Oda sa aking Electronic Typewriter
Alam mong minsan na lang tayo magkita.
Hindi na kasi regular ang pag-uwi ko sa bahay,
lalo na ang pagtulog ko sa sariling kuwarto.
Kaya nakukumutan ka na ng makapal
na alikabok, tulad ng sa sahig at iba pang
mga kapwa mo personal kong gamit.
Kapag nagkita tayo, alam mong nakita kita.
Pero hindi kita pinapansin tulad nang dati.
Ilang gabi ng mga semestre ko sa kolehiyo
ang naging pagpupuyat natin?
Ako: umiinom ng kape, ngumunguya ng mani.
Ikaw: sinusubuan ko ng mga papel na short bond,
iluluwa ito na may bahid ng aking mga salita.
Marami-rami rin iyon. Nakaipit sa mga folder
na nasa mesa ko, katabi mo. Bihira ko nang buklatin
ang mga iyon, pero kapag ginawa ko, nakalimbag
sa gunita ang mahabang oras na binuno natin
para lamang sa isang pahinang sulatin.
Bumabalik lahat ang naganap -- ang pag-ikot
ng iyong daisy wheel, ang pagdiin nito sa papel
na nakaikot sa platen, ang iyong takatak,
ang panlalabo ng ribbon at ng display, ang brownout...
Kaya ngayong pinupunasan ko ang iyong katawan,
tinitipa-tipa ko ang mga letra mong noon
ay nagsimulang bumuo sa aking ngayon.
6 Enero 2016
Mga Pagmumuni-muni mula sa Itaas, Gitna, Ilalim, at Gilid-gilid na Aspekto ng mga Bagay/ Thoughts from the Above, Middle, Under, and Marginalized side of Things
Wednesday, January 6, 2016
Tuesday, January 5, 2016
Resolutions? What's that?!
I'm one of those people who doesn't follow to the letter the list of New Year's Resolutions I made for myself. But I believe in positive changes, no doubt about that.
It's just I get easily frustrated if a plan for a certain period of a year didn't happen. For example, I have been enrolled in a graduate school since 2008. I have already finished the required academic units since four years after I decided to pursue my master's degree. I am ready to write my thesis proposal then an unexpected event happened.
I became a father. It came earlier than I planned.
But I have no regrets. Having my own family is one of the treasures of my life. Yeah, things have to be prioritized aside from my own well being. And these priorities are considered for the welfare of my family. I am blessed to have a loving and charming wife and a lovable daughter.
It's just this graduate work that I need to finish within the year. The thesis proposal, the proposal defense, the thesis writing proper, and the thesis final defense. Can I do it within a semester?
It's part of my resolutions for this 2016. What if I couldn't make it? Oh no, fear strikes again.
That fear leads to nowhere. Strike out that fear!
But, I have to sleep now. It's 12:05 AM. Have to wake up at 5:00 AM.
Good night!

Sunday, November 22, 2015
Tanim-Bala sa NAIA
| Mula ang larawan sa kwentongofw.com |
Tanim-Bala sa NAIA
ni
Louise Vincent Amante
Lihim
na itinanim
sa
biktimang maleta,
OFWng
hamak –
may ani
palang bala!
Hindi
rin pinalampas
seniors,
mga turista.
"Isolated
case," ani
Honrado
ng NAIA.
"Konti
lang iyan," sagot
ni
Kalihim Abaya.
Tinanong
naman si Mar,
sigaw
n'ya "Propaganda
'yan
laban sa gobyerno!"
Naging
pasahang-bola
ang
dapat ginagapas
ligaw
na ebidensya.
Hangga't
ang mga utak
sa
tanim-bala'y laya,
kamal-kamal
ang tubo
ng
misteryosong mafia.
5 Nob
2015
Saturday, August 29, 2015
How peculiar: Foodcourt and the INC
I logged out from work late last night. From Pearl Drive in Ortigas, I walk to Shangri-La Plaza Mall in Edsa-Shaw Blvd. to get my train ride going home.
