As the last day of the month is nearing its end, I am just wondering again why February only has 28 days.
Good thing during this time is the Internet. With just a click away, we can know the answer to any questions we dare ask ourselves. :-) I googled the word "February" and found many sites offering information about my query.
But years before, when voluminous encyclopedia still rule any modest household, I go to my friends' houses and ask permission to browse over their big books of knowledge. Without a set of encyclopedia in our house, it seems that the family that I belong to ain't that rich. :-(
I remember that my first serious reading of an encyclopedia volume is about the month of February. I was born on February 10. This year, I turned 31. :-) And there is this belief from the folks around town that whoever is born on February is called "kulang-kulang" (always lacking in something). S/He may lack in height, beauty, know-how, or whatsoever.
But the encyclopedia says that two Roman emperors stole the two days of the said month and added these to their respective months. Julius Caesar added a day to his month, July; and Augustus Caesar did the same for his August. Why did they do that? Well, they were gods. Then.
As I got older and smarter (yeah!), I realized that people born on February are the usual suspects for fame and greatness (Wow!). Bob Marley and George Harrison are the artists that I share with the so-called Love Month. Here in the Philippines, it is also called the National Arts Month. And artists are always experimenting. They are not contented with the way things are. These people pushed their limits. And we now see how they've gone that far.
With regards to my personality, it's just that I am not that comfortable with routine. Change is what I want, from the personal/political to the political/personal.
If I am "kulang-kulang", who else will I be?
Mga Pagmumuni-muni mula sa Itaas, Gitna, Ilalim, at Gilid-gilid na Aspekto ng mga Bagay/ Thoughts from the Above, Middle, Under, and Marginalized side of Things
Thursday, February 28, 2013
Thursday, February 14, 2013
Lakambini
Nais ko’y putungan ka ng Eric Javits Rabbit Felt Hat,
Subalit ipinutong mo ito sa life-size Sto. Niño.
Nais ko’y bihisan ka ng sutlang Plains and Prints,
Subalit sinilid mo ito sa kabinet.
Nais ko’y pabanguhan ka ng Bulgari,
Subalit tinago mo ito at di ko mahanap.
Nais ko’y kabitan ang iyong pulso ng Anne Klein,
Subalit isinabit mo ito sa sungay ng piguring usa.
Nais ko’y ipanlakad mo ang high heels na Gucci,
Subalit hinimpil mo ito sa likod ng pinto.
Nais ko’y gawin kang balot na reyna,
Subalit ikaw ang nagwagi na maging lakambini.
02/14/2013
Monday, February 4, 2013
Kung Sakaling Malagot Itong Ating Pag-ibig
Kung
sakaling malagot itong ating pag-ibig,
Susuong
tayo bawat sandali ng ligalig,
Hihimlay
sa pastulang karayom ng tag-init,
Ngangatngat
ng kalansay, malalagim na tinik.
Itong
ating pag-ibig kung sakaling malagot,
Inipong
alaala di agad malilimot;
Pagtatagpo
tuwina’y naiibsan ang pagod
At
sabay naapuhap ating labas at loob.
Malagot
itong ating pag-ibig kung sakali,
Titipirin
ang antok, pupuslit sa pusali,
Magkukubli
hanggang sa pumuti ang labi
At
magising na lusaw ang dila ng salapi.
Kung
sakaling malagot itong pag-ibig natin,
Pinid
ang ating puso sa gayong pangitain.
02/04/2012
Friday, January 25, 2013
Bentilador
nakahimpil ang bentilador
sa aking harapan,
isang tahimik na nilalang
ng teknolohiya. mabuti na lang
maginhawa ang simoy ng amihan
ngayong umaga.
pero mamayang tanghali,
pipindutin ko ang number three
ng aking bentilador
at itututok sa akin. malamig
ang hanging hatid ng teknolohiya.
01/25/2013
Pasig City
sa aking harapan,
isang tahimik na nilalang
ng teknolohiya. mabuti na lang
maginhawa ang simoy ng amihan
ngayong umaga.
pero mamayang tanghali,
pipindutin ko ang number three
ng aking bentilador
at itututok sa akin. malamig
ang hanging hatid ng teknolohiya.
