In the film Spartacus (1960), there is a scene where Gaius Julius Caesar (John Gavin) visits his teacher and senator, Gracchus (Charles Laughton), and invites him to the Senate. Gracchus asks, "Joining Crassus?" Caesar replies, "What I do, I do not for myself. But for Rome."
As Gracchus sits in the hall and listens to allegations of rebellion, Crassus (Laurence Olivier) declares the former as the instigator. "Enemies of the State are known. Arrests are in progress. The prisons begin to fill. And every city and province, lists of the disloyal have been compiled," says Crassus. "And where does my name appear on the list of disloyal enemies of the state?" asks Gracchus. "First," replies Crassus, showing him the lists. This scene alludes to the experiences of Spartacus screenwriter Dalton Trumbo and nine other screenwriters and directors, collectively known as the Hollywood Ten, being blacklisted and barred from work by the major film studios. The Ten refused to answer questions in Congress hearings in 1947 about their alleged involvement and sympathies to the Communist Party of the USA. The hearings suspect they have inserted communist ideologies in their films. Since then up to the early 1960s, a list of suspected Communists in the Hollywood film industry was growing, from writers and scorers to directors and producers; thereby damaging the reputation of many people. The Hollywood blacklist was finally broken when Trumbo received full credit for the film Spartacus. *I do not own copyright of this footage. For educational purposes only.Mga Pagmumuni-muni mula sa Itaas, Gitna, Ilalim, at Gilid-gilid na Aspekto ng mga Bagay/ Thoughts from the Above, Middle, Under, and Marginalized side of Things
Wednesday, January 27, 2021
Monday, March 4, 2019
Hiatus (or Why No New Posts)
Good day.
My last post was done on October of last year. Since then, I have been very occupied with my academic life: pursuing the long overdue graduate degree. Reading and annotating books and articles for my research project is really hard but rejuvenates the skill I was used to doing years ago.
This is why I have not posted anything since then. I hope to finish the writing of my graduate thesis come May and defend it on June or July. Until then, a few posts will not harm the timetable I have created for this final academic requirement. A gift for myself because I turned 37 on February 10.
And now, may you enjoy, dear reader, a song from Bob Dylan. Just play the video below. (No copyright infringement intended. For entertainment purposes only.)
My last post was done on October of last year. Since then, I have been very occupied with my academic life: pursuing the long overdue graduate degree. Reading and annotating books and articles for my research project is really hard but rejuvenates the skill I was used to doing years ago.
This is why I have not posted anything since then. I hope to finish the writing of my graduate thesis come May and defend it on June or July. Until then, a few posts will not harm the timetable I have created for this final academic requirement. A gift for myself because I turned 37 on February 10.
And now, may you enjoy, dear reader, a song from Bob Dylan. Just play the video below. (No copyright infringement intended. For entertainment purposes only.)
Friday, October 19, 2018
Babasaging Liyab
![]() |
| Larawan mula sa https://lifeconfusions.files.wordpress.com/2013/10/hand_of_fire_by_qzr1.jpg |
Babasaging Liyab
ni Louise Vincent B. Amante
natupok
ng babasaging liyab
ang gulanit na palad
sa sulok
na inaamag, isip
ang di pa makaidlip.
naidlip
ang inamag na sulok
agad-agad natupok,
gulanit
ang babasaging liyab,
sugatan pati palad.
19 October 2018
Pasig City
Thursday, September 27, 2018
Saturday, September 22, 2018
Thursday, August 23, 2018
Monday, August 6, 2018
Limang Haiku
Limang Haiku
ni Louise Vincent B. Amante
1. Mouse
Left saka right click.
Ang cursor ay nagbi-blink.
Save ba or delete?
2. Monitor
Waiting for updates...
15% completed...
1 hour na 'kong late.
3. Keyboard
Press Ctrl + S.
ThesisLastNaTo.docx
Save? OK ka lang?!
4. External Hard Drive
Pang-back up nga lang,
Nadali pa ng virus.
Extra savings ko, damay.
5. Wi-fi
Nakikabit. Yey!
Buti simple ang password:
PaTokhangNiLord.
Agosto 6, 2018
Cainta, Rizal
ni Louise Vincent B. Amante
1. Mouse
Left saka right click.
