huminto ang dyip sa
kanto
saka nagbababaan ang
tatlong pasahero.
muling umabante ang
dyip.
muntik na nitong
masagasaan
ang mag-inang pusang
nasa gilid ng kalsada.
sinundan ng tingin ng
inang pusa
ang matuling dyip,
saka siya nagwika:
"makagat ka sana
ng aso."
05/30/2013
No comments:
Post a Comment