Tuesday, December 31, 2013

Tungkol kay William Henry Scott at sarili kong paniniwala

Gusto ko itong si William Henry Scott dahil sa may mga nilansag siyang mito tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.

Pero itong sipi mula sa artikulo niyang "The myth of the cultural minorities" ang nagpatibay sa aking paniniwala sa kanyang mga pahayag:

"When the Americans usurped the Spanish colony and discovered this dichotomy, they were a little embarrassed about words like conquered and unconquered because of the rhetoric of their democratic Constitution. They preferred to think that imperialist imbalances were created not by aggression but by natural scientific order. They therefore quickly produced an explanation for Filipino variations which was not very different from that old creation myth about dark races having been left in the oven too long, and others having been taken out at just the right time.

"The American creation myth was called the Wave Migration Theory.

"According to this Theory, the Philippine archipelago was peopled by a series of waves of migrants, each of which was superior to the one that preceded it. First came the pygmies--short, black, and primitive--in other words, as unlike Governor Taft as possible. Then came a wave of slightly taller, lighter, and more advanced people who drove the earlier ones into the hills by their natural superiority. And so on, wave after wave, until the last best migration of all--those whose descendants were so advanced they could appreciate the advantages of submitting to American rule."
Samakatwid, produkto ng imperyalismo ang teoryang ito. Kaya dapat nang huwag ilagay sa mga aklat pampaaralan ang tungkol sa teoryang ito. (May nakita pa akong mga aklat na nagpapakalat ng Wave Migration Theory nitong Hunyo 2013.)

Down with imperialism! :-)

Saturday, December 28, 2013

Isang repleksyon para sa taong 2013 at ilang bagay para sa susunod na taon

Ang taong ito ang isa sa mabungang taon para sa akin.

Una, marami akong natanggap na biyaya/blessings. Pisikal (maraming pera kumpara dati. :-D ) at intelektwal (maraming panahon para makapagbasa ng mga librong dating nakastack lang).

Ikalawa, maraming nakilalang bagong kaibigan. :-)

At ikatlo, nairaos ang pag-iisang dibdib namin ng aking asawa sa Simbahan. :-)


Sa susunod na taon, mga nais kong mangyari:

1. maipasa ang non-Tagalog/Other Filipino Languages Proficiency Exam;
2. makapaghapag ng thesis proposal at maaprubahan ito ng panel;
3. makasulat pa ng mas maraming akda;
4. matanggap sa isa pang writing workshop; at
5. huwag nang magkasakit, lalo na ay maospital, si Likha.

Sana mangyari ang mga ito. :-)

Wednesday, December 25, 2013

It's been a long, long, long time... (with apologies to George Harrison)

It's been a long, long, long time since I've opened, read, wrote, and posted my entries here on my blog. Numerous tasks have overtaken my "free time". Hope I could post my new writings in the future. :-)

Anyway, I just want to say to my readers:

(image from: http://saintchristophers.net/Customer-Content/stchristophers/CMS/images/Merry-Christmas-prev.jpg)

Thursday, August 29, 2013

Is this true? Well, pinatulan ko naman


http://slackhalla.org/~demise/test/socialattitude.php

RESULTS:


Political Values

Radicalism                                                           77.5
Socialism                                                             100
Tenderness                                                          68.75

These scores indicate that you are a tender-minded moderate progressive; this is the political profile one might associate with an animal rights activist. It appears that you are moderate towards religion, and have a balanced attitude towards humanity in general.

Your attitudes towards economics appear communist, and combined with your social attitudes this creates the picture of someone who would generally be described as left-wing.

To round out the picture you appear to be, political preference aside, an idealist with many strong opinions.

This concludes our analysis; we hope you found your results accurate, useful, and interesting.

Unlike many other political tests found on the Internet which base themselves on untested (and usually ideologically motivated) ideas, this inventory is adapted from Hans Eysenck's own political inventory which was developed after extensive empirical investigations in the 20th Century.

Monday, August 19, 2013

Lagpasan na natin ang komemorasyon ng Buwan ng Wika

Ito ang panahong masasabi nating "ipinagmamalaki ko ang pagiging Pilipino" at "mahal ko ang aking wika: Filipino" dahil Buwan ng Wika ang Agosto.

Mula sa ating mga bayani bago hanggang sa matapos ang Himagsikan laban sa mga unang naging kolonisador ng ating bansang Pilipinas, wika ang isang mabisang instrumento upang mapagbuklod ang mga mamamayang tinawag nila noong indio.

