Wednesday, May 26, 2021

𝐁𝐨𝐛 𝐃𝐲π₯𝐚𝐧 𝐏𝐑𝐒π₯𝐒𝐩𝐩𝐒𝐧𝐞 π‚π¨π§π―πžπ§π­π’π¨π§ 𝟐𝟎𝟐𝟏




Sari-saring aklat at magasin tungkol kay Bob Dylan. Tatlo ang tanging nilikha ni Dylan: Tarantula (1971), Chronicles, Volume 1 (2004), at Bob Dylan: The Lyrics, 1961-2012 (2016; unang edisyon, 2004). Kuha ng mananaysay ang larawan.
𝐁𝐨𝐛 𝐃𝐲π₯𝐚𝐧 𝐏𝐑𝐒π₯𝐒𝐩𝐩𝐒𝐧𝐞 π‚π¨π§π―πžπ§π­π’π¨π§ 𝟐𝟎𝟐𝟏
Dahil birthday ni Bob Dylan kahapon... πŸŽ‚πŸ₯‚

Napa-Zoom meeting kami kagabi, lampas 8pm, nina Abet, Gat Mizael, Von, Rene "Bong" Acosta, at Sir Ociredef Zeugnimod a.k.a. Boy D(ylan). Nagsimula lang ito sa isang thread sa aking FB post ng isang linya mula "Ballad of A Thin Man" ni Dylan. (Narito ang link: https://bit.ly/2RBKRdj)
Sinimulan namin ang huntahan sa pag-ukilkil sa kantang "My Own Version of You" ni Dylan na kasama sa pinakahuli niyang album, ang π‘…π‘œπ‘’π‘”β„Ž π‘Žπ‘›π‘‘ π‘…π‘œπ‘€π‘‘π‘¦ π‘Šπ‘Žπ‘¦π‘  (2020). Suhestiyon ito ni Abet bago pa ang Zoom meeting. Di ko napapansin ang lyrics pero babad si Abet sa pag-aaral nito. Habang binabasa ko ang lyrics, makikitang pilosopikal pa rin ang MamΓ . Ang una ko pang tingin dito, may pa-impress dahil sa kapapanalo pa lang niya ng Nobel Prize noong 2016. At itong π‘…π‘œπ‘’π‘”β„Ž π‘Žπ‘›π‘‘ π‘…π‘œπ‘€π‘‘π‘¦ π‘Šπ‘Žπ‘¦π‘  ang pinakauna niyang album ng mga orihinal na kanta mula 2012. Pero sa huntahan namin, consistent si Dylan mula pa 1960s sa kanyang pilosopiya na madudukal sa kanyang mga kanta. Mula sa π‘‡β„Žπ‘’ πΉπ‘Ÿπ‘’π‘’π‘€β„Žπ‘’π‘’π‘™π‘–π‘›' π΅π‘œπ‘ π·π‘¦π‘™π‘Žπ‘› (1962) hanggang sa π‘‡π‘’π‘šπ‘π‘’π‘ π‘‘ (2012), solido siya sa paghahapag ng taguri niyang "mathematical music" na sa palagay ko'y bansag niya sa kanyang pagiging intelektwal, aminin man niya o hindi.
Syempre, may mga performances ala-Dylan. Si Von na kumakalabit ng gitara ang tumira ng "Buckets of Rain" at "Tomorrow is A Long Time" sa pagitan ng huntahang papunta na sa cerebral na usapan. Siya lang ang may tinotoma. Sari-sari ang pinuntahan namin, mula folk revival na sinimsim ni Dylan noong unang bahagi ng 1960s sa Estados Unidos, sa pag-electrify niya mula 1965 na kinainis ng mga puristang folkie at "fellow traveler," sa awtobiyograpiya ng π΅π‘™π‘œπ‘œπ‘‘ π‘œπ‘› π‘‘β„Žπ‘’ π‘‡π‘Ÿπ‘Žπ‘π‘˜π‘  (1976), sa Christian-inspired na π‘†π‘™π‘œπ‘€ π‘‡π‘Ÿπ‘Žπ‘–π‘› πΆπ‘œπ‘šπ‘–π‘›π‘” (1979) hanggang sa pagtiwalag dito sa 𝐼𝑛𝑓𝑖𝑑𝑒𝑙𝑠 (1983), sa selebrasyon ng mga katropang artist sa kanyang 30π‘‘β„Ž π΄π‘›π‘›π‘–π‘£π‘’π‘Ÿπ‘ π‘Žπ‘Ÿπ‘¦ πΆπ‘œπ‘›π‘π‘’π‘Ÿπ‘‘ πΆπ‘’π‘™π‘’π‘π‘Ÿπ‘Žπ‘‘π‘–π‘œπ‘› (1993), hanggang sa kanyang creative rebirth na produkto ng π‘‡π‘–π‘šπ‘’ 𝑂𝑒𝑑 π‘œπ‘“ 𝑀𝑖𝑛𝑑 (1997).
Di lang kami napakΓ² kay Dylan. Napag-usapan din ang ilang sitwasyong pangkultura ng bansa, mula sa painting at musika. Dahil yumayaman na ang talakayan, kulang na lang ay magtayo kami ng pormal na Dylan convention dito sa Pilipinas. ☺
Dahil kumakatok na ang hatinggabi, ni-request ko kay Von ang ending song, ang "All Along the Watchtower." Sinasabayan namin si Von sa pag-awit.
Umaalingawngaw sa hangin ang himig ni Bob Dylan.
(Hindi ko na-screenshot ang huntahan. Sayang. Kaya ito na lang ang larawan sa itaas. Naiskor ko ang lahat ng aklat at magasin sa iba-ibang branch ng Booksale at mobile second-hand bookshop sa UP. Ang unang edisyon ng π΅π‘œπ‘ π·π‘¦π‘™π‘Žπ‘›: π‘‡β„Žπ‘’ πΈπ‘ π‘ π‘’π‘›π‘‘π‘–π‘Žπ‘™ πΌπ‘›π‘‘π‘’π‘Ÿπ‘£π‘–π‘’π‘€π‘  ay nabili ko kay Sir Marcus A. Tanging πΆβ„Žπ‘Ÿπ‘œπ‘›π‘–π‘π‘™π‘’π‘ , π‘‰π‘œπ‘™π‘’π‘šπ‘’ 1 ang brand new na binili ko.)

No comments:

Post a Comment