Ang cursor ay nagbi-blink.
Save ba or delete?
2. Monitor
Waiting for updates...
15% completed...
1 hour na 'kong late.
3. Keyboard
Press Ctrl + S.
ThesisLastNaTo.docx
Save? OK ka lang?!
4. External Hard Drive
Pang-back up nga lang,
Nadali pa ng virus.
Extra savings ko, damay.
5. Wi-fi
Nakikabit. Yey!
Buti simple ang password:
PaTokhangNiLord.
Agosto 6, 2018
Cainta, Rizal
Monday, July 30, 2018
Dalawang Tula
Panaginip*
Nagising akong wala
ka sa aking tabi.
At naging basag na salamin
ang ating higaan.
Dagli akong bumangon.
Inapuhap ka sa labas ng bahay.
Nilakad ko ang kalsadang
puno ng makikintab na bubog.
Nakarating ako sa kalapit na ilog.
Nagniningning ang mga basag nitong alon.
At naroon ka sa kabilang pampang.
Nais kitang tawagin, abutin.
Ngunit nabasag ang aking tinig.
12/03/2010
*orihinal na multiply post, 8 December 2010, 2:27PM
Paggising**
Paggising ko,
wala ka na sa aking tabi.
Pinagpapawisan ako nang malamig.
Basag ang liwanag
mula sa poste sa labas.
Sumusugat sa aking paningin
ang ilang piraso
ng basag
na salamin
ng tokador.
12/03/2010
**orihinal na multiply post, 8 December 2010, 2:27PM
nirebisa: 28 Hulyo 2018
Nagising akong wala
ka sa aking tabi.
At naging basag na salamin
ang ating higaan.
Dagli akong bumangon.
Inapuhap ka sa labas ng bahay.
Nilakad ko ang kalsadang
puno ng makikintab na bubog.
Nakarating ako sa kalapit na ilog.
Nagniningning ang mga basag nitong alon.
At naroon ka sa kabilang pampang.
Nais kitang tawagin, abutin.
Ngunit nabasag ang aking tinig.
12/03/2010
*orihinal na multiply post, 8 December 2010, 2:27PM
Paggising**
Paggising ko,
wala ka na sa aking tabi.
Pinagpapawisan ako nang malamig.
Basag ang liwanag
mula sa poste sa labas.
Sumusugat sa aking paningin
ang ilang piraso
ng basag
na salamin
ng tokador.
12/03/2010
**orihinal na multiply post, 8 December 2010, 2:27PM
nirebisa: 28 Hulyo 2018
Thursday, July 26, 2018
"Awit ng Umaga" ni Sylvia Plath
Awit ng Umaga
ni Sylvia Plath
Pinaiinog ka ng pag-ibig tulad ng isang mataba, gintong relo.
Hinampas ng komadrona ang iyong mga talampakan, at ang kalbo mong iyak
Ay dumikit sa lahat ng elemento.
Umaalingawngaw ating mga tinig, isinisigaw ang iyong pagdating. Bagong estatwa.
Sa isang kaylamig na museo, kahubdan mo’y
Anino sa ating kaligtasan. Tila tayo mga pader sa pagkakatindig.
Hindi ako ang iyong ina
Higit pa sa ulap na parang salamin sa pag-aninag sa sariling pag-usad
Sa tulak ng kamay ng hangin.
Buong gabi ang mariposa mong hininga
Ay sumasayaw sa mga kalimbahing rosas. Gumising ako para makinig:
Nasa tainga ko ang wika ng isang malayong dagat.
Isang uha, natumba ako sa kama, mabigat ang gatas at mabulaklak
Sa aking Victorian nightgown.
Sinlinis ng nakabuka mong bibig ang sa pusa. Ang kuwadrong bintana’y
Namumuti at nilulunok ang mga naghihingalong bituin nito. At sinusubok mo ngayon
Ang ilan mong kalatas;
Ang malilinaw na patinig ay umalagwang tulad ng mga lobo.
26 Hulyo 2018
Salin ni Louise Vincent B. Amante
Mula sa:
Plath, Sylvia. The Collected Poems. Introduction and edited by Ted Hughes. New York: Harper Perennial, 1992. 156-157.
