbamante wrote on Dec 26, '08
shet....
naku, ano kaya ang ibig sabihin nito?

keiyos wrote on Apr 16, '09
Kainggit ka tol. Name-meet mo mga legends. Tol, totoo na 'to, pag-uwi ko, bigyan mo ako ng alaalang di ko malilimutan. hehehe. sana di green ang dating.

lvbamante wrote on Apr 25, '09
keiyos said
Kainggit ka tol. Name-meet mo mga legends. Tol, totoo na 'to, pag-uwi ko, bigyan mo ako ng alaalang di ko malilimutan. hehehe. sana di green ang dating.
ano kayang puwede? mahirap isipin iyan.

chyzbol16 wrote on Apr 23, '09
ayos!_magandang_experience_yan_ah..

[sira_space_bar_ng_keyboard]

lvbamante wrote on Apr 25, '09
chyzbol16 said
ayos!_magandang_experience_yan_ah..

[sira_space_bar_ng_keyboard]
para iyan sa mga dapat na pakinggan at hindi lang basta emo like chicosci.

chyzbol16 wrote on Apr 25, '09
lvbamante said
para iyan sa mga dapat na pakinggan at hindi lang basta emo like chicosci.
hehehe..tama, wag puro emo..

larosaapoy wrote on Apr 16, '10
mapalad ka at nakadaupang palad mo si Bob. Mahusay siyang musikero bagamat hindi pa nabibigyan ng kaukulang respeto sa industriya ng musikang kontrolado ng mga kapitalista.

lvbamante wrote on Apr 19, '10
ayos lang. punks not dead!



Si Mang Dolphy at ang National Artists Award (multiply post, Jul 19, '12 6:51 PM)

(Nagsimula lang ito bilang isang status update sa aking Facebook account. Pero pinahaba ko na't ginawang sanaysay para madaling mahanap sa aking Facebook. At narito na rin sa aking multiply account.)

Nakikiramay ako sa mga iniwan ni Comedy King Dolphy. Alam kong nangungulila ang sambayanan sa paglisan ng isang cultural icon nitong Hulyo 10 ng gabi. Maging ako'y ilang beses napatawa sa mga kalokohan ni John Puruntong, ni Kevin Cosme sa pelikula at telebisyon.

Ngunit, kung maaari lamang po, huwag na munang ungkatin ang National Artist Award (NAA) na hindi iginawad kay Mang Pidol. Mismong siya na ang nagsabi noong nabubuhay pa siya, "Kung ibibigay sa akin, tatanggapin ko. Kung hindi, okay lang naman." Nagmumukha kasing tanga ang mga nakikisawsaw dito, lalo na ang mga resolusyong inilalatag sa Senado at Kamara.

Bakit? Una, may prosesong sinusunod ang paggawad nitong NAA. Ito'y para maiwasan ang naging "patronage politics" sa larangan ng sining ng mga taong 1972 hanggang 1986. Pagkapalit ng administrasyon, ginawang demokratiko ang pagpili ng mga posibleng gawaran. Nasa kamay ito ng mga artist at academician na kung tawago'y Council of Peers. Kung hindi alam ng mga nakikisawsaw ang salitang peer, may diksyunaryo kahit saang sulok ng bookstore, lalo na sa mga iPod nila. At doon tayo mag-nominate ng gusto nating maging National Artist. Kung nakapanghihinayang na hindi ito nakuha ni Dolphy samantalang buhay pa siya, i-nominate na rin natin sina Vic Sotto, Piolo Pascual, Judy Ann Santos, Michael V., at iba pa. Walang dudang magagaling silang aktor. Buhay pa sila, di ba? Gawaran na ng NAA. Si Jose Abueva nga, nasa kanyang 40s nang bigyan ni Madam Imelda Marcos ng NAA.

Ikalawa, tinitimbang ang gagawaran sa kalidad ng kanyang body of work. Suhetibo ito, sa isang banda, pero huwag na huwag ikokomento ang moral na aspekto ng mga ito. Na dapat may laging may moral lesson ang mga gawa niya, lalo pa ang naging buhay ng artist. Kung ito lang ang pagbabatayan, laglag na si Mang Dolphy. Case closed.