Wika rin ang ginamit upang ipakintal sa nagsisimula't kumakapal na bilang ng mga manggagawa noong maagang yugto ng kolonyalismong Estados Unidos (US) ang pangangailangang magbuklod para sa sahod na bumubuhay, maalwang kondisyon sa mga pagawaan, at iba pa na magiging bukambibig bilang mga "karapatan".

Hanggang ngayon, masasabing gamit na gamit na ang ating mga wika, bukod pa sa Filipino, bilang mga wika ng pakikipagtalastasan at ugnayan sa loob at labas ng ating bansa partikular sa ating mga kababayan. Bukod dito, hindi na rin mapasusubalian na may merkado na ang wikang Filipino sa mga unibersidad sa labas ng Pilipinas; kaya't di na iilang study programs for Filipino speaking-foreigners ang inilulunsad sa mga nangungunang unibersidad sa ating bansa.

Isa lang ang ibig sabihin nito: matatag na ang wikang Filipino.

May ilang pangkat lamang na makulit na tinitibag ang tindig ng Filipino at winawalang-bahala ang naabot nito. Anila, dapat ding pagyamanin ang iba pang wikang katutubo. Walang suliranin dito at mula rito'y yayaman pang lalo ang wikang Filipino. Subalit, kapag kanilang ihahapag ang katwiran ng kanilang panig, sila'y nagi-Ingles. Kakatwang paraan.

Hindi tayo tutol sa Ingles bilang wika na ginagamit din sa Pilipinas. Subalit pangunahin bilang wikang opisyal ng bansa ang Filipino. Kaya't dapat itong payabungin ng mga Pilipino mismo. Hindi mga Pilipino ang magpapayabong ng Ingles dahil hindi ito ang wikang kinagisnan ng ating dila. Marami sa ating mga pribadong paaralan ang mahigpit pa rin ang kapit sa Ingles bilang pinto natin sa daigdig. Nabubuhay ang mga administrador nito sa malayong nakaraan. Isang pag-aaral ang lumabas kamakailan na isa na lamang ang Ingles na ginagamit sa Internet, ang kasalukuyang pinakaabanteng imbensyon ng panahong ito.

Sa ngayon, ang hamon kaugnay ng wika ay lagpasan na natin ang mariringal na pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Bukod sa mga estadistika, dapat na nating tingnan ano pa ang magagawa ng wika sa mga susunod na taon upang malutas ang matagal nang kalaban ng bansang ito: Kahirapan. Kung noong panahon ng Himagsikang 1896 ay may silbi ang wika upang putulin ang tanikala ng kolonyalismo, lalo't higit na may silbi ang wika sa panahong ito.

Nahaharap ang bansa sa matitinding bigwas ng kahirapan matapos ang Edsa 1. Ngayong Agosto, ginulantang tayo ng matinding eskandalo ukol sa pork barrel ng Kongreso -- na galing sa mga buwis natin ang pondo. Sa ganang ito, malaki ang magagawa ng wikang Filipino upang masaling muli ang damdaming makabayan natin. "Umaalingasaw ang baho", 'ika nga. 

Kaya't huwag lang nating iugnay ang Buwan ng Wika sa mga kultura't tradisyon ng nakaraan, bagkus ituon ang wika sa kasalukuyan patungo sa maaliwalas at masaganang kinabukasan.

Wednesday, July 31, 2013

Mga Bagani



Mabagal man ang pagsulong, lumalawak ang larangan
Tuwing silay ang liwanag ng umagang bagong gising;
Sakbat-sakbat ang pag-asang malaon nang hinihintay.

Hinanda na'ng mga gamit sa malayong paglalakbay
Luto na rin ang agahan sa hapag ng nagpahimpil. 
Mabagal man ang pagsulong, lumalawak ang larangan.

Natitisod mga paang hapong-hapo sa batuhan
Magpahinga'y para lamang muling masdan ang bituin;
Sakbat-sakbat ang pag-asang malaon nang hinihintay.

Aawitin sa isipan mga sakit at tagumpay
Habang himbing mga backpack, bolpen, papel, pati baril.  
Mabagal man ang pagsulong, lumalawak ang larangan.

Pagsapit sa sonang muog, di mapigil kasiyahan
mga pusong may giliw sa kan'lang hukbong bagong dating.
Sakbat-sakbat ang pag-asang malaon nang hinihintay.

