Mga Pagmumuni-muni mula sa Itaas, Gitna, Ilalim, at Gilid-gilid na Aspekto ng mga Bagay/ Thoughts from the Above, Middle, Under, and Marginalized side of Things
Sunday, October 24, 2021
Friday, October 8, 2021
Kalimbahin
Larawan mulang https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/02/Guava_ID.jpg/220px-Guava_ID.jpg |
Kalimbahin*
Louise Vincent B. Amante
Ako ang maasim na bunga
Sa may mapapaklang dila.
Nakatitiyak namang
Sa bitamina C ay sagana.
Idura man
Ang mga buto ko,
Tiyak na punla
Ang mga ito sa lupa.
Halos sandaang araw
Bago pa mamunga
Ang pinagmulan kong puno?
Hindi sumipot ang bayan
Nang biglaan.
Lumilipas ang mga bagyo,
Napapawi ang panahong mainit.
Laging may aliwalas
Ang liwanag ng araw
Tuwing bagong umaga.
8 Oktubre 2021
*𝒌𝒂𝒍𝒊𝒎𝒃𝒂𝒉𝒊𝒏 - pink; uri ng bayabas na may mga butóng nakabaón sa lamukot na kulay pink; 𝑣𝑎𝑟. kalumbahín (Sanggunian: 𝑈𝑃 𝐷𝑖𝑘𝑠𝑖𝑦𝑜𝑛𝑎𝑟𝑦𝑜𝑛𝑔 𝐹𝑖𝑙𝑖𝑝𝑖𝑛𝑜, edisyong 2010).
Tuesday, September 28, 2021
Isang mataas at maalab na pagpupugay sa iyo, Sir Bien!
Ang may-akda at si Likha kasama si Sir Bienvenido Lumbera (nasa kanan) sa auditorium ng Miriam College, 2014. |
Dalawang ulit kong naging guro si Sir Bienvenido Lumbera sa graduate courses sa UP Diliman. Pero wala akong larawan kasama siya. Ang mayroon lang kami ay ang kuhang ito ni Margie noong 2014 sa 𝑯𝒊𝒏𝒂𝒃𝒊𝒏𝒈 𝑯𝒂𝒓𝒂𝒚𝒂 ng The Raya School na ginanap sa auditorium ng Miriam College sa Katipunan Avenue, Quezon City. Sa Raya pa noon nag-aaral ang dalawa niyang apo.
Una kong nakausap si Sir Bien noong 2003 sa isang event ng Concerned Artist of the Philippines. Di ko na maalala ang naging talakayan. Pero naalala kong kipkip niya ang isang maliit na aklat na ang pamagat ay 𝑀𝑎𝑜 𝑜𝑛 𝐿𝑖𝑡𝑒𝑟𝑎𝑡𝑢𝑟𝑒 𝑎𝑛𝑑 𝐴𝑟𝑡 nang akin siyang kausapin.
Sumunod ay sa La Salle-Manila, 2008. Nakabilang ako noong 2006 sa Departamento ng Filipino dito. Inilunsad noong 2007 ang Seryeng Panayam 2007-2008: Bienvenido Lumbera. Isa ako sa sampung nagsalita sa seryeng panayam na ito. Naging paksa ko ang omnibus na pelikulang 𝑰𝒎𝒂𝒉𝒆𝑵𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏 (2006) gamit ang naging mga pagdadalumat ni Sir Bien ukol sa pelikulang Filipino. Binanggit ko ritong ang bawat maikling pelikula sa 𝑰𝒎𝒂𝒉𝒆𝑵𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏 ay binubuo ang imahen ng nasyon sa loob ng 20 taon matapos ang pag-aalsang Edsa 1. Isa ang aking maikling lektura na nagpaparangal sa mga naiambag ni Sir Bien sa kritika ng pelikulang Filipino bukod pa sa wika at panitikan. Marso 2008 ay nagbigay siya ng omnibus na tugon para sa sampung panayam.
