๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐น๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ถ๐ป ๐๐ต๐ฒ ๐๐ถ๐ฟ: ๐๐ผ๐ฏ ๐๐๐น๐ฎ๐ป@๐ด๐ญ ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐๐ผ๐ป๐๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฎ
Mayo 24, Martes. Muli naming idinaos ni Abet Umil ang ikalawang Bob Dylan Philippine Convention ngayong taon via Zoom. Kaiba sa biglaang Zoom meeting noong isang taon, pinili naming magkaroon ng daloy ang naging kombensyon. Nagpulong kami ng dalawang beses via Facebook Messenger call para sa programa at nag-tech check noong gabi ng Mayo 23.
Tumugon agad sa imbitasyon sina Boy Dominguez at Von Datuin na dadalo. Si Von pa nga ang nag-suggest na tawaging “Blood on the Ballots” ang convention, galing sa Dylan album na ๐ฉ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐. Umaga naman ng Mayo 23, pinatugtog ko sa Spotify ang naturang album. “Tangled Up in Blue” agad dahil ito ang first track. ๐โ๐๐๐ ๐ค๐๐ ๐๐ข๐ ๐๐ ๐๐ ๐กโ๐ ๐๐๐๐́๐ ๐๐ก ๐๐๐โ๐ก/๐ด๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ข๐ก๐๐๐ ๐๐ ๐กโ๐ ๐๐๐ . . . Lightbulb moment! May pamagat na ang convention!
Sayang at di nakadalo ang ilang inimbita gaya nina Mike Garcia, Fidel Rillo, Angelo Garcia, at Arnel Moje. First time namang dumalo sina Sir Bong Ramilo at Aya Jallorina. Nasa kalagitnaan na nang nakadalo sina Sir Joseph Purugganan at Lito Guarin.
Naka-log in na ako ng 7:30PM para mag-share screen at magpatugtog ng ilang Dylan performances habang naghihintay ang mga inimbitahan sa Dylan convention. Suhestiyon ni Abet na i-record ang Zoom meeting para may documentation na. Naka-set na mula 8 hanggang 11PM ang convention para marami-raming mapag-usapan. Nagkumustahan muna kami at ipinakilala ang mga sarili paano na-introduce sa mga kanta ni Dylan. Kinuwento ko na dahil sa pelikulang ๐ฐ’๐ ๐ต๐๐ ๐ป๐๐๐๐ ni Todd Haynes na niregalo sa akin ng kaibigan kong si Adriano Jacinto Jr. na nasa Canada ngayon kaya ako na-hook kay Dylan.
Maitatanong: Ano ba ang silbi ni Dylan sa mga Pilipino? Siyempre, wala. Pero may madudukal sa kanyang mga kanta na pwedeng magamit bilang inspirasyon sa paglikha ng sining, sa pakikibaka sa buhay.
Bilang panimula, nag-present screen ako ng slide show na ginawa ko via Canva na nagpapakita ng ilang highlights sa buhay at musika ni Dylan. Ang pagiging Woody Guthrie fan niya at paggaya sa kanyang idolo, paglikha ng mga orihinal na awitin gamit ang folk song structures, ang “pagtatraydor” niya sa folk para maging rock star, pagbabad niya sa Americana kasama ang The Band, pagbuo niya ng Rolling Thunder Revue kasabay ng mga sigalot sa politika at lipunang Estados Unidos, born again Christian phase sa huling taon ng dekada 1970 hanggang mga unang taon ng dekada 1980, tagtuyot ng creativity niya sa halos buong dekada 1980, pagbabalik ng kanyang creative juices noong 1989 na nagresulta sa album na ๐ถ๐ ๐ด๐๐๐๐, una niyang Grammy Award noong 1998 dahil sa album na ๐ป๐๐๐ ๐ถ๐๐ ๐๐ ๐ด๐๐๐ na lumabas nang nakaraang taon, at ang paggawad sa kanya ng Nobel Prize for Literature noong 2016.
Para magpatuloy ang diskusyon, pinatugtog ko ang isang performance noong 1965 ni Dylan ng “It’s All Right, Ma (I’m Only Bleeding).” Ang haba ng kanta! Sabi nga ni Sir Bong, nanalo si Dylan sa Nobel hindi dahil sa music pero dahil sa poetic lyrics. May quote pa siya galing kay Dylan na sinipi ni Paul Zollo sa inedit niyang aklat na Songwriters on Songwriting: "The world doesn't need any more songs.... As a matter of fact, if nobody wrote any songs from this day on, the world ain't gonna suffer for it. Nobody cares. There's enough songs for people to listen to, if they want to listen to songs. For every man, woman and child on earth, they could be sent, probably, each of them, a hundred records, and never be repeated. There's enough songs. Unless someone's gonna come along with a pure heart and has something to say. That's a different story."
Di lang kami napako kay Dylan. Nabanggit din sa usapan sina Joni Mitchell at Joan Baez, Beatles at Pink Floyd, pati ang mga kontemporanyong sina Adele, Taylor Swift, at maging ang Korean group na BTS. Kanya-kanyang persona sa bawat panahon. Pero si Dylan, may iba-ibang persona mula noon hanggang ngayon. Sabi nga niya sa isang press interview noong 1985, “I am Bob Dylan when I want to be Bob Dylan. Most of the time, I am me.” Pinatugtog ko ang isa sa mga kanta ni Dylan sa pinakahuli niyang album na ๐น๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐น๐๐๐ ๐ ๐พ๐๐๐ na lumabas noong 2020, ang “False Prophet.” Nabanggit ni Abet ang consistency ni Dylan pagdating sa lyrics mula noon hanggang ngayon lalo na sa mga linyang “I ain’t no false prophet - I’m nobody’s bride/Can’t remember when I was born and I forgot when I died.”
Dahil may nakasukbit na silindro at hawak na gitara si Boy D, pinatugtog at pinakanta namin siya. Pinili niyang awitin ang “Girl from the Northern Country.” Isang magandang rendisyon! Ikinuwento niyang minsang para din siyang si Bob Dylan pero sa painting niya nilalabas. Kantyaw ni Biboy Delotavo, isa ring pintor: “Bob Dylan nga. Walang kasing chorus.” Kaya pala binansagan niyang Dadaism ang sarili niyang mga pinta. Madada kasi.
Pero kailangan natin ang mga tungkol sa dinaanan ni Dylan, madada man siya o minsan ay hindi. Sabi nga ni Sir Bong, “We come along with a pure heart with what we have to say. Lalo na sa panahong ito nang may mga nagtatangkang burahin ang kasaysayan.”
Natapos ang gabi sa maikli at madamdaming rendisyon ni Von ng “Buckets of Rain” ni Dylan.
No comments:
Post a Comment