01/25/2013
Pasig City
Sunday, January 20, 2013
Ang Pag-ibig ay Lapis
hawak ng kanang kamay
ang bagong tasàng lapis.
saka maglalakbay sa puting papel
ang matulis nitong titig -
mag-iiwan ng bakas ang pagniniig.
ngunit di tulad sa bolpen,
nabubura ng lapis ang mga mali.
01/20/2013
ang bagong tasàng lapis.
saka maglalakbay sa puting papel
ang matulis nitong titig -
mag-iiwan ng bakas ang pagniniig.
ngunit di tulad sa bolpen,
nabubura ng lapis ang mga mali.
01/20/2013
Tuesday, January 15, 2013
Ang Pag-ibig ay Alcohol at Bulak
Mahapdi kung ipahid
sa nagdurugong dibdib.
Unang pampaampat
sa nakabukang sugat.
01/15/2013
sa nagdurugong dibdib.
Unang pampaampat
sa nakabukang sugat.
01/15/2013
Tuesday, January 1, 2013
Happy New Year!
Happy New Year to all!
I hope that this year, 2013, will be a lot better for all of us citizens of the world.
Some of my hopes for this year:
1. May the climate change we are experiencing since a few years back be lessened until totally eliminated;
2. Israel and Palestine be in peace forever;
3. Islamic nations will not be intervened by the Western powers;
4. Armed conflicts in the whole world be resolved through peace negotiations; and
5. The Philippines, my country, be economically and politically stable after the May elections this year.
May the Almighty watch and guide us all. :-)
I hope that this year, 2013, will be a lot better for all of us citizens of the world.
Some of my hopes for this year:
1. May the climate change we are experiencing since a few years back be lessened until totally eliminated;
2. Israel and Palestine be in peace forever;
3. Islamic nations will not be intervened by the Western powers;
4. Armed conflicts in the whole world be resolved through peace negotiations; and
5. The Philippines, my country, be economically and politically stable after the May elections this year.
May the Almighty watch and guide us all. :-)
Sunday, December 30, 2012
Ikaw, Rizal
Pagsapit ng ala-syete tres ng umaga
kinalabit nila ang mga gatilyo't
pinugto ang iyong hininga.
Tila nais ng sumisikat na biyangbang
na muling magkubli sa dilim.
Ngunit ikaw ay matatag na tumitig
sa mata ni Kamatayan
at di lumambot sa iyong paninindigan.
Humimlay ka sa lupa,
ginawang bayani ng ating bansa.
Samantala, patuloy na nagbabangon
ang madla tangan ang matatalas
mong mga aral at salita.
*biyangbang - Haring Araw, salita sa Bukidnon
12/30/2012
Olongapo City
kinalabit nila ang mga gatilyo't
pinugto ang iyong hininga.
Tila nais ng sumisikat na biyangbang
na muling magkubli sa dilim.
Ngunit ikaw ay matatag na tumitig
sa mata ni Kamatayan
at di lumambot sa iyong paninindigan.
Humimlay ka sa lupa,
ginawang bayani ng ating bansa.
Samantala, patuloy na nagbabangon
ang madla tangan ang matatalas
mong mga aral at salita.
*biyangbang - Haring Araw, salita sa Bukidnon
12/30/2012
Olongapo City
Tuesday, December 25, 2012
Maligayang Pasko ng 2012!
Kahit na minsan ay sumulat ako ng isang kritika batay sa isang awit ng Eraserheads, naniniwala pa rin ako sa Pasko. Kahit na hindi na ako ang batang dating nag-aabang ng mga regalo mula sa mga ninong at ninang ko at ngayo'y mayroon nang sariling anak, naniniwala pa rin ako sa Pasko.
Kahit na mas abala na ako sa kung ano-anong bagay na walang kaugnayan sa Pasko, naniniwala pa rin ako sa Pasko.
Kaya bumabati ako sa inyo ng isang Maligayang Pasko!
(At nalampasan ng daigdig ang December 21 :-p. Sino ba'ng media outfit ang nagsimula nitong end of the world ek-ek na iyan?)
Kahit na mas abala na ako sa kung ano-anong bagay na walang kaugnayan sa Pasko, naniniwala pa rin ako sa Pasko.
Kaya bumabati ako sa inyo ng isang Maligayang Pasko!
(At nalampasan ng daigdig ang December 21 :-p. Sino ba'ng media outfit ang nagsimula nitong end of the world ek-ek na iyan?)