Naging pormal na akong estudyante ni Sir Bien noong 2013 at 2018. Parehong mga penalty course ko sa graduate school. Mga dalawang meeting lamang ang kanyang lektura tapos kami namang mga estudyante niya ang mag-uulat. Kapag hindi ka handa, naku po, masasabon ka nang wala sa oras! Uuwi kang hindi nabanlawan! Sa una kong salang, hayun, nakaranas ako. Sabi ko sa sarili, babawi ako. Sa ikalawa, naibigay ko rin ang hinahanap niya sa pag-uulat ng paksa. May isang klase ako sa kanya na tatlong papel agad ang ipapasa. Paspas na pagsusulat. Araw na ng pasahan: pasa na. Paglipas ng isang linggo, nagkita na ulit kami sa klase. Isinauli niya ang mga papel namin. Tatlong 1.0 ang natanggap ko. Bawing-bawi na ako! 🙂
Sa gitna ng mga ito ay pagkikita namin sa ilang mga forum, book launching, at ang minsang panonood sa "Rak of Aegis" sa PETA Center.
Ang huling kita ko kay Sir Bien ay noong huling bahagi ng 2019 sa isang event sa UP. Sabi ko'y malapit ko nang matapos ang aking graduate thesis. Sabi niya, "Mabuti naman at nang makapag-research ka na ng gusto mo. Marami pang kailangang i-research." Ang simpleng tugon ko: Yes, Sir!
Pumanaw si Sir Bien kaninang umaga (Setyembre 28, 2021). Pakikiramay sa kanyang minamahal na pamilya. Pati na rin sa mga naging estudyante niya at kasama sa pakikibaka tungong panlipunang katarungan.
Isang mataas at maalab na pagpupugay sa iyo, Sir Bien!
Monday, August 30, 2021
Home-made Frappucino
Imahen galing sa https://addapinch.com/wp-content/uploads/2012/10/Homemade-Frappuccino-DSC_0560-2.jpg |
Home-made Frappucino
Louise Vincent B. Amante
Mga sangkap:
1/2 tasang almond milk na binili sa sosyaling supermarket
1/2 tasang mainit na tubig na galing sa sosyal na mineral water station
hazelnut coffee na galing Singapore
choco syrup na galing New York
whipped cream na galing sa Italy
Panuto:
1. Timplahin ang hazelnut coffee sa 1/2 tasang mainit na tubig. Haluing mabuti. Siguruhing kaya mong paghaluin ito. Pwede ring ipagawa sa inyong maid.
2. Ihalo ang 1/2 tasang almond milk. Tiyaking hindi expired ang gatas. Ipabasa kay Yaya ang expiration date.
3. Mag-swirl ng choco syrup sa isa pang baso. Dapat ay perfect ang pag-swirl. Remember the threads of a screw.
4. Ilipat ang pinaghalong inumin sa baso na may choco syrup. Dahan-dahan sa pag-pour ng coffee. Enjoyin . . . ang bawat segundo.
5. Idagdag ang whipped cream sa ibabaw ng inumin. Dapat ay instagrammable ang moment.
6. Inumin at mahalin ang sarili. You've surpassed a struggle.
29 Agosto 2021
Monday, August 23, 2021
The Torchbearer
Louise Vincent B. Amante
Your vision
is also our own.
Before the straight path
was spoken of, you walked on it;
embodied it even –
not as your own –
with us in your mind and heart.
Nobody could ever pull you
from treading on that path.
It is because you set foot there
and on that road
you are holding that torch.
Your grip is tight,
securely holding it to light
the cauldron
of our dreams.
You are not Prometheus,
many times you have declared this to us.
I am just a servant.
What a lowly servant you are!
Leaving a trail of footsteps
in our hearts.
But, Torchbearer,
you haven’t reached the cauldron.
Lay now in peace,
Torchbearer.
The flame you bring
ignited us to believe again
in our dreams.
08/23/2012
*for Sec. Jesse Robredo, 1958-2012
Friday, August 20, 2021
Pandemic Kiss
Louise Vincent B. Amante
so they say.
kisses.
all of us are at risk.
caress every breath
slipping out
s p a c e s
we speak.
and nose,
block the virus
from harming our body.
our face masks
are the slightest
memories
we protect.
We still see
eye to eye,
an opening
we won't cover.
Thursday, August 19, 2021
Tindig
Nagtatayugan ang mga itinitindig na mga gusali.