Ikatlo, hindi ito usapin kung patay o buhay ang gagawaran. Si Fernando Amorsolo nga, patay na nang gawaran siya noong 1972 bilang unang National Artist. Wala nga namang kapantay ang ligayang matanggap ang NAA habang buhay pa ang artist na gagawaran. Kung hindi pa rin ito naiintindihan, balikan ang una kong punto.

Ikaapat, ayusin muna ng Supreme Court ang status quo ruling nito ukol sa 2009 NAA.

Ikalima at huling punto, hindi lang NAA ang may problema, pati ang GAMABA o Gawad Manlilikha ng Bayan, hindi na nasundan mula 2005. Pwede bang pati ito pansinin ng mga maykapangyarihan. Sa halip na ipautang ang $1 bilyon natin sa International Monetary Fund, bakit hindi ipagkaloob ang bahagi nito sa mga artist at cultural worker ng Pilipinas?
 
In short, rest in peace, Mang Dolphy. Saka ka na namin gagambalain kapag iginawad na sa inyo ang National Artist Award/Gawad Pambansang Alagad ng Sining.

07/12/2012
Quezon City

Lihim (multiply post, May 23, '12 9:14 AM)

labis na ang kanyang pagtitiiis na huwag isiwalat
ang kanyang nalalaman, at maging sa mga karaniwan
niyang gawain ay ginagambala siya ng mga pangitain
at alaalang kipkip niya sa mahabang panahon.
siya na inatasang isilid sa kanyang gunita
ang mga lihim ng kanilang lahi. sa oras na
ito ay mabunyag, kapahamakan ang lalapit sa kanyang
mga kababayan. ayaw niyang humantong sa malagim
na wakas ang kanilang kasaysayan at kabihasnan.
ngunit sadyang napakabigat na ng kanyang dalahin.
lumisan siya isang araw at inakyat ang tuktok
ng pinakamataas na bundok ng kanilang mundo.
naroon ang isang matandang puno na kung tawagin
ay Methuselah. umukit siya roon ng isang maliit at malalim
na butas at doon niya ibinulong, ibinuhos ang lahat
ng lihim ng kanilang lipi. saka siya dumura sa lupa,
hinalo ang laway at lupa’t tinakpan ang butas
na iyon ng putik. lumulutang siya sa hangin
habang bumababa sa bundok na yaon.
hindi na niya nasaksihan ang unti-unting pagpanaw
ng mga dahon ng punong Methuselah.

05/11/2012

Traveler's Blues (multiply post, Feb 17, '12 5:45 PM)

He was walking down the highway
And found a stray dog dying.
He was walking down the highway
And found a stray dog dying.
He noticed nobody on the road
And the dog smilingly just went away.

Amazed at what he had just seen,
He went straight to a police station.
Amazed at what he had just seen,
He went straight to a police station.
And the policemen laughingly said,
“You’ll get busted with that kind of situation.”

Grabbing his bag, he hailed a taxicab,
Found himself in a place called Goatie’s Club.
Grabbing his bag, he hailed a taxicab,
Found himself in a place called Goatie’s Club.
He said to himself, “Lord have mercy on me
“ ’Cause I need to be within an enthusiastic mob.”

Everybody was standing on the table dancing
And a stranger of the night grabbed my hand.
Everybody was standing on the table dancing
And a stranger of the night grabbed my hand.
She kissed my lips and left a mark of modesty
Her waving behind is music from a band.

Look into my eyes in front of the mirror
Got a busload of it inside my system.
Look into my eyes in front of the mirror
Got a busload of it inside my system.
I want to go out again and repeat those scenes
But someone’s in here calling my name.


02/04/2012

Ang Pag-ibig ay Silid (multiply post, Sep 8, '11 1:32 PM)

Tanging saksi'y pag-ibig
sa natatanging silid.
At napawi ang lamig
sa tindi ng tag-init.