Almost hungry, I decided to have a bite at the said mall's food court. It is downstairs, at the basement level. As my foot touched the last step of the stairs, I turned my head to the right and I saw that all seats of the food court are taken. Those without seats are sitting at the floor. Some are eating, some are chatting. Nothing peculiar. I see this almost everyday.
As I approach a certain food stall, I saw near its entrance a guy wearing a light blue polo shirt with an Iglesia Ni Cristo (INC) logo. Nothing peculiar again, I said to myself. The food stall is also occupied with people. But I noticed that some of them are wearing the same shirt of the guy I saw earlier.
I started to roamed around and there they are -- INC members eating and chatting at the foodcourt. Now, that is peculiar. I wonder why they are here.
Ah! Some INC members are staging a protest action at the Department of Justice (DOJ) in Ermita since Thursday. They are reiterating the principle of the separation of Church and State. This is about the alleged illegal detention of some INC ministers loyal to a faction of the Manalo family who heads the INC.
Are these people at the foodcourt will proceed at the DOJ to strengthen the ranks of their fellow INC members there? I totally forgot to eat and headed straight to the train station.
Upon reaching home, I relayed to our family about the INC members being at the foodcourt. Then the TV flashed a breaking news about the INC staging another protest at Edsa-Shaw Blvd.
Does the security service of the mall haven't had any idea about the swelling of INC members at its premises last night? How about the local government of Mandaluyong? Why were they caught unaware about this incident?
But the biggest question here is this: why are they insisting that the conflicts of the Manalo family be considered as "internal and MUST BE RESOLVED BY THEM" when in fact a case is filed citing illegal detention?
The issue gets bigger day by day.
I just hope this INC hullabaloo end soon. And the rule of law, and reason, prevail.
29 August 2015
Saturday, July 18, 2015
Tatlong Tanaga
Wallet
Sa may sidewalk napulot
'Sang wallet na synthetic.
Tanging laman sa loob:
Pekeng Amer'can Express.
Bulsa
Malapit na sa Taytay.
Ibabayad na barya
Di mahukay ng kamay...
Butas pala ang bulsa!
Sahod
Sahod na kakarampot
Tiisin kahit kapos.
Pasalamat sa pagod
Ng 'yong among kuripot.
Hulyo 18, 2015
Sa may sidewalk napulot
'Sang wallet na synthetic.
Tanging laman sa loob:
Pekeng Amer'can Express.
Bulsa
Malapit na sa Taytay.
Ibabayad na barya
Di mahukay ng kamay...
Butas pala ang bulsa!
Sahod
Sahod na kakarampot
Tiisin kahit kapos.
Pasalamat sa pagod
Ng 'yong among kuripot.
Hulyo 18, 2015
Saturday, May 9, 2015
(P)Utang(na)
(P)Utang(na)
182 bilang ng salita
Iniisa-isa niya ang mga gastusin
sa bahay. Kuryente: P9,000. Tubig: P1,500. Renta: Nakikitira sa bahay ng mga
biyenan, libre. Abot sa mga biyenan: P3,000. Diapers ng bunso... Matrikula ng
panganay... Sariling pangyosi...
Nakukurta na ang utak niya sa
pagkakalkula. Dumukot siya sa kanyang wallet ng bente pesos. “Manong, isa lang.
Sa Kamias. Galing Morato.” Iniabot ng katabi ang pera sa drayber ng dyip.
Kaninanga bago mag-uwian,
nagpasalamat siya sa may-ari ng karinderyang malapit sa kanyang pinapasukan. Kahit
pamasahe lang ay pinahiram siya. Pangako niya, mababayaran niya ang mga utang
pagdating ng katapusan sa susunod na linggo.
May sumakay na batang gusgusin,
may dalang trapong napakarumi. Pinunasan niya isa-isa ang mga sapatos at maging
ang paa ng mga nakatsinelas. Hindi niya pinansin ang ipinampunas ng bata, at ang
bata mismo. Nakalahad ang palad nito, may bakas pa ng natuyong rugby.
