Ang may-akda at si Likha kasama si Sir Bienvenido Lumbera (nasa kanan) sa auditorium ng Miriam College, 2014. |
Dalawang ulit kong naging guro si Sir Bienvenido Lumbera sa graduate courses sa UP Diliman. Pero wala akong larawan kasama siya. Ang mayroon lang kami ay ang kuhang ito ni Margie noong 2014 sa π―πππππππ π―πππππ ng The Raya School na ginanap sa auditorium ng Miriam College sa Katipunan Avenue, Quezon City. Sa Raya pa noon nag-aaral ang dalawa niyang apo.
Una kong nakausap si Sir Bien noong 2003 sa isang event ng Concerned Artist of the Philippines. Di ko na maalala ang naging talakayan. Pero naalala kong kipkip niya ang isang maliit na aklat na ang pamagat ay πππ ππ πΏππ‘ππππ‘π’ππ πππ π΄ππ‘ nang akin siyang kausapin.
Sumunod ay sa La Salle-Manila, 2008. Nakabilang ako noong 2006 sa Departamento ng Filipino dito. Inilunsad noong 2007 ang Seryeng Panayam 2007-2008: Bienvenido Lumbera. Isa ako sa sampung nagsalita sa seryeng panayam na ito. Naging paksa ko ang omnibus na pelikulang π°πππππ΅πππππ (2006) gamit ang naging mga pagdadalumat ni Sir Bien ukol sa pelikulang Filipino. Binanggit ko ritong ang bawat maikling pelikula sa π°πππππ΅πππππ ay binubuo ang imahen ng nasyon sa loob ng 20 taon matapos ang pag-aalsang Edsa 1. Isa ang aking maikling lektura na nagpaparangal sa mga naiambag ni Sir Bien sa kritika ng pelikulang Filipino bukod pa sa wika at panitikan. Marso 2008 ay nagbigay siya ng omnibus na tugon para sa sampung panayam.
Naging pormal na akong estudyante ni Sir Bien noong 2013 at 2018. Parehong mga penalty course ko sa graduate school. Mga dalawang meeting lamang ang kanyang lektura tapos kami namang mga estudyante niya ang mag-uulat. Kapag hindi ka handa, naku po, masasabon ka nang wala sa oras! Uuwi kang hindi nabanlawan! Sa una kong salang, hayun, nakaranas ako. Sabi ko sa sarili, babawi ako. Sa ikalawa, naibigay ko rin ang hinahanap niya sa pag-uulat ng paksa. May isang klase ako sa kanya na tatlong papel agad ang ipapasa. Paspas na pagsusulat. Araw na ng pasahan: pasa na. Paglipas ng isang linggo, nagkita na ulit kami sa klase. Isinauli niya ang mga papel namin. Tatlong 1.0 ang natanggap ko. Bawing-bawi na ako! π
Sa gitna ng mga ito ay pagkikita namin sa ilang mga forum, book launching, at ang minsang panonood sa "Rak of Aegis" sa PETA Center.
Ang huling kita ko kay Sir Bien ay noong huling bahagi ng 2019 sa isang event sa UP. Sabi ko'y malapit ko nang matapos ang aking graduate thesis. Sabi niya, "Mabuti naman at nang makapag-research ka na ng gusto mo. Marami pang kailangang i-research." Ang simpleng tugon ko: Yes, Sir!
Pumanaw si Sir Bien kaninang umaga (Setyembre 28, 2021). Pakikiramay sa kanyang minamahal na pamilya. Pati na rin sa mga naging estudyante niya at kasama sa pakikibaka tungong panlipunang katarungan.
Isang mataas at maalab na pagpupugay sa iyo, Sir Bien!
No comments:
Post a Comment