Posibleng condominium,
na may ilang residential units
at office spaces.
O may ilang office spaces
at maraming residential units.
O kaya'y maraming office spaces
at ilang residential units.
Mga kwadradong butas
na nagpatong-patong
na mapupunô
ng mga bintanà
paglipas ng ilang araw.
Muling maririnig ang pukpok ng mga martilyo,
ng mga angil ng grinder,
ng pingkian ng bakal at welding machine,
ng pag-ikot ng crane machine,
ng naghahalong cement mixer,
ng mga construction worker
na kanina'y nakapag-siesta--
kahit kaunti--
sa itinatayo nilang condominium.
Quezon City
Esensyal
Kuha ng may-akda habang naghihintay sa Cinema '76 Cafe sa Aurora Blvd. Anonas, Quezon City |
Louise Vincent B. Amante
Dumampot sa mga estante
ng tisyu, sabon,
kape, gatas, juice, asukal,
sardinas, tuna, corned beef,
luncheon meat, mushrooms,
spaghetti, macaroni,
butter, margarine,
tasty bread, biskwit.
Isakay lahat sa push cart.
Pumila sa counter.
Magtiis kahit kaunti.
Hep! Iwasang gumamit ng cellphone
at tumingin sa facebook
o instagram.
Bumasa ng libro, mayroon
dapat niyan sa bag.
isakay na sa kotse ang mga pinamili.
I-disinfect na agad
gamit ang UV light.
hanggang sa matapos
ang pagdi-disinfect.
Maglakad sa coffee shop.
Mabuti't may al fresco dining.
Umorder ng mocha frappe.
(Siguruhing hindi ito fake.)
Basahin ulit ang baon na libro.
Nawala ang lamig ng inumin.
Nabusog naman ang isip.
August 17, 2021
Sunday, August 15, 2021
An Elephant in the Room
Image from https://www.listeningpays.com/wp-content/uploads/2013/07/ELEPHANT-IN-THE-ROOM-1.jpg |
There's an elephant in the room.
But I do not see it. I see the angpao
--given by my godfather a few years ago --
on my writing table. Someone
opened it and left the evidence.
But I do not hear it. I hear the heavenly
dripping of the coffee from the coffee maker.
Every drip is a note from an angel's lyre,
waking the sleeping mind from a now forgotten dream.
But I do not know it's scent. Does it smell
like a pigsty? A hen house? A loafing shed?
What I smell is the fragrance of sweet rain outside,
bathing the concrete houses and their colorful roofs.
But I do not eat bushmeat. If there's any chance,
I won't. I will not also buy ivory products.
The elephant is critically endangered.
That is enough reason.
It lingers, waiting there in the corner.
Don't you fret, I will write about it.
Quezon City
Saturday, August 14, 2021
Tutubi, Tutubi . . .
Larawan galing sa https://www.thoughtco.com/thmb/R-bZC8zaMhmLPQSVBydZ5NnRigA=/1500x844/smart/filters:no_upscale()/Dragonfly-58d94b2c5f9b584683b7b5d9.jpg |
Saan dumapo ang tutubi?
ng katalik ang tutubi.
𝑀𝑎𝑟𝑎𝑚𝑖 𝑛𝑎 𝑎𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎𝑛𝑔
𝑡𝑢𝑡𝑢𝑏𝑖 𝑠𝑎 𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑘𝑜.
𝑇𝑢𝑡𝑢𝑏𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑟𝑎𝑦𝑜𝑚,
𝑡𝑢𝑡𝑢𝑏𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑙𝑎𝑏𝑎𝑤 . . .
tapos, pipilasin
ang mga pakpak,
isisilid sa garapon . . .
Thursday, August 12, 2021
Pag-uwi
Sumakay ka sa likod ni Spider-man
Nang makita niyang kumakaway
Ka sa loob ng masikip na MRT.
Mabilis kang nakauwi sa bahay
Dahil sa kanya. Pagbukas mo ng TV,
Laman ka ng balita.
Pero ang naghatid pala sa iyo
Ay si Batman.
Lungsod Quezon
Tuesday, August 10, 2021
Silid 401, Vinzons Hall
anilang mga tumatanaw
dito na namamangha.