Nakaikot ngayon, mga labing uhaw sa salaysay
sa harap ng panginori't kanayunan pang lalakbayin.
Mabagal man ang pagsulong, lumalawak ang larangan;
Sakbat-sakbat ang pag-asang malaon nang hinihintay.


07/31/2013

Thursday, July 18, 2013

Sa Pilipinas pa rin ako

[H]indi ba matagal na nating pinatay ang gunita ng Haring Felipe ng España nang gamitin ng bansa ang ngalang "Pilipinas"?


*****

Nitong mga nakaraang araw, tigib sa mga komentong mahusay at maging mga dunung-dunungang isip ang Facebook, rappler.com, inquirer.net, GMANewsOnline, at iba pang websites tungkol sa mungkahing pagpapalit-ngalan ng ating bansa.

Naglabas ng Resolusyon Blg. 13-19 ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na mula sa Pilipinas, magiging Filipinas na ang ngalan ng ating bansa. Ayon sa resolusyon:
"IPINAPASIYA, gaya ng ginagawang pagpapasiya ngayon, na ibalik ang gamit ng 'Filipinas' habang pinipigil ang paggamit ng 'Pilipinas' upang mapalaganap ang opisyal at modernisadong katawagan ng bansa na kumikilala sa kasaysayan at pag-unlad ng pagkabansa nito."
Sa biglang tingin, magtatanong tayong mga karaniwang mamamayan ng "Bakit papalitan?" Tulad ng mga nagtatanong at nagtataka ngayon, wala akong nakikitang suliranin o pagkakamali sa baybay na Pilipinas na pangalan ng ating bansa. Na madali rin namang ikatwiran -- na akin ding sinasang-ayunan -- na nakasanayan na ang ganyang ispeling: Pilipinas.

Ayon sa sanaysay na "Patayin ang 'Pilipinas'" ng Punong Komisyoner Virgilio S. Almario na lumabas sa pahayagang Diyaryo Filipino noong 1992, 
"Modernisado na ang ating alpabeto at kasama sa mga dagdag na titik ang 'F.' Kaya hindi na 'Pilipino' kundi 'Filipino' ang ating wikang pam bansa. Sagisag ng diwa ng modernisasyon at pagiging pambansa ng wika ang pagbabago ng unang titik mula sa 'P' tungo sa 'F.' Kaya’t sagisag din ng patuloy nating pagdadalawang-isip at  pagbabantulot palaganapin nang puspusan ang 'Filipino' ang patuloy pa nating paggamit sa 'Pilipinas.'"
Maaaring tingnan na nagagamit ngayon ni G. Almario ang kanyang naging mga pananaliksik sa wika tungo sa pagpapaunlad ng wikang Filipino, bilang Punong Komisyoner ng KWF. Sa ganitong paraan, maipagpapasalamat ang kanyang malasakit sa wikang Filipino at ang pagiging instrumental ng KWF sa mga usaping tulad nito. Ngayon ay nararamdamang-muli ng mga mamamayan na may ahensya pala ng pamahalaan na may pakialam sa wikang Filipino.

Balikan natin ang siniping pahayag sa itaas mula sa Resolution Blg. 13-19. Nakasaad dito na ang ngalang Filipinas at ang pagpapalaganap ng ganitong baybay sa ngalan ng bansa "ang opisyal at modernisadong katawagan ng bansa na kumikilala sa kasaysayan at pag-unlad ng pagkabansa nito." Tanong ko: kailan naging opisyal na ngalan ng bansa ang Filipinas? May sagot agad ang KWF. Ayon sa kanila, ito ang ipinangalan ng conquistador na Español na si Villalobos sa ating kapuluan noong 1548 at tuluyang ginamit ng conquistador din na si Legazpi noong 1565 upang tukuyin ang buong arkipelago. (Matatagpuan ang kanilang sagot sa "Mungkahing Pagbabalik ng Gamit ng 'FILIPINAS' habang pinipigil ang paggamit ng 'Pilipinas'.)

Ayon naman sa Republic Act No. 8491, Chapter IV, Sec. 41:
The National Coat-of-Arms shall have:

Paleways of two (2) pieces, azure and gules; a chief argent studded with three (3) mullets equidistant from each other; and, in point of honor, ovoid argent over all the sun rayonnant with eight minor lesser rays. Beneath shall be the scroll with the words “REPUBLIKA NG PILIPINAS,” inscribed thereon.
Na kung babaguhin ang ngalan ng ating bansa patungong Filipinas, kailangang amyendahan ang batas na ito. Batay ito sa mga kakilala kong abogado at mga nagtapos ng political science. Samakatwid, ang ngalang Pilipinas ang opisyal na ngalan ng bansa.