Friday, June 29, 2018
"Iniwan akong mag-isa sa daigdig" ni Fernando Pessoa (aka Ricardo Reis)
| Larawan mula sa https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSBUmOg-FdiSQUBf332mgMuAuU_D40vJdSj7jC6HNjCUosZ5rAG2g |
Iniwan akong mag-isa sa daigdig
Fernando Pessoa (aka Ricardo Reis)
Iniwan akong mag-isa sa daigdig
Ng mga nagtatadhanang Diyos.
Walang saysay makipagtalo: anuman ang kanilang kaloob
Walang tanong-tanong kong tinatanggap.
Tulad ng yumuyukong palay, inaangat
Ang ulo kapag huminto na ang hangin sa pag-ihip.
19 Nov 1930
Salin sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante
28 Hunyo 2018
Mula sa:
Pessoa, Fernando. Fernando Pessoa & Co.: Selected Poems. Edited and translated from the Portuguese by Richard Zenith. New York: Grove Press, 1998. p. 134.
Monday, June 11, 2018
"Palaisipan" ni Octavio Paz
| Larawan mula sa https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTC2fWSbOT5JkGFfHPFKiUVhSm2jNRp2a9FrojdHS4ecOYlFz_9 |
Palaisipan
ni Octavio Paz
Isinilang tayo mula sa isang tanong,
bawat kilos natin
ay isang tanong,
ang ating mga taon ay gubat ng mga tanong,
ikaw ay isang tanong at gayundin ako,
ang Diyos ay kamay na di napapagod kumatha
ng mga uniberso sa anyo ng mga tanong.
Salin sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante
11 Hunyo 2018
From:
Paz, Octavio and Marie Jose Paz. "Enigma" in Figures and Figurations. New York: New Directions Publishing Corp., 1999, p.14, 35.
Thursday, May 24, 2018
Sa Tungki Ng Ilong (Rebyu ng Citizen Jake)
Sa Tungki Ng
Ilong
ni Louise Vincent B. Amante
Rebyu ng Citizen
Jake
Pelikula ni Mike De Leon; Iskrip nina Mike De Leon, Noel Pascual, at Atom Araullo; Produksyon ni Mike De Leon at Cinema Artists Philippines
NASA TUNGKI ng ating ilong ang pandarambong, pagtataksil, at pagsasamantala ng mga nasa poder ng kapangyarihan.
Pelikula ni Mike De Leon; Iskrip nina Mike De Leon, Noel Pascual, at Atom Araullo; Produksyon ni Mike De Leon at Cinema Artists Philippines
NASA TUNGKI ng ating ilong ang pandarambong, pagtataksil, at pagsasamantala ng mga nasa poder ng kapangyarihan.
Nasa harap na natin ngunit hindi makita dahil
nagtatago. O marahil ay nagbabalatkayo. Kaya nagbubulag-bulagan maging ang mga
sumasamba sa kanila.
Sa ganitong mga imahen maaaring panoorin ang
pinakahuling pelikulang nilikha ni Mike de Leon: ang Citizen Jake.
Taong 1999 ipinalabas ang huling pelikula ni de
Leon, ang Bayaning Third World. Isa
itong mala-imbestigasyon sa pagkabayani ni Jose Rizal kaugnay ng selebrasyon noong
1998 ng Sentenaryo ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa kolonyalismong Espanyol.
Mula 1996 hanggang 1998, pinaggastusan ng administrasyong Ramos ang Sentenaryo
gaya ng pagpapatayo ng Centennial Expo sa Pampanga, mga patimpalak sa
panitikan, mga programang pantelebisyon ukol sa Himagsikang Pilipino, at iba
pa. At halos naging poster boy si Rizal ng pagdiriwang na ito. Bagaman
ibinabandila ang nasyonalismong nanaig sa mga panahong iyon, binubura naman ng Sentenaryong
ito ang naganap na pagsupil sa kalayaang ito ng kolonyalismong Estados Unidos
mula 1899 hanggang 1946.