Ngunit ang mga tao
na miminsang pumasok
at lumabas dito'y
higit pa sa kanilang mga byline.
ang mga balita
at lathalain
tungkol sa naghihikahos
na mga gwardya
at janitor
ng pamantasan,
ang paikot-toki
na byahe ng mga drayber
para sa papalit-palit na ruta
nila sa loob ng kampus,
ang mga instruktor
at propesor
na nanlilimos ng tenure
kahit higit pa sa may Ph.D.
ang kanilang mga saliksik.
at kinunan ng mga litratista
ang mga barker sa Philcoa
at Katipunan,
si Zorro sa Sunken Garden,
ang Lagoon,
ang magkasintahan
sa UP Fair,
ang papalubog na araw
sa harap ni Oblê,
ang mga rali at demo,
ang mga naging pangulo
at mga sinunog na effigy nila.
binuno
sa mga lumang kompyuter
at pupugak-pugak
na printer,
sa pagitan ng mga yosi
at ilang tasa ng kape.
Isama na ang Empi
pati gin bilog.
ng pahayagan
sa mga bulwagan,
binabasa
ng mga mag-aaral
ang mga artikulong
hindi malalathala
na naganap
sa labas
ng Silid 401, Vinzons Hall.
Quezon City
Monday, August 9, 2021
Palaisipan
Larawan mula sa https://icebreakerideas.com/wp-content/uploads/2019/04/Trick-Questions-IcebreakerIdeas-e1603592906653.jpg |
Palaisipan
Paano kung hindi ka makakita?Wala nang pangit para sa iyo.
Ang ganda siguro ng buhay, ano?
Paano kung hindi ka makarinig?
Wala nang maingay para sa iyo.
Ang ganda siguro ng buhay, ano?
Paano kung hindi ka makaamoy?
Wala nang mabaho para sa iyo.
Ang ganda siguro ng buhay, ano?
Paano kung hindi ka makakain?
Wala nang gigilingin ang tiyan mo.
Ang ganda siguro ng buhay, ano?
Paano kung hindi ka makapag-isip?
Wala nang problemang darating sa iyo.
Ang ganda siguro ng buhay, ano?
Paano kung hindi ka makasalita?
Wala nang makikinig sa iyo.
Ang ganda siguro ng buhay, ano?
Paano kung hindi ka magmahal?
Wala nang uunawa sa iyo.
Ang ganda siguro ng buhay, ano?
Agosto 9, 2021
Quezon City
Saturday, August 7, 2021
Pandesal
Pandesal
Louise Vincent B. AmantePandesal na bagong luto
at kalahating Dari Creme
na binili sa Ma-Jusay
sa tapat ng munisipyo.
Pipilasin ang tinapay,
ipapahid sa mantekilya.
Kagat . . . nguya . . . lunok . . .
Buhay na ang dugo
naming magbabarkada.
Handa na uling gumawa
para sa mahal na parokya.
Lungsod Quezon
Friday, August 6, 2021
Gitara
Mula ang larawan sa https://thekevinpableo.files.wordpress.com/2020/05/stickerhappy-1.jpg?w=723&h=485
Gitara
Louise Vincent B. Amante
Kinandong ko ang gitarang
binili ni Tatay sa naglalakong matanda.
Di ko alam kung bakit napabili si Tatay,
matamis kaya ang dila ng nagbebenta?
Tinipa-tipa ko ang kuwerdas.
Binuklat ko ang chord chart
na nasa songhits ni Ate.
Di lumalapat ang mga daliri ko
para mapatunog ang A chord.
Sumasabit ako sa pag-istram.
Inulit ko nang inulit, wala pa rin.
Paano nga ulit ang D, E, C, at G?
Madali lang ang E minor, A minor, D minor.
Saka na ang F, F#, G#, Bb, B, C#, at Eb.
Isinilid ko muna sa case ang gitara.
Dinala ko kina Kuya Ely.
Kinuha niya sa case ang gitara at itinono.
Tumipa siya ng G chord. Tapos ay C.
Apat na kumpas kada chord. Inulit ang pattern.
"O, pare ko . . ."
Saka ako natutong magmurá.
