Kung
sakaling malagot itong ating pag-ibig,
Susuong
tayo bawat sandali ng ligalig,
Hihimlay
sa pastulang karayom ng tag-init,
Ngangatngat
ng kalansay, malalagim na tinik.
Itong
ating pag-ibig kung sakaling malagot,
Inipong
alaala di agad malilimot;
Pagtatagpo
tuwina’y naiibsan ang pagod
At
sabay naapuhap ating labas at loob.
Malagot
itong ating pag-ibig kung sakali,
Titipirin
ang antok, pupuslit sa pusali,
Magkukubli
hanggang sa pumuti ang labi
At
magising na lusaw ang dila ng salapi.
Kung
sakaling malagot itong pag-ibig natin,
Pinid
ang ating puso sa gayong pangitain.
02/04/2012
Ang huling linya ng tula ay may orihinal na bersyon na "Hindi tayo papayag sa gayong pangitain."
ReplyDelete