Tulad ng paglalantad ng Bayaning Third World sa mga hindi pinag-uusapang bahagi ng buhay ni Rizal – tulad ng kanyang diumano’y pagbabalik-loob sa pananampalatayang Katoliko at ang pagtatakwil niya sa Himagsikang Pilipino – isinisiwalat ng Citizen Jake ang mga pangyayaring pangkasaysayang nauulit lamang gamit ang ibang pangalan at mukha. Ngunit halos hindi natin pansinin.
Tulad ng paglalantad ng Bayaning Third World sa mga hindi pinag-uusapang bahagi ng buhay ni Rizal – tulad ng kanyang diumano’y pagbabalik-loob sa pananampalatayang Katoliko at ang pagtatakwil niya sa Himagsikang Pilipino – isinisiwalat ng Citizen Jake ang mga pangyayaring pangkasaysayang nauulit lamang gamit ang ibang pangalan at mukha. Ngunit halos hindi natin pansinin.
Tagapagpalaganap
Sa blog naglalathala si Jake Herrera (Atom Araullo) ng
mga kritikal niyang artikulo, makasakit man ito sa kahit sino maski ang kanyang
amang senador na si Jacobo (Teroy De Guzman) at kuyang kinatawan sa Kamara na
si Roxie (Gabby Eigenmann). Dahil sa maaanghang niyang artikulo, napilitang magbitiw
si Jake sa pinapasukang pahayagan at nagtuturo sa isang kolehiyo sa Baguio
City. Napamahal siya sa lungsod na ito dahil sa dito niya laging naaalala ang
kanyang namayapang ina (Dina Bonnevie).
Bukod sa pagtuturo at pagsusulat, kaagapay ni Jake
sa buhay niya sa Baguio ang kasintahan at kapwa-gurong si Mandy (Max Collins)
at ang kababatang si Jonie (Adrian Alandy) na anak ng mga tagapangalaga (Ruby
Ruiz at Nanding Josef) ng bahay ng mga Herrera sa nasabing lungsod.
Isang krimen ang magpapasidhi sa malamig na relasyon
ni Jake sa kanyang pamilya. Isang estudyante ni Mandy ang walang awang
pinaslang at hinalay sa isang cottage sa lungsod. Dahil na rin sa udyok ni
Mandy, nag-imbestiga si Jake ukol sa krimen.
Lingid kay Jake, pinamamatyagan siya ni Roxie sa bodyguard
niyang si Enchong (Richard Quan) sa lahat ng ginagawa ng una sa Baguio. Maging
si Jonie ay pinilit ni Roxie na matyagan si Jake. Nang magpunta sa Baguio si
Roxie para ipaalam kay Jake na ipagbibili na niya ang bahay, galit niyang
pinaalis ang kanyang kuya. Ngunit ibinunyag ni Roxie na alam niya ang lahat
nang pinaggagawa ni Jake sa Baguio, maging ang iniimbestigahan nitong krimen. Galit
na galit si Jake kay Jonie kahit na humihingi na ito ng tawad.
Sa pag-iimbestiga ni Jake sa krimen, malalaman
niyang may kaugnayan ang biktima sa isang hukom (Nonie Buencamino) at kay Ms.
Patti (Cherie Gil), mga maimpluwensiyang kaibigan ng pamilya Herrera. Ang hukom
ay naging tagatangkilik ng escort services na pinatatakbo ni Ms. Patti, minsang
naging kalaguyo ng dating Pangulo. Malalaman din niyang may koneksyon sa amang
si Jacobo ang pagkamatay ng kanyang ina. Dala-dala ang baril na nabili niya sa
isang pulis, sumugod siya pa-Maynila at kinumpronta ang ama. Naroon si Enchong
at nag-aabang sa mga susunod na pangyayari. Nang itutok ni Jake ang baril sa
ama, akmang bubunot din ng baril si Enchong. Ngunit binaril siya ni Jake. Mula
rito’y hindi na siya makikipagkita sa kanyang pamilya.