Agosto 6, 2021
Lungsod Quezon
Wednesday, August 4, 2021
"Isang Hiwaga" ni Wendy Cope
Larawan mula sa https://i.gr-assets.com/images/S/compressed.photo.goodreads.com/books/1335591885l/13624889.jpg |
Isang Hiwaga
ni Wendy Cope
Sabi ng mga tao, ‘Ano’ng mga ginagawa mo ngayon? Ano’ng
mga
Kiniliti ako ng tanong. Ano ngang mga ginagawa ko
ngayon?
Kakatwang hindi ko nababatid.
Ngayon naman, siyang tunay, ginagawa ko ang tulang
ito,
Ilang taludtod na lang ang idudugtong ko.
Ngunit bukas may magtatanong uli, ‘Ano’ng mga ginagawa
Salin ni Louise Vincent B. Amante
Cope, Wendy. “A Mystery.” If I Don’t Know, Faber & Faber, 2001, p. 24.
Wednesday, June 30, 2021
"Sumunod sa batas, kahit ito'y mali o ikaw" ni Fernando Pessoa (a.k.a. Ricardo Reis)
Sumunod sa batas, kahit ito'y mali o ikaw
ni Fernando Pessoa (a.k.a. Ricardo Reis)
Sumunod sa batas, kahit ito'y mali o ikaw.
Maliit ang magagawa ng tao labas sa kanyang sarili.
Hamo na ang kawalang-katarungan.
Ang di mo mababago'y magbabago rin.
Ang kaharian mo'y ang binigay sa iyong isip,
At dito'y alipin ka ng Kapalaran at mga Diyos.
Nakapaghahari ang isip sa hangganang
Kusa ng iyong pakikiwari.
Kahit sakop doon, maipagyayabang mo pa rin
Sa iyong mga mananakop: Tadhana at mga dakilang diyos.
Hindi ka dalawang ulit na nadaig
Ng pagkatalo at pagkamedyano.
Kaya batid ko na. At ang minadaling hustisya
Na sinusubok nating ipang-ampat
Ay aking itinatakwil, tulad ng nangingialam
Na alipin, sa aking isip.
Paano ako, na hindi pinamumunuan ang sarili,
Na mamumuno o magpapasiya sa magaganap
Sa aking isip at katawan
Na isa lamang ngunit maliit na bahagi?
Hayaang kasapata'y sumapat sa akin at iba pa'y umikot
Sa nakatadhanang orbita, gaya ng pinagagalaw ng mga diyos:
Mga araw, mga gitna,
Mga alipin ng malawak na patuloy na pagbabago.
29 Enero 1921
*Salin sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante
Thursday, June 24, 2021
Mga Diona Alay kay Supremo (Tulaan sa Facebook 2013 ng LIRA)
Tinadtad ka man noo't
sa lupa'y di binaon,
layon mo'y buhay ngayon
06/24/2013
2. Dapat Mabatid
'Yong tabak at panulat
magkasanggang matapat
kaya katwira'y dapat.
06/27/2013
3. Ang Kalayaan
Peryodikong nilimbag,
paralumang liwanag
sa mga nabubulag.
06/30/2013
4. Abaniko
Ang abanikong hawak
matapos iwasiwas
ay gulok na matalas. 06/30/2013
Tuesday, June 15, 2021
Ichthus
Larawan ni Nicole Marionette De Castro, mula sa Twitter account ng St. Clement Parish (@scpangono). Link ng larawan: https://twitter.com/scpangono/status/1065783484608696321/photo/1 |
Ichthus* Louise Vincent B. Amante
San Clemente, Pintakasi
Larawan ni Nicole Marionette De Castro, mula sa Twitter post ng St. Clement Parish (@scpangono). Link sa larawan: https://twitter.com/scpangono/status/1065783484608696321/photo/1 |
San Clemente, Pintakasi*
Angklang bago at makinis,
Hudyat itong mapapatíd
Ang hininga mo ng tubig.
Taon-taon sa ‘yong rilag.
Mula sa pusod ng dagat,
Itong himala’y namalas.
Di ang tiara sa ‘yong ulo
Kundi pag-ibig mong puro
Umabot sa bayang ito.
Angono ang tanging ngalan
Sa lupa’t tubig nabuhay
Kami dahil sa ‘yong gabay.