“Sukli sa bente, o!” sabi ng
drayber. Iniabot sa kanya ng katabi ang sukling sampung piso.
Bago pa dumampi sa palad niya ang
barya, sinaklot na ito ng batang gusgusin, sabay karipas ng takbo pababa sa
dyip.
Wala na siyang nasabi kundi "Putangna." #
Monday, March 30, 2015
Homo estudyanteis masipagum: Endangered na nilalang
Dahil
officially bakasyon na, buburahin na ng Homo estudyanteis ang photos ng lectures
na pinaghirapang isulat sa blackboard o whiteboard ng propesor para sa
subject na expertise niya. Pati na rin iyong mga slide show ni propesor na minsan
lang niya iedit.
Imagine na lang ang mga taon (pawis, puyat, at pagod) na pinuhunan ng propesor para lang maituro ang subject niya sa mga katulad na Homo estudyanteis. Ilang taon na rin niyang nalalanghap ang chalk o ang tinta ng white board marker. Tapos, buburahin na lang ng gayon-gayon na lang?
Paano kung kailangan pala sa board o bar licensure exams ang itinuro ng propesor? E binura na ng Homo estudyanteis sa phone ang lecture notes!
Tsk, tsk, tsk. Kaya nga inimbento ang note book: para sa notes.
Kung ilalagay ito sa Twitter, angkop ang mga hashtag na "#tamadpamore" at "#REAL_Student_Is_A_Rare_Breed". Sa ganitong mga pangyayari, mahirap nang iasa sa kasalukuyang salinlahi ng mga estudyante ang kapalaran ng bansa. Iyon nga lang, unique ang Pilipinas kasi ito ang bansa na ang mg lider ay iyong mahihilig mag-selfie. Kaya nagiging selfish sila ngayon.
Tsk, tsk, tsk uli.

Saturday, February 14, 2015
Feb-ibig na Baduy
Kapag sinimulan sa "Nang una kitang makilala...", baduy.
Kapag tinapos sa "I love you..." o "Mahal kita...", araguy!
Kawawang pag-ibig,
hindi na alam
kung saan lulugar.
Puwede na bang ala-Lang Leav?
o Marcelo Santos III?
Kapag tinapos sa "I love you..." o "Mahal kita...", araguy!
Kawawang pag-ibig,
hindi na alam
kung saan lulugar.
Puwede na bang ala-Lang Leav?
o Marcelo Santos III?
Monday, January 19, 2015
Pope Francis sa Pilipinas, 15-19 Enero 2015
Habang sinusulat ko ito'y pauwi na siya sa Roma. Mula sa kanyang pagdating hanggang kanina, punong-puno ng mananampalataya ang mga kalsadang kanyang dinaanan hanggang sa mga lugar ng pagtitipon kasama siya. "Rockstar" ang dating, 'ika nga ng mga pahayagan.
Subalit hindi siya naparito para lang sa ganoong bansag. Narito siya upang makapiling ng mga Pilipino sa panahong ito ng sigalot dulot ng mga kalamidad, gawa man ng kalikasan at ng mga institusyong nakaligtaan nang magsilbi sa tao. Sana'y tumimo sa isip ng maraming Pilipino ang kanyang mga mensahe ukol sa pagiging mabuting Katoliko. At hindi lang ito tungkol sa mga dati nang halagahan (value) tulad ng pag-ibig sa kapwa at sa Diyos. Dahil kahit patay na ang henerasyong ito, hindi mabubura ang pag-ibig bilang dakilang halagahan na dapat taglayin ng tao. Sabi nga niya sa kanyang pakikipagkita sa kabataang Pilipino kahapon sa Unibersidad ng Santo Tomas, "Reality is superior to ideas."