Kasaysayan
Sa ganitong konteksto maikakawing ang paglikha sa Citizen Jake. Tahasang kinokontra ng
pelikulang ito ang mga lumalaganap sa social media ukol sa mga mito ng pamilya
Marcos nang sila pa ang nasa Malacañang. Ang palitang piso kada isang dolyar kaya
maunlad ang buhay noong pangulo pa si Marcos. Ang yaman ng pamilya Marcos na
kayang bayaran ang utang ng Pilipinas. Ang sandamakmak na medalya ni Marcos
dahil sa kabayanihan niya noong kolonyalismong Hapon. At ang naunsyaming
ala-Singapore ng Pilipinas ngayon kung hindi lang nawala sa poder ang mga
Marcos. Ngunit pinatunayan ng mismong aide-de-camp
ni Marcos na si Primitivo Mijares na peke ang marami sa mga medalya ng dating
Pangulo. Na mahilig sa sapatos si Imelda kaya umabot ng libo-libong pares ang
kanyang pinagbibili sa labas ng bansa. Ito at ang iba pang insider information ay
nilathala ni Mijares sa kanyang aklat na The
Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos (1976). Pagkalathala
ng aklat, hindi na nakita pang muli si Mijares. Ang isang bahagi ng impormasyon
sa aklat ay ginamit sa pelikula upang buhayin ang karakter ni Ms Patti sa Citizen Jake. At si Ms Patti ang
bumibigkas ng matatamis na salita sa mga babaeng gipit sa salapi upang
mag-escort service.
Ipinakikita rin sa pelikula ang kahalagahan sa
edukasyon, partikular sa laging pag-alala sa kasaysayan. Isa sa makukulay na
karakter sa Citizen Jake si Lucas
(Lou Veloso), kapwa-guro ni Jake sa Baguio. Naging aktibista si Lucas noong
dekada 1970, nahuli, at nakaranas ng tortyur noong panahon ng Batas Militar.
Maswerteng nabuhay at nagturo sa pamantasan. Sa isang eksenang nag-uusap sila
ni Jake ukol sa eleksyon, binigkas ni Lucas na “Eleksyon na naman! Yes! New set
of a**holes! Yeah!”
Tahasang binabangga ng Citizen Jake ang umiiral na paniniwalang maging apolitikal na lamang ang isang mamamayan at gumawa nang mabuti para sa sarili at sa pamilya. Isa itong dilemma kay Jake dahil alam niyang may mantsa ang pangalang Herrera ngunit kagalang-galang pa rin sa mata ng marami, lalo na ang mga nasa itaas. Kaya kailangang tumbalikin ni Jake ang sarili at maging mamamahayag, sumulat ng maaanghang na artikulo kahit masaktan ang kanyang pamilya.
Politikal
Ang Citizen
Jake na marahil ang pinakapolitikal na pelikula ni De Leon mula pa sa Batch ’81 (1982) at Sister Stella L. (1984). At ang dalawang pelikulang nabanggit ay
nilikha ni De Leon sa kasagsagan ng diktaduryang Marcos. Sa administrasyon
ngayon na lantarang maka-Marcos, mapapansing kung ano ang naging mga
istratehiya at taktika ng dating diktadurya ay siyang naging pamamaraan din ngayon
ni Duterte.
Isa sa mga ito ay ang paggamit sa isyu ng iligal na
droga upang maipatupad ang isang de facto police state. At mapakulong at
mapatay ang sinuman dahil dito. Umaabot na ngayon sa mahigit 6,000 ang mga
napatay dahil sa Oplan Tokhang nang wala man lang patunay kung sangkot nga ba
sa iligal na droga ang marami sa mga ito.
Binansagan din ang media bilang mga nanggugulo sa
mga polisya ng administrasyong Duterte. Kaya ginipit sa iba’t ibang paraan ang
pahayagang Inquirer at news website na Rappler huwag lang silang makapaghatid
ng mga ulat. Lumaganap naman ang “fake news” ngayon sa social media, na dinadala
ng mga lehitimong opisina ng pamahalaan.
Pinakamasahol sa mga ito ay ang pagpapalibing sa
dating diktador sa Libingan ng mga Bayani. Pinatunayan na ng mga korte sa US na
nandambong ng bilyon-bilyong piso ang pamilya Marcos at naging polisiya noong
Martial Law ang pagdakip at pagtortyur sa mga kritiko nito.