Saturday, December 15, 2012
Brutal
"Evil visited this community today,"
- Gov. Dan Malloy ng Connecticut, USA, kaugnay ng insidente
sa Sandy Brook Elementary School noong ika-14 ng Disyembre 2012.
Ginulat tayo
ng malalagim na hulagway
na hinahatid ng tv ngayong umaga,
sa kung paano at bakit naganap
ang isang karumal-dumal na krimen.
Isang karaniwang umaga iyon
sa Sandy Brook Elementary School,
Newtown, Connecticut, USA.
Habang ginagampanan ng mga guro
at estudyante ang kanilang tungkulin,
dumalaw doon ang anino ni Beelzebub
sa anyo ng isang lalaking nakapangmilitar.
Dalawampung bata
ang kinitlan ng mga pangarap!
Pati ang principal, ang sikolohista,
at apat na empleyado ng paaralan –
binistay din ang kanilang katawan.
At nang matauhan,
saka siya nagbaril sa sarili.
Nakalulungkot…
Subalit,
Isisi natin sa kabaliwan.
Isisi natin sa mga brutal na tv shows at pelikula.
Isisi natin sa sistema.
Isisi natin sa mga pro-guns.
Isisi natin sa mga pariwarang magulang.
Isisi natin sa mga terorista.
Isisi natin sa lipunan.
Isisi natin kay Marilyn Manson.
Isisi natin sa lumikha ng baril.
Ngayo’y anghel na ang mga pinaslang.
Samantalang tayo’y naghihintay
ng langit dito sa lupa.
12/15/2012
Pasig City, Pilipinas
http://edition.cnn.com/2012/12/14/us/connecticut-school-shooting/index.html
- Gov. Dan Malloy ng Connecticut, USA, kaugnay ng insidente
sa Sandy Brook Elementary School noong ika-14 ng Disyembre 2012.
Ginulat tayo
ng malalagim na hulagway
na hinahatid ng tv ngayong umaga,
sa kung paano at bakit naganap
ang isang karumal-dumal na krimen.
Isang karaniwang umaga iyon
sa Sandy Brook Elementary School,
Newtown, Connecticut, USA.
Habang ginagampanan ng mga guro
at estudyante ang kanilang tungkulin,
dumalaw doon ang anino ni Beelzebub
sa anyo ng isang lalaking nakapangmilitar.
Dalawampung bata
ang kinitlan ng mga pangarap!
Pati ang principal, ang sikolohista,
at apat na empleyado ng paaralan –
binistay din ang kanilang katawan.
At nang matauhan,
saka siya nagbaril sa sarili.
Nakalulungkot…
Subalit,
Isisi natin sa kabaliwan.
Isisi natin sa mga brutal na tv shows at pelikula.
Isisi natin sa sistema.
Isisi natin sa mga pro-guns.
Isisi natin sa mga pariwarang magulang.
Isisi natin sa mga terorista.
Isisi natin sa lipunan.
Isisi natin kay Marilyn Manson.
Isisi natin sa lumikha ng baril.
Ngayo’y anghel na ang mga pinaslang.
Samantalang tayo’y naghihintay
ng langit dito sa lupa.
12/15/2012
Pasig City, Pilipinas
http://edition.cnn.com/2012/12/14/us/connecticut-school-shooting/index.html
Friday, November 30, 2012
An encounter with Bobby Balingit of The Wuds, October 9 (multiply post/photo, Oct 21, '08 5:21 PM)
| A short chat with Bobby Balingit and this writer. (Photo by Rochelle Pido) |
I came to Mag:Net Katipunan in search of Markushighway. Marcus posted in his multiply about his artworks. Traveling via MRT and LRT is a big hassle, especially if the show is past 9pm and from work, too. But when the show had started, it was a relief to see the bands play and hearing your favorite songs.
I went alone in Mag:net and someone recognized me as having responded to Marcus's post. Her name was Che-che Pido. She approached me asking: "Sa multiply ka rin ba ni Marcus?" I replied in the affirmative. I had just ordered my coffee (which is the thing I loved the most in Mag:net). She offered her table with me. She's along with a former officemate, Jonjon. They are having a good time from their places up north of Metro Manila.