Ng pagodang matataas
Palamuti’y banderitas
Sa lawaang kumikislap.
Ng kambas, mga awitan.
Sining ng baya’y yumaman
Sagana sa bagay-bagay.
Mga salitang mabuti’t
Higit sa mga brilyante:
San Clemente, Pintakasi. #
*Kabilang sa SAMBANGKA: 15 Tula, proyektong koleksiyon ng mga tula/awit ng Angono Tres-Siete (3/7) Poetry Society para sa pamimintuho sa Mahal na Patrong San Clemente at ambag sa panawagang maituring na diocesian shrine ang Parokya ni San Clemente sa Angono, Rizal. Unang nilimbag sa facebook page ng Angono Rizal News Online, 6 Hunyo 2021.
Wednesday, May 26, 2021
𝐁𝐨𝐛 𝐃𝐲𝐥𝐚𝐧 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐂𝐨𝐧𝐯𝐞𝐧𝐭𝐢𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟏
Sunday, May 23, 2021
"Tugma" ni Robert Pinsky
Tugma
Robert Pinsky
Hangin ay instrumento ng dila,
Ang dila'y kagamitan
Ng katawan, ang katawan
Ay instrumento ng kaluluwa,
Ang kaluluwa'y nilalang ng hangin.
Daluyan ang ibon ng kanyang awit.
Ang awit ay daigdig, isang sisidlan
Tulad ng kuwarto ng otel, handa
Sa ating mga panauhing magmamana
Roon ng sisidlan ng panahon.
Sa Cornell box, kasama
Ng efímera bilang sangkap,
Ang mëkhing na ibon–isang pag-aaral
Ng dagling dung-aw, ang gaya-gayang
Sining, patay sa sulok ng kanyang daigdig.
Ang silid isang saknong tuntungan
Sa hagdang-hibla
Inakyatan ng mga mabuway
Isinilid na mga tinig na nakikisuno
Bawat isa'y bumibigkas Narito rin ako–
Sa isang silid, isang tugma, isang awit.
Sa mga kahon, sa mga aklat: bawat sangkap
Isang kagamitan, ang katawan
Pinipilit na gagarin
Ang kaluluwa, nilalang ng hangin.
Salin sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante
mëkhing - (Ibaloi) pinatuyong katawan ng patay, mummy sa Ingles
dung-aw - (Iluko) awit papuri sa isang yumao
Mula sa: Pinsky, Robert. "Rhyme" from Gulf Music. Farrar, Straus and Giroux, 2007. p. 49-50.
Thursday, April 22, 2021
Tatlong Tanaga
Louise Vincent B. Amante
1. 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗹𝗶𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗕𝗮𝗴𝗮𝘆
Maliliit na bagay
na kapag hinayaan,
lumalaking tunay
na sa iyo'y papatay.
2. 𝗞𝗮𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻
Pansit, puto, menudo . . .
Hapag-kainang puno
Sa biyaya ng lupa,
Santaong tiniyaga.
3. 𝗕𝗶𝗴𝗹𝗮
Dumilat na'ng bombilya
Sa poste. Isang saglit,
Kumidlat. Napapikit
Ang dumilat kanina.
21 Marso 2021
Lungsod Quezon
Monday, April 19, 2021
Tungkol sa Community Pantry at Pagsasalin
Dumarami na ang community pantries sa Luzon, na inaasahang bubukal din sa buong Pilipinas. Ayon kay Dr. Aurora E. Batnag*, magandang isalin bilang 𝘱𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯. Dagdag naman ni Dr. Antonio P. Contreras**, mahusay din ang salin na 𝘩𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯.
Thursday, April 1, 2021
Isip-lugaw
Isip-lugaw
ni Louise Vincent B. Amante
Galit na galit sila sa babaeng binansagan nilang lugaw mag-isip. Nang tumakbo kasi siya noong eleksyong 2016, nagbenta ng lugaw ang kanyang team para mapondohan ang kanyang kampanya.
Teka, ano ba'ng meron sa lugaw?