09/02/2011
 

para kay James Soriano (multiply post, Aug 26, '11 7:48 PM)

kamakailan lang ay may nabasa akong isang online article na pinupuna/pinupulaan ni James Soriano ang wikang Filipino.
gustuhin ko mang gumawa ng essay, sa dami ng iba ko pang gawain na sigurado naman akong kikita ako, nahahapo ako dahil inis sa kanyang mga pahayag. nakalulungkot na ang Manila Bulletin Online ay tinanggal na ang artikulo sa kanilang website.
nakaaawa rin naman na ang isang Filipino na tulad niya ay pupulaan ang wikang pambansa. marahil, hindi pa niya nababasa ang tulang ito ng Rolando Tinio na isa ring Atenean:

Postscript
ni Rolando S. Tinio

Adios
Amerika
w/ all
your star-spangled ideas
Ginago mo kaming
Walang kalaban-laban
CRAZY MAN
CRAZY     CRAZY
         I get so furious
everytimeIthink
      kaming me pinag-aralan
ang lumalabas ngayong hangal
Because we’re out of touch (chua chua)
Because we’re out of touch (chua chua)
It’s all a matter of pointofview
& ar poinuview’s sulipat
MATANG--
MANOK
Think lang of all the
finals and seminars na pinagsusunugan
ng highbrow
jusso we won’t be
nakakahiya naman sa aming mga
KANONG classmates na andami
namang     ay Dios ko      tanga yata
D’ya know I wrote a heaven-knows-how-many-pages-paper-on
have y’eva he’d of some’ing entitled
Ver-gi-di-ma-rium by Marston ba or Hall?
& for 8125
na-eyestrain sa kasisilip
sa Regla ni San Beda sa microfilm
para maevalyuweyt kung Madame Ovaltine was landi o saint?
And what kind of iskolarsip daw na putangna?
Buti pang magkamot ng bayag / Bakâ nilabasan pa
I mean it’s absoluuuutely ridiculous
endeavuh so precieuse to stuff
yu’head w/ headnotes footnotes marginalnotes
until your soul’s one big fat variorum edition
of pure unmitigated pedantic nonsense

S* A* P* A* G* K* A* T*

walang  walang
kinalaman
sa sarili mong

UHAW ANTOK TAKOT LIBOG UTOT

& then you godda nerve to think
you’re shuperiah to the restadapipol
juz becuz you speak English w/the twang of angels
from Talahasee, Salinas, or Catona
Abá’y talagang anak ng garapata ng áso ni San Roque!
May talino ‘yung di marunong mag-englis akala n’yo ba
May sariling estruktura ang pangangatwirang
hango sa hinuha’t higher form of algebra
ang ma’no bang patancha-tancha’t pakarku-karkula
I mean to say
St James
St Eliot
St Warren & Wellek
St Shakespeare & Johnson
St Donne & Miltonberle
St Thomasite
St Peace Corps.

Pagbalikwas ninyo sa kani-kanilang libingan

ladya kami sa istetsayd na dunong-dunungan.

kung pakalilimiin lamang ni James Soriano ang kanyang ginawang sanaysay at ang tulang ito ni Rolando Tinio, dapat na niyang isulong ang pag-unlad ng wikang Filipino.

dahil ito ang nararapat gawin ng isang tunay na Filipino.

Ang Alagad (multiply post, Aug 12, '11 7:40 AM)



 Siya ay hamak na alagad ng Sining.
           
Pinsel,
            pait,
            panulat,
            tinig,
            kilos,
            espasyo,
            at mga ideya
ang tangi niyang mga sandata.

Hangad niyang makakita ang mga binulag,
makarinig ang mga biningi,
makasalita ang mga binusalan,
at makadama ang mga pusong minanhid
ng pagkakataon.

Subalit hindi siya magiging Diyos.