Sa huling bahagi ng resolusyon ng KWF, matatagpuan ang salitang "mungkahi". Na ito pala'y isang mungkahi lamang ng KWF. Ibig sabihin, nasasaating mamamayan ng bansang Pilipinas kung susundin at babaguhin na natin ang baybay ng ngalan ng bansa tungong Filipinas. (Kung ganito man, maghihintay tayo ng order mula sa Department of Education upang ipatupad sa mga paaralan na gamitin ang ngalang Filipinas para makabuo ng salinlahing gagamit ng ngalang ito para sa ating bansa.)
 

Napag-uusapan na rin ang mga mamamayan ng Pilipinas na tinatawag bilang mga Pilipino. Kabilang sa mga Pilipino ang mga nakatira sa Batanes hanggang Tawi-Tawi, hilaga hanggang timog ng bansa. Ayon sa mga nag-aaral ng wika, humigit-kumulang 170 ang mga wika ng bansa. Nangangahulugan lamang ito na may pagkakaiba at pagkakatulad ang mga wika ng Pilipinas dahil sa pinagmulang Austronesian at Malayo-Polynesian language groups at impluwensya ng mga kalapit-bansa. Bukod pa rito ang mga salitang napasali sa ating mga wika mula sa Ingles at Español. 

Samakatwid, kaya Filipino ang tawag sa ating wikang pambansa simula 1987 ay dahil malayo na ito sa Tagalog na wikang pambansa noong 1937. Ayon sa Konstitusyong 1987, pag-iibayuhin ang wikang Filipino batay sa mga umiiral na wika ng bansa. Kaya pati alpabetong Filipino ay malayo na rin sa abakadang Tagalog. At nasa diksyonaryong Filipino na ngayon ang mga salitang katutubo na may /f/, /v/, /z/, /q/, /c/, /x/, /j/, at /ñ/. Pinatutunayan ito ng isang artikulo ni Dr. Pamela Constantino ng UP Diliman.

Tanong ko naman: bakit hinahanap natin sa ngalang Filipinas ang pagpapatunay na may /f/ sa ating mga wika? Nagawa na iyan ng ngalang Filipino bilang wikang pambansa. Walang problema sa pagkilala sa mga natatanging tunog ng ibang wika na bumubuo sa korpus ng wikang Filipino. Pero bakit ipinagdidiinan ang pagkakaiba kaysa mga pagkakatulad? Ang alam ko, ang salitang "mata" ay nasa lahat ng wika sa Pilipinas. Bakit hindi natin makita ang pagkakatulad na ito?

Hindi pa ba sapat na panatilihin na lang ang ngalang Pilipinas dahil mayroon din itong batayang pangkasaysayan? Mula Filipinas noong panahon ng Español ay napalitan ito ng Pilipinas dahil naging Tagalog ang wikang pambansa noong 1937. Ito'y isang hakbang pasulong kaugnay ng wika. Ang pagbabalik ng pangalang Filipinas, sa palagay ko, ay isang hakbang paatras sa dapat na pagsulong ng kasaysayan at ng wika. Sinasang-ayunan ko pa ang opinyon ni G. Richard Gappi kaugnay ng paggamit ng Rizal News Online na "patayin ang 'Felipe'" sa ngalang Filipinas.

Pero hindi ba matagal na nating pinatay ang gunita ng Haring Felipe ng Espa
ña nang gamitin ng bansa ang ngalang "Pilipinas"?


Kaya, sa Pilipinas pa rin ako.


Thursday, May 30, 2013

Dalangin


huminto ang dyip sa kanto
saka nagbababaan ang tatlong pasahero.
muling umabante ang dyip.
muntik na nitong masagasaan
ang mag-inang pusang nasa gilid ng kalsada.
sinundan ng tingin ng inang pusa
ang matuling dyip, saka siya nagwika:
"makagat ka sana ng aso."


05/30/2013

Wednesday, May 1, 2013

5 alumni and 13 writing fellows to 20th Iligan Workshop

The MSU-Iligan Institute of Technology (MSU-IIT) and the National Commission for Culture and Arts (NCCA) announce the selection of 18 writing fellows out of 65 applicants to the 20th year of the Iligan National Writers Workshop (INWW). The workshop is on May 20-24, 2013 at the MSU-IIT.

