Wednesday, August 4, 2021

"Isang Hiwaga" ni Wendy Cope

Larawan mula sa https://i.gr-assets.com/images/S/compressed.photo.goodreads.com/books/1335591885l/13624889.jpg

 

Larawan ni Wendy Cope. Mula sa https://i.guim.co.uk/img/static/sys-images/Guardian/Pix/pictures/2014/11/11/1415711497882/b6c708f0-06ca-4148-865e-d561e17a398b-2060x1236.jpeg?width=1200&height=630&quality=85&auto=format&fit=crop&overlay-align=bottom%2Cleft&overlay-width=100p&overlay-base64=L2ltZy9zdGF0aWMvb3ZlcmxheXMvdGctZGVmYXVsdC5wbmc&s=12734368d22e0b7987640b0f4f969370


Isang Hiwaga
ni Wendy Cope

Sabi ng mga tao, ‘Ano’ng mga ginagawa mo ngayon? Ano’ng mga

            pinagkakaabalahan mo?’
Napaisip ako bigla.

Kiniliti ako ng tanong. Ano ngang mga ginagawa ko
            ngayon?
Kakatwang hindi ko nababatid.

Ngayon naman, siyang tunay, ginagawa ko ang tulang ito,
Ilang taludtod na lang ang idudugtong ko.

Ngunit bukas may magtatanong uli, ‘Ano’ng mga ginagawa

            mo ngayon? Ano’ng mga pinagkakaabalahan mo?’
At di ko pa rin ang alam ang sagot.

 

Salin ni Louise Vincent B. Amante

Cope, Wendy. “A Mystery.” If I Don’t Know, Faber & Faber, 2001, p. 24.

No comments:

Post a Comment