Ilan lamang ang mga ito sa tinalakay ng Citizen Jake. Gamit ang voiceovers at
montage, isinalaysay ni Jake ang naging madugo at marahas na kasaysayan ng
Pilipinas sa loob ng mahigit 50 taon. Na kung tutuusin ay nauulit lamang sa
ibang lugar at ibang pangalan. Nasa harap na natin ngunit hindi natin makita.
*Ang mga larawan ay mula sa Facebook account ng Citizen Jake.
Monday, March 19, 2018
Kalidad (o kung bakit masarap pa rin sa Ma Mon Luk)
ni Louise Vincent B. Amante
Gustong-gusto ko ang homiliya kahapon ni Rev. Fr. Mon Eloriaga, ang kura paroko ng St. Joseph Shrine sa Anonas, Quezon City. Kahit na umabot ng kalahating oras ang kanyang sermon ukol sa Ebanghelyo, isang bahagi nito ang nakakiliti ng aking atensyon. At maging intelektwal na "kulit."
Sa umpisa ng kanyang homiliya, ibinahagi niya ang tungkol sa balak niyang papiyesta ngayong araw. (Marso 19 ang araw ng Pista ni San Jose.) Balak niyang ipakain ay mami at siopao mula sa Ma Mon Luk. Sabi niya sa homiliya, "Pinapili ko sila: regular mami plus special siopao o special mami at regular siopao? O parehong regular o parehong siopao? Pareho namang masarap iyon," paniguro niya.
Pumunta agad sa Ma Mon Luk si Father kasama ang Parish Management Officer (PMO). "Ngunit ang sabi ng manager ng Ma Mon Luk, 'Sorry po, but we could not do your request.' "Nagtaka si Father at ang PMO. "Daragdagan lang naman ng crew ng Ma Mon Luk ang regular na nilang inihahandang mami at siopao para sa Pista ni San Jose. Ngunit ulit ng manager ng Ma Mon Luk, 'Sorry po, but we could not do your request.' "
Saka na nagpaliwanag ang manager. Ayon sa homiliya ni Father, " 'Pine-preserve po namin ang quality ng Ma Mon Luk.'
" 'Ang init pa rin dito. Hindi iyon quality. Bakit hindi kayo mag-aircon?' tanong ko.
" 'Ginawa na po namin iyan. Para mas komportable sa customers. Pero nagbago po ang lasa ng mami at siopao.'
" 'Pero bakit nga hindi ninyo magagawa ang order namin?' ang PMO na ang nagtanong.
" 'Kasi po, kung ano po ang dami ng mami at siopao na ginagawa namin, iyon lang po ang ginagawa namin. Since magsimula po ang Ma Mon Luk, iyon na po ang sinusunod namin.'
"Umaalingawngaw sa aking pandinig ang salitang 'quality.'" Saka na nagpatuloy si Father sa pag-ugnay ng kaniyang ikinuwento sa Ebanghelyo.
Ano'ng mayroon dito? Matagal na akong huling nakakain ng special mami at special siopao sa Ma Mon Luk. Una kong nabasa ang ngalang ito sa tula ni Pete Lacaba na "Ang Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan dela Cruz." Kaya nang makita kong may Ma Mon Luk sa Quezon Avenue, naging lugar na namin ito ni Margie (asawa ko ngayon) para mag-date doon. Kahit ang anak naming si Likha, gustong-gusto ang siopao ng Ma Mon Luk.
Sa sinabi ni Father, tumpak ang salitang quality para sa Ma Mon Luk. Hindi man nakapag-expand -- ang isa pang branch nito ay sa Quiapo malapit sa Raon -- walang tatalo sa kalidad ng kanilang produkto. Tulad sa pangalan at dangal, dapat ingatan at hindi sinasayang.
Kaya hindi totoo ang sinasabing karne ng pusa ang laman ng kanilang siopao. Sino'ng nagkalat ng tsismis na ito at hindi mamamatay-matay? Ayon sa isang chef na nakausap ko ilang taon na ang nakararaan, isang sikat na sikat fast food chain ang pasimuno nito.
Nawa'y manatili pa ng mahabang panahon ang kalidad ng produkto ng Ma Mon Luk.
19 Marso 2018
Lungsod Quezon
Subscribe to:
Posts (Atom)