"Kahit malayo, narito kayo. Astig," I said.
The night was only starting in Mag:net when a tall guy arrived. He has graying hair and clad in a brown leather jacket. He sat behind my back and unwrapped a few CDs which are for sale during the show. He has only less than ten copies and luckily those who knew him bought the CDs right away.
I said to Cheche, "Si Bobby Balingit ng The Wuds." She replied, "Hindi ko pa siya kilala."
"Sila 'yung umawit ng 'Inosente lang ang Nagtataka'. Akala ng mga bata, Rivermaya ang original niyon."
I asked Bobby how much is the CD and I got the last one for the night. The CD is entitled Juan Isip, his solo effort. Handing him a pen, he obliged to sign my copy. And I asked him about albums of the Wuds. "Nireremix sa US 'yung master tapes," he said.
"Sana makakuha ako ng mga kopya. Tapes 'yung mayroon ako."
"Old school ka rin pala"
"The Wuds iyan, e."
He smiled.
The Purplechickens and Markushighway had finished their sets when the Wuds went onstage. They sang songs which are not the ones I heard of in their live sets. I immediately loved "Ti Recordi, Joe?" when they played it that night. The song is in the CD.
Their last song was "Inosente Lang ang Nagtataka" which brought the house down. I really want to do the punk dance in front but only me want to do it. (Darn!) It was a powerful performance! When the song ended and the cymbals crashed the last notes, I shouted for another song.
I think Bobby and the band heard it and he strummed the Am-F-G-- pattern. It was haunting for the delay pedal is on. And his voice followed: "Dito ba sa mundo ano'ng tunay na kailangan..." I was ecstatic at that moment!
Hearing the refrain blew me. "Maraming nagpapanggap na makabayan/ Gamit ang salitang kalayaan/... Ano ba'ng gusto mo na magpapasaya sa iyo/... Pero nakalimutan ang Diyos!"
Yeah, Rock en Roll, Bobby Balingit!
http://lvbamante.multiply.com/photos/album/2/An-encounter-with-Bobby-Balingit-of-The-Wuds-October-9#
chechepido wrote on Oct 22, '08
lvbamante said
naku
ako pa po tinanong nyo jan. mahina din ako sa sunject verb agreement he
he.. naging editor in chief po ako dati ng highschool news paper namin.
Filipino news paper kc hirap ako talga pag english composition. idol ko
kayo pinangarap ko rin dati na sana maging staffer ng kule..
|
istillbelieve wrote on Oct 21, '08
"Their
last song was "Inosente Lang ang Nagtataka" which brought the house
down. I really want to do the punk dance in front but only me want to do
it. (Darn!) It was a power performance! When the song ended and the
cymbals crashed the last notes, I shouted for another song."
Hon, I'd love to see you dance...hehehe ;p |
istillbelieve wrote on Oct 22, '08
Hon, dapat "powerful performance"... hehehe, reread mo muna kasi yung entry bago mo ipost .;p
|
istillbelieve said
i know that, thank you. these are two nouns that i combined.
|
larosaapoy wrote on Apr 16, '10
mapalad
ka at nakadaupang palad mo si Bob. Mahusay siyang musikero bagamat
hindi pa nabibigyan ng kaukulang respeto sa industriya ng musikang
kontrolado ng mga kapitalista.
|
Si Mang Dolphy at ang National Artists Award (multiply post, Jul 19, '12 6:51 PM)
(Nagsimula
lang ito bilang isang status update sa aking Facebook account. Pero pinahaba ko na't
ginawang sanaysay para madaling mahanap sa aking Facebook. At narito na rin sa aking multiply account.)
Nakikiramay ako sa mga iniwan ni Comedy King Dolphy. Alam kong nangungulila ang sambayanan sa paglisan ng isang cultural icon nitong Hulyo 10 ng gabi. Maging ako'y ilang beses napatawa sa mga kalokohan ni John Puruntong, ni Kevin Cosme sa pelikula at telebisyon.
Ngunit, kung maaari lamang po, huwag na munang ungkatin ang National Artist Award (NAA) na hindi iginawad kay Mang Pidol. Mismong siya na ang nagsabi noong nabubuhay pa siya, "Kung ibibigay sa akin, tatanggapin ko. Kung hindi, okay lang naman." Nagmumukha kasing tanga ang mga nakikisawsaw dito, lalo na ang mga resolusyong inilalatag sa Senado at Kamara.