Na ang Simbahan, kaisa ng mga mananampalataya, ay dapat pagtuunan ng pansin ang mga nagaganap sa paligid. Hindi eternal ang mga kondisyong panlipunan. Materyal na mga pangyayari ito. Ginusto ba ng tao na maghirap para lang makakain? Ginusto ba niya na magnakaw? Ginusto ba niyang pumatay? May mga kondisyong nagtutulak nito sa kanya dahil may mga tao rin na nagpapatupad ng mga ito. Isa pa niyang sinabi noong nasa Malacañang siya noong 20 Enero, "Reject all forms of corruption which diverts resources from the poor."
Malinaw ang mensahe. Ngunit kung papasok lang ito sa kanang tainga at tatagos sa kaliwa ng mga nakasalamuha ng Santo Papa sa Palasyo, iba na ang kailangang gawin. Kahit si Luis Antonio Cardinal Tagle, alam ang tunay na pakay ni Pope Francis. "The Filipino want to go with you... to the peripheries." At ang mga nakauunawa nito ang tutupad sa mga sinabi ni Pope Francis nitong nakaraang mga araw.
Monday, October 20, 2014
Busy days are here again...
Busy days are here again...
Above is a rip-off from a song of FrancisM, "Rainy Days". The line goes "Rainy days are here again...", I just replaced the word rainy to busy.
It has been months since I uploaded a new post to satisfy my own craving for creativity with words. Many things happened personally that I have to attend to, thereby my writing has to give way. If muses are real, they are disheartened, I know. But it's just me, we know that.
I hope I can find time to write again in this blog after checking papers to be graded this month.
May the Higher Power grant me that. Or, to put it upon myself, I grant me that.

Monday, July 7, 2014
Nililigalig at Nanliligalig
Ngayong batbat ng dungis ang politika ng administrasyong Aquino, mula
PDAF hanggang DAP, gayon din ang nagaganap sa larangan ng kultura at ng
edukasyon.
Una, pinopolitika ang larangan ng sining, partikular sa usaping National Artist Award para kay Nora Aunor na hindi inaprubahan ng Pangulong Aquino. Tulad ng sabi ng isang rayter sa Inquirer, "It is a Presidential Award." Tama naman ang kanyang argumento. Subalit may "National" doon sa National Artists. Samakatwid, may usapin ng pagkabansa ang gawad na ito, kaya may titingalaing alagad ng sining ang bansa dahil sa taglay niyang galing sa sining. At hindi dahil sa adik siya sa droga dati.
Sabi rin ng rayter, bakit ngayon ay napag-uusapan na sa media maski ang nominasyon na dati naman ay hindi pinapansin ng mga diyaryo, TV, at radyo? Ang ganitong obserbasyon niya ay malinaw sa kanyang pinanggagalingang posisyon: elitista. Katulad niya ang Pangulong Aquino sa makitid na pananaw ng huli sa larangan ng sining at kultura ng bansa.
Bukod pa rito, bakit ang mga grupong pansining ay walang inilalabas na pahayag ukol dito? Halos tahimik ang mga grupong panteatro at pampelikula. May mga indibidwal nang personalidad na pumosisyon panig kay Nora Aunor. Ngunit mas magiging matingkad ang panawagan kung magkakaisa ang mga nasa industriya ng pelikula at teatro para kay Nora Aunor.
Ikalawa, pinopolitika ang larangan ng edukasyon, partikular sa usaping pag-alis ng mga kursong Filipino sa kolehiyo. Malinaw ang tunguhin ng edukasyon ng ating bansa ngayong panahon: skills oriented. Wala na ang dati'y holistic, responsible, proud Filipino na mabubuo mula sa mga mag-aaral na Pilipino. Hindi naman dahil ginagamit na sa komunikasyon sa bahay at sa komunidad ang Filipino ay sapat na ito. Malinaw sa Konstitusyon (Art. XIV, Sek. 6 hanggang 9) na dapat malinang ang wikang pambansa. At ang isang facet para dito ay ang edukasyon. Samakatwid, dapat ay may Filipino sa kolehiyo. Hindi lang ito bilang midyum ng pagtuturo kundi bilang disiplina/larangan.