Sa kaserola, ginisa ang bawang, luya, at sibuyas na puti; dinagdagan ng bahaw, hinalong parang nagsasangag. Saka ibinuhos ang tubig para magkasabaw. Hinalo ulit hanggang sa lumapot ito. Binudburan ng asin, pwede ring patis. Mas masarap kapag may nilagang itlog. Budbod uli ng pinritong bawang at dahon ng sibuyas.
Madali namang lutuin lugaw. Kapag ibinenta, mura lang ang presyo. Ang isang taong gutom, makakabili agad nito. Kaya umusbong ang sawikaing tubong-lugaw. Mura ang puhunan, malaki ang kita.
Lugaw din ang ipinakakain sa isang maysakit. Pampainit din ito ng sikmura habang naghihintay sa ospital kung ang kanyang dinalang kaanak na nilalapatan ng lunas ay makauuwi o iko-confine.
Ngunit kung ang lugaw ay malabnaw, maiinis kang kainin ito. Halatang minadali ang pagluluto. Gin-short cut ang proseso. Kahit inumin mo na ang mangkok, napipilitan ka na lang na ubusin ito.
Laman ng social media ang isang video ng food delivery rider na pinigil ng mga nakabantay na barangay tanod. Ide-deliver niya ang lugaw sa isang residente ng barangay. Sabi ng tanod, hindi na siya maaaring pumasok sa barangay dahil curfew na ng ala-sais ng gabi. Nasa enhanced community quarantine ang tinawag na NCR plus: National Capital Region kasama ang mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna. May curfew pa simula Marso 29 hanggang Abril 4, ala-sais ng gabi hanggang ala-singko ng madaling-araw. Ito'y dahil sa tumaas muli ang mga kaso ng Covid-19 dito.
Sinabi ng rider na pagkain ang dala niya. Sabi ng tanod, hindi essential na pagkain ang lugaw. "Mabubuhay ang tao kahit walang lugaw. Ang essential, tubig, gatas, grocery." Idinahilan ng rider na pagkain ang lugaw. Ipinilit ng tanod ang rason niya, sabay pakita ng listahan na kung alin ang essential goods.
Humirit pa ang isang opisyal na tama lang ang ginawa ng tanod. "Hindi essential SI LUGAW." Halata namang ang pinatutungkulan ay ang babaeng opisyal binansagan nila ng gayon nga. Pero di nila nakikita ang mga sarili na palpak sa mahigit isang taong remedyo sa pagsupil sa Covid-19. At ang sinisi ay ang mga taong nagkakasakit na't napipilitang kumayod pa rin para hindi sila mamatay nang dilat ang mata.
Ano nga uli ang isip-lugaw? Kapag walang sentido komun ang isang tao, ipipilit niya ang rason niyang nakatungtong sa malabnaw niyang isip.
Tuesday, March 23, 2021
"Nagbabago ang Lahat" ni Bertolt Brecht
Larawan mula sa https://chaszak.files.wordpress.com/2013/10/bertolt_brecht.jpg |
Nagbabago ang Lahat*
Bertolt Brecht
Nagbabago ang lahat. Makapagsisimula
Kang muli sa huli mong hininga.
Ngunit ang nangyari ay nangyari na. At ang tubig
Na ibinuhos mo sa alak ay hindi na
Masasala.
Ang nangyari ay nangyari na. Ang tubig
Na ibinuhos mo sa alak ay hindi na
Masasala, ngunit
Nagbabago ang lahat. Makapagsisimula
Kang muli sa huli mong hininga.
*Salin sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante
Marso 23, 2021
Mula sa:
Brecht, Bertolt. Poetry and Prose. Edited by Reinhold Grimm with collaboration of Caroline Molina y Vedia. New York: Continuum, 2003. 124.
Wednesday, March 17, 2021
Tatlong Tanaga
1. Uripong tinimawa
Sinulat ni Pigafetta
Sa kanyang abentura
Uripong tinimawa:
Si Enrique Malacca.
2. Webinar
Dumalo't nakikinig
Sa webinar na required.
Ang nasasa ulirat:
Ipi-print na certificate.
3. Bigla
Dumilat na'ng bombilya
Sa poste. Isang saglit,
Kumidlat. Napapikit
Ang dumilat kanina.
17 Marso 2021
Lungsod Quezon