Bakit? Una, may prosesong sinusunod ang paggawad nitong NAA. Ito'y para maiwasan ang naging "patronage politics" sa larangan ng sining ng mga taong 1972 hanggang 1986. Pagkapalit ng administrasyon, ginawang demokratiko ang pagpili ng mga posibleng gawaran. Nasa kamay ito ng mga artist at academician na kung tawago'y Council of Peers. Kung hindi alam ng mga nakikisawsaw ang salitang peer, may diksyunaryo kahit saang sulok ng bookstore, lalo na sa mga iPod nila. At doon tayo mag-nominate ng gusto nating maging National Artist. Kung nakapanghihinayang na hindi ito nakuha ni Dolphy samantalang buhay pa siya, i-nominate na rin natin sina Vic Sotto, Piolo Pascual, Judy Ann Santos, Michael V., at iba pa. Walang dudang magagaling silang aktor. Buhay pa sila, di ba? Gawaran na ng NAA. Si Jose Abueva nga, nasa kanyang 40s nang bigyan ni Madam Imelda Marcos ng NAA.
Ikalawa, tinitimbang ang gagawaran sa kalidad ng kanyang body of work. Suhetibo ito, sa isang banda, pero huwag na huwag ikokomento ang moral na aspekto ng mga ito. Na dapat may laging may moral lesson ang mga gawa niya, lalo pa ang naging buhay ng artist. Kung ito lang ang pagbabatayan, laglag na si Mang Dolphy. Case closed.
Ikatlo, hindi ito usapin kung patay o buhay ang gagawaran. Si Fernando Amorsolo nga, patay na nang gawaran siya noong 1972 bilang unang National Artist. Wala nga namang kapantay ang ligayang matanggap ang NAA habang buhay pa ang artist na gagawaran. Kung hindi pa rin ito naiintindihan, balikan ang una kong punto.
Ikaapat, ayusin muna ng Supreme Court ang status quo ruling nito ukol sa 2009 NAA.
Ikalima at huling punto, hindi lang NAA ang may problema, pati ang GAMABA o Gawad Manlilikha ng Bayan, hindi na nasundan mula 2005. Pwede bang pati ito pansinin ng mga maykapangyarihan. Sa halip na ipautang ang $1 bilyon natin sa International Monetary Fund, bakit hindi ipagkaloob ang bahagi nito sa mga artist at cultural worker ng Pilipinas?
In short, rest in peace, Mang Dolphy. Saka ka na namin gagambalain kapag iginawad na sa inyo ang National Artist Award/Gawad Pambansang Alagad ng Sining.
07/12/2012
Quezon City
http://lvbamante.multiply.com/journal/item/83/Si-Mang-Dolphy-at-ang-National-Artists-Award
Lihim (multiply post, May 23, '12 9:14 AM)
labis na ang kanyang pagtitiiis na huwag isiwalat
ang kanyang nalalaman, at maging sa mga karaniwan
niyang gawain ay ginagambala siya ng mga pangitain
at alaalang kipkip niya sa mahabang panahon.
siya na inatasang isilid sa kanyang gunita
ang mga lihim ng kanilang lahi. sa oras na
ito ay mabunyag, kapahamakan ang lalapit sa kanyang
mga kababayan. ayaw niyang humantong sa malagim
na wakas ang kanilang kasaysayan at kabihasnan.
ngunit sadyang napakabigat na ng kanyang dalahin.
lumisan siya isang araw at inakyat ang tuktok
ng pinakamataas na bundok ng kanilang mundo.
naroon ang isang matandang puno na kung tawagin
ay Methuselah. umukit siya roon ng isang maliit at malalim
na butas at doon niya ibinulong, ibinuhos ang lahat
ng lihim ng kanilang lipi. saka siya dumura sa lupa,
hinalo ang laway at lupa’t tinakpan ang butas
na iyon ng putik. lumulutang siya sa hangin
habang bumababa sa bundok na yaon.
hindi na niya nasaksihan ang unti-unting pagpanaw
ng mga dahon ng punong Methuselah.
05/11/2012
http://lvbamante.multiply.com/journal/item/82/Lihim
Subscribe to:
Posts (Atom)