Marami-rami nang kumontra sa balaking ito ng Comission on Higher Education (CHEd). Nagkakasundo ang mga guro ng Filipino sa kolehiyo na dehado sila sa ganitong set-up. Na hindi sila kinonsulta man lang. Nasa balag ngayon ng alanganin ang mga guro ng Filipino sa kolehiyo. Sa kolokyal na wika, iniwan sila sa ere.
Pumoposisyon ngayon ang mga guro kontra dito. Malinaw iyan, walang duda. Pero mabagal o halos wala ang mga pangkat ng mga manunulat, sa panitikan man o sa peryodismo. Maski ang mga grupong nakabase sa mga pamantasan, halos tahimik sa usaping ito. Nakalulungkot na kahit statement of unity o manifesto ay walang nasisilayan mula sa kanila. Pero dapat ding lampasan nila ang paglalabas lamang ng mga pahayag at polyeto.
Kung ang mga nasa larangan ng kultura at edukasyon ngayon ay nililigalig, dapat tumbalikin ito at sila naman ang manligalig.

Wednesday, June 4, 2014
Tagpo sa MRT
Sumakay siya ng tren sa MRT-Kamuning station kaninang alas-nuwebe ng umaga. Dahil punuan naman lagi ang tren, siniksik niya ang sarili sa hanay ng mga nakasakay na sa loob ng bagon. Nakapuwesto siya sa may baras na patayo malapit sa pintuan nito. Nag-signal na sa pagsara ang pinto. Sumara ito. Umandar na muli ang tren.
Kahit siksikan, madali siyang mapansin sa gitna ng mga katawang kasabay niya sa tren. Matingkad na dilaw na blouse ang suot niya, hanggang itaas ng tuhod ang laylayan. Hindi naman mababa ang neckline, pero kita ang cleavage niya. Nasa kasibulan siya ng kanyang edad.
"Paparating na sa Cubao station. Mangyaring kumapit lang po sa mga safety hand rails at mag-ingat sa mga mandurukot..." paalala ng naka-record na boses ng isang babae.
Pagbukas ng pinto ng bagon sa Cubao station, limang pasahero ang nakipagsiksikan para lang makababa. Pero tatlong ulit nito ang nagpupumilit at matagumpay na nakasakay sa tren. Nakababa rin ang limang pasahero. Nasiksik pa siyang lalo. Sumara na muli ang pinto.
Isang lalaki na nakakahel na polo ang nasa likod niya. Nasa kuwarenta mahigit ang hitsura ng lalaki. Nasa gitnang bahagi ng tren ang lalaki at sa halip na sa itaas na baras, sa kinakapitan niyang baras din kumapit ang lalaki. Kaliwang kamay ng lalaki ang nakakapit sa baras na nasa harapan niya.
Hindi muna niya pinansin ang pantsatsansing ng lalaki. Malapit na sa Santolan station ang tren nang maramdaman niya ang pagsinghot ng lalaki sa kanyang buhok. Hindi kaya ng aircon na palamigin ang tren. Walang iniwan sa lata ng sardinas ang siksikan sa tren. Namamalas niya ang ilang butil ng pawis sa braso ng lalaki.
"Paparating na sa Shaw Blvd. station..."
Naghanda nang bumaba ang marami-raming pasahero. Naiipit siya sa paglabas ng mga tao. Hindi pa rin tinatanggal ng lalaki ang kanyang kamay sa baras hanggang sa dalawa sa mga nakaupong pasahero ang tumayo para makababa sa tren. Umupo siya agad. Tatabi dapat sa kanya ang lalaki pero naunahan ng isang babaeng pasahero na matagal na ring nakatayo kanina.
Tumapat sa kanya ang lalaki. Nakatungo ang ulo ng lalaki. Alam na niya kung bakit. Tumingala siya. Tiningnan ang lalaki.