Nais niyang makalakad sa dagat.
               Ngunit dinuraan ang kanyang dalumat.
Nais niyang makalipad.
               Ngunit binali ang kanyang haraya.
Nais niyang lumaya.
               Ngunit pinako sa krus ang kanyang hulagway.

Kinahahabagan namin silang
lumilibak sa kanya.

Ngunit hindi siya titigil
sa paglikha.

Kahit na bantaan siyang
susunugin ang kanyang kaluluwa

sa kanilang
guniguning

impiyerno.

08/06/2011
Nalathala ang unang bersyon ng tula sa:
Rizal News Online, Volume I, Issue 17, August 8-14, 2011

Ang larawan sa itaas ay mula sa:
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiPepTRg5rGoRwjpLZNc73rdAK2DoDUlUgnbVVgPSu6wtmFi2pat7xy_XVOQsKhlT3aHY7yzLWdMLitHvYcMOSfxDqkr3Y9xAijrZcf9A8tFJwIBe2pfUphabTl3WQCFyMkVUpkb6JTvPCS/s1600/relics.jpg

Dalit kay Rizal (multiply post, Jun 23, '11 1:26 PM)

Gamugamo kang dumikit
sa liwanag ng lampara;
at bayani kang pumatid
sa gapos nitong kadena.

06/08/2011
 

Gamugamo (multiply post, Jun 23, '11 1:24 PM)

Dakilang Gamugamo:

Musmos ka pa’y ningas
Na ang iyong hangad.

Kaya’t nang ikaw ay mapaso,
Lalo ka pang naakit sa liyab.
Lumapit ka sa liwanag;
Natupok ang iyong mga pakpak
At buhay mo’y nautas.
Ngunit hindi nasayang ang iyong pangarap.

Salamat sa iyo,
Dakilang Gamugamo.
Itinuro mo sa amin
Ang dapat tahakin nitong pinipuntuhong bayan.

Kaya't tuwing nalalapit ang tag-ulan,
Ginugunita namin ang pagsilang
Mo sa dakilang liwanag.

Higit man sa sansiglong tag-araw ang lumipas,
Hinding-hindi aandap-andap ang alab
Ng pag-ibig namin sa bayan.
Tangan nami’y liyab ng libong sulo;
Taliba ng gintong liwayway.

06/06/2011
 

Bungang-Tulog (multiply post, May 30, '11 5:07 PM)

Tara na’t umuwi
sa ating mansyong marikit.
Higit itong nagniningning
tuwing dumadampi
roon ang mga huling sinag
ng papalubog na adlaw.

Hayun at tanaw
na natin ang ating balay.
Kahit napaliligiran ito
ng hindi maliparang-uwak
na tubuhan,
naroroon at nakatindig
ang matitibay nitong haligi.

Tingnan mo
ang ating mga supling.
Lumulukso’t naghaharutan,
nagtatakbuha’t nangagsasaya.
Dinig dito sa hardin ang mga tinig
nilang sabik sa ating pagdating.

(Iyan ang aking pangako
sa iyo, giliw.)

Kaya matulog tayo uli.


05/07/2011
 

Iyas (multiply post, May 30, '11 5:04 PM)

Pumaimbulog ang mga punla
mula sa sarisulok ng banwa.
Hinasik sa malawak na yuta,
Yumabong, malulusog na akda.


05/07/2011

Kaimito (multiply post, Apr 18, '11 4:57 PM)

Mama, Mama, bili na kayo
Nitong tinda kong kaimito
Ipagbibiyak ko po kayo
At nang matikman na po ninyo.

            Ale, ale, mawalang galang
            Na po. Baka presyo’y mahal.
            Pera sa aking bulsa’y kulang
            At hindi kayo mabayaran.

Mama, mama, kapag tumikim
Sa aking kaimito, aliw
Ang inyong madarama. Maliw
Ng kalooba’y makikitil.

            Ale, ale, tunay ba’ng sarap
            Ng inyong tinda? Tila payat
            At hinog sa pilit. Pagkagat,
            Baka sangsang ang halimuyak.