The Iligan Workshop is one of five national writers workshops in the country but it is the only workshop that publishes its proceedings each year, and promotes the making of the literatures of the regions.

In celebration of its 20th year, the Iligan workshop invited five alumni for a discussion of their aesthetics or creative process along with their works-in-progress, at the same time they will help mentor beginning writers during the workshop.

The writing fellows are:
LUZON: Play: Dominique Beatrice T. La Victoria (English), Ateneo de Manila University/Quezon City; Fiction: Laurence F. Roxas (English) UPDiliman/Pasig City; Poetry: Ma. Amparo N. Warren (English),UPDiliman/Pasig City; Louise Vincent B. Amante (Filipino) UPDiliman/Quezon City.

INWW Alumni from Luzon: Fiction: Susan Claire Agbayani (Filipino), Maryknoll College/Manila.

VISAYAS: Fiction: Nikos H. Primavera (English), UP Visayas/Iloilo City; Poetry: Ma. Carmie Flor I. Ortego (Waray), Leyte Normal University/Calbayog City. Ortego is the 3rd Boy Abunda Writing Fellow.

INWW Alumni from the Visayas: Fiction: Hope Sabanpan Yu (Sebuano), University of San Carlos/Cebu City; Norman T. Darap (Kinaray-a), University of San Agustin/Iloilo City; Poetry: Cindy A. Velasquez (Sebuano), University of San Carlos/Cebu City.

MINDANAO: Fiction: Edgar R. Eslit (Sebuano), St. Michael’s College/Iligan City; Rolly Jude M. Ortega (English), Notre Dame of Marbel University/Isulan, Sultan Kudarat; Poetry: Amelia Catarata Bojo (Sebuano), Central Mindanao University/Musuan, Bukidnon; Marc Josiah Pranza (English), UP Mindanao/Surigao City; Shem S. Linohon (Higaunon), Central Mindanao University/ Valencia City. He is likewise the 5th Manuel E. Buenafe Writing Fellow; and Vera Mae F. Cabatana (English), MSU-IIT/Iligan City. Cabatana is the 5th Ricardo Jorge S. Caluen Writing Fellow.

INWW Alumni from Mindanao: Poetry: Ralph Semino Galan (English), MSU-IIT/Iligan City.

This year’s panelists include: Leoncio P. Deriada, John Iremil Teodoro, Merlie M. Alunan, Victorio N. Sugbo, Macario D. Tiu, Steven Patrick C. Fernandez, German V. Gervacio, Antonio R. Enriquez, Christine Godinez-Ortega (INWW Director) and the keynote speaker, Jose “Butch” Dalisay, Jr.

Dalisay, a multi-awarded fictionist and a columnist of the Philippine Star is a Coordinator for the National Capital Region of the NCCA Committee on Literary Arts. At present, he is a Professor of the UP College of Arts & Letters and is the Director of the UP Institute for Creative Writing and Literary Studies.

Highlights of this year’s Iligan workshop are the book launching of the 19th INWW Proceedings titled, Writing Memory Memory Writing (2013) edited by Godinez-Ortega and published by the OVCRE-MMIDU; the Jimmy Y. Balacuit Memorial Literary Awards; and, the Seminar on Literature, Translation & Pedagogy for tertiary language and literature teachers organized by the Department of English of the College of Arts & Social Sciences (CASS).

The seminar is on May 20, 2013 at the Mini-theatre. The lecturers are Tiu, Research Director, Philippine Women’s University; Teodoro, faculty of Miriam College; Sabanpan Yu, Director of the University of San Carlos’s Cebuano Studies Center, and Fatimah Joy S. Almarez, faculty, Department of English, CASS.

For reservations please call Honeylet Dumoran, Department of English, CASS, tel. (063) 2233806. (OC News Release)


*Salamat kay Sir German Gervacio ng MSU-IIT para sa unang pagbabahagi ng magandang balita. :-)

Saturday, March 30, 2013

Isang gunita ng Biyernes Santo




Tahimik ang paligid
Kung kailan hitik ang misteryo
Ng daigdig sa panahong ito.
            “May namatay daw kaninang alas-tres.”
“Sino?”
            “Aba’y wala akong kinalaman diyan,”
sabad ng mamang bundat
sa serbesa ang tiyan.
            Nagtawanan ang mga kainuman niya
            sa korni niyang hirit ukol sa kamatayan
            ng Hesukristo.
At sa kanilang harapan, nagdaraan ang Santo Entierro.


03/29/2013
Biyernes Santo