Nagulat ang lalaki sa narinig sa kanya.
"May problema, pare?!" Ang tunay niyang boses. Boses-lalaki. #

Wednesday, April 30, 2014
Kalatas kay Edita
“With Malacanang’s tough branding of human rights
violations as leftist propaganda, are the authorities now saying that I will
never see my son again?”
-
Edita Burgos, ina ni Jonas Burgos na ngayo’y desaparecido
Edita,
Sa mga tulad mong lahat ng gabi’y hindi oras
ng pagtulog muli lang masilayan ang pagpasok
ng nawalay na anak o asawa sa pinto ng inyong bahay
ako’y nakikisimpatiya.
Pitong tag-araw na ngayon,
alam
kong hindi ka nagkukulang
sa
pagbibilang,
nang dukutin ng mga anino
ang iyong anak na si Jonas*.
Hanggang ngayo’y di pa siya niluluwa
ng doblekarang balyena
o kaya’y ilitaw ng mga maligno.
Tulad mo,
mabigat ang aking mga hakbang
noon na tinutunton kung saan maaaring
naroroon ang aking kabiyak.
Hangad niya lamang noo’y
mabuo ang mga basag na tiwala,
tipunin ang mga pira-pirasong paninindigan
upang lahat ng naghihimagsik
ay sama-sama muling tuntunÃn ang daan
tungong kalayaan.
Ngunit ibinintang sa kanya
ang pagiging upahan ng mga Frayle
para isubo sa hurno ng Himagsikan
itong
ating Inangbayan.
At inutos daw niyang kitlin ang buhay ni Heneral
Miong
at nais niyang maging Hari ng Bayang Katagalugan…
A, lugod ng aking buhay!
Ngiti ng aking lungkot!
Lagi ko siyang panaginip, Edita:
Ang paglipat-lipat namin ng matutuluyan,
Ang pagtatago namin sa mga gubat,
Ang pag-aaruga ko sa kanya sa kulungan,
Ang salitaan naming walang humpay
na
lahat ng ito’y pagsubok lamang.
Kaytamis ng kanyang bilin, “Magtiis ka, sinta.”
Nang pawalan ako ng mga dumakip sa amin sa Limbon,
nakasalubong ko ang mga kumuha
sa kanya at sa kapatid niyang si Procopio.
Iniwan daw silang dalawa sa Bundok Tala.
Ngunit bakit
dala ninyo ang kanilang mga damit?
Ibinilin daw na ipagkaloob sa akin ang mga baro,
ang gamot, at ang kumot.
Ay! Edita, ang aking pinakamamahal na Lakan!
Dagli ako’t humahangos papunta sa kanya.
Tumatangis ako’t halos itaob ang Bundok Tala
at maging ang kalapit na Bundok Buntis,
makita lamang ang kanyang bangkay.
Hindi ko alintana
ang mahigit isang buwang
pagparoo’t parito
at halos walang makain
sa buong maghapon at magdamag
muli lamang siyang mayakap.
Edita, takot silang mga kaaway ng Supremo
na maglaho ang kinang
ng kanilang baston at mga karwahe.
Kaysakit isipin na makalipas
ang ilanpung taon mula noon,
mas kumikinang na ang kanilang mga mata
sa kalansing ng mga barya’t
salamangka ng mga lagda.
Kaya hindi ko masisisi na ang iyong si Jonas
ay tinuring na mapanganib
dahil sinasaling niya ang sugat
na malaon nang nagnanaknak
sa puso’t isip ng mga kapuspalad.
Edita, nawa’y magtagpo kayong muli
ni Jonas,
sa lalong madali.
Muli mo siyang mayakap at mahagkan.
At sa sandaling iyon,
maturol nawa ng susunod na salinlahi
na walang lihim
na
di mabubunyag
kailanman
sa alaala ng ating kasaysayan.
Sumasaiyo,
Lakambini
Subscribe to:
Posts (Atom)