Mama, mama, ito pong tinda’y
Sariwa sa sanghaya’t lasa.
Kutis ay makintab na lila
Katas ay di paris sa iba.

            Ale, Ale, kung gayo’y alok
            Na kaimito’y sadya’ng hulog
            Ng langit sa’kin. Kaya, sagot
            Ko, isa nga po’t nang mabusog.


03/19/2011
 

Dapat ay Harana (multiply post, Feb 8, '11 3:43 PM)

bago niya tipain ang bitbit
na gitara,
kaunting pihit
muna sa tuning pegs.

pagtapat sa bintana

ng ginigiliw,
biglang dumilim
ang loob ng bahay.


01/29/2011
 

Ultrasound (multiply post, Feb 7, '11 4:39 PM)

Pungay ng balintataw
sa screen nakatanaw.
At sa sinapupunan,
ngumiti ang panganay.

01/22/2011
 

Thursday, November 29, 2012

Bahaghari (multiply post, Jan 18, '11 10:23 PM)

Pagkatapos ng malakas na ulan,
Hayun at nakatuntong
Sa aming bundok
Ang bahaghari.
Pumaroon ako
Ngunit
          unti-unting


naglaho


ang bahaghari.


Hinagilap ko.
Hindi ko makita.

Tumingala ako.
Heto at nakatuntong
Sa aking mga mata
Ang bahaghari.

01/15/2011 

Higaan (multiply post, Jan 18, '11 10:20 PM)

Sa lamig
ng gabing ito,
          aking kumot
          ang iyong kumot
          at unan
          ang iyong unan.

Upang kahit man lamang
sa aking pagtulog
ay maramdamang
ika’y kapiling.
           Kahit ibang pag-ibig
           na ang iyong higaan.


01/05/2011

Panaginip (multiply post, Dec 8, '10 2:27 PM)

Nagising akong wala
ka sa aking tabi.
At naging basag na salamin
ang ating higaan.

Dagli akong bumangon.
Inapuhap ka sa labas ng bahay.
Nilakad ko ang kalsadang
puno ng makikintab na bubog.

Nakarating ako sa kalapit na ilog.
Nagniningning ang mga basag nitong alon.

At naroon ka sa kabilang pampang.
Nais kitang tawagin, abutin.
Ngunit nabasag ang aking tinig.

Pagmulat ko ng mata,
wala ka na sa aking tabi.
Pinagpapawisan ako nang malamig.

Dahil sa basag na liwanag
mula sa poste sa labas,
sumusugat sa aking paningin
ang ilang piraso ng basag
na salamin
ng ating tokador.

12/03/2010
 

Ang Pag-ibig ay Pinto (multiply post, Dec 8, '10 2:15 PM)

Pagkatapos ng tatlong katok,
binuksan mo ang pinto.
Pagpasok ko sa loob,
Ni-lock mo ‘ko sa iyong puso.

11/26/2010
 

Oda sa Gitarista (multiply post, Dec 8, '10 1:56 PM)

Iniibig
mo ang bayan.
Tulad ni Balagtas,
ang iyong tinig
ay nakapagsupling
na ng laksang makata,
lalo na ng mga mandirigma.

Una mong ipinahayag
na hindi lang pumpon
ng mga salita
ang dapat marinig
sa iyong mga tula’t awit.
Kasabay nito’y obertura
ng mga kamao,
ng mga nagmamartsang paa,
na para sa iyo’y isang kurot
sa gunita
nilang nililimot
ang tunggalian ng mga uri.

Kandong ang iyong gitara,
minsan mo nang binanggit
na kung bawat kuwerdas
nito’y gatilyo
at bawat nota’y
punglo,
kayrami nang bubulagtang
pasista.
Ngunit isa ka lamang
mangingibig,
sabi mo.
At dahil diyan,
may bakas ng poot
ang iyong awit
kahit na may lambing
ang iyong tinig:

“Halina, Halina…”

Dahil ang iyong mga awit
ang daluyan
ng ating himagsik.



11/26/2010