Sunday, November 22, 2015

Tanim-Bala sa NAIA

Mula ang larawan sa kwentongofw.com

Tanim-Bala sa NAIA

ni Louise Vincent Amante



Lihim na itinanim

sa biktimang maleta,

OFWng hamak –

may ani palang bala!

Hindi rin pinalampas

seniors, mga turista.

"Isolated case," ani

Honrado ng NAIA.

"Konti lang iyan," sagot

ni Kalihim Abaya.

Tinanong naman si Mar,

sigaw n'ya "Propaganda

'yan laban sa gobyerno!"

Naging pasahang-bola

ang dapat ginagapas

ligaw na ebidensya.

Hangga't ang mga utak

sa tanim-bala'y laya,

kamal-kamal ang tubo

ng misteryosong mafia.



5 Nob 2015

Saturday, August 29, 2015

How peculiar: Foodcourt and the INC


I logged out from work late last night. From Pearl Drive in Ortigas, I walk to Shangri-La Plaza Mall in Edsa-Shaw Blvd. to get my train ride going home.

Almost hungry, I decided to have a bite at the said mall's food court. It is downstairs, at the basement level. As my foot touched the last step of the stairs, I turned my head to the right and I saw that all seats of the food court are taken. Those without seats are sitting at the floor. Some are eating, some are chatting. Nothing peculiar. I see this almost everyday.

As I approach a certain food stall, I saw near its entrance a guy wearing a light blue polo shirt with an Iglesia Ni Cristo (INC) logo. Nothing peculiar again, I said to myself. The food stall is also occupied with people. But I noticed that some of them are wearing the same shirt of the guy I saw earlier.

I started to roamed around and there they are -- INC members eating and chatting at the foodcourt. Now, that is peculiar. I wonder why they are here.

Ah! Some INC members are staging a protest action at the Department of Justice (DOJ) in Ermita since Thursday. They are reiterating the principle of the separation of Church and State. This is about the alleged illegal detention of some INC ministers loyal to a faction of the Manalo family who heads the INC.

Are these people at the foodcourt will proceed at the DOJ to strengthen the ranks of their fellow INC members there? I totally forgot to eat and headed straight to the train station.

Upon reaching home, I relayed to our family about the INC members being at the foodcourt. Then the TV flashed a breaking news about the INC staging another protest at Edsa-Shaw Blvd.

Does the security service of the mall haven't had any idea about the swelling of INC members at its premises last night? How about the local government of Mandaluyong? Why were they caught unaware about this incident?

But the biggest question here is this: why are they insisting that the conflicts of the Manalo family be considered as "internal and MUST BE RESOLVED BY THEM" when in fact a case is filed citing illegal detention?

The issue gets bigger day by day.

I just hope this INC hullabaloo end soon. And the rule of law, and reason, prevail.

29 August 2015

Saturday, July 18, 2015

Tatlong Tanaga

Wallet

Sa may sidewalk napulot
'Sang wallet na synthetic.
Tanging laman sa loob:
Pekeng Amer'can Express.

Bulsa

Malapit na sa Taytay.
Ibabayad na barya
Di mahukay ng kamay...
Butas pala ang bulsa! 

Sahod

Sahod na kakarampot
Tiisin kahit kapos.
Pasalamat sa pagod
Ng 'yong among kuripot.
 


Hulyo 18, 2015

Saturday, May 9, 2015

(P)Utang(na)

(P)Utang(na)
182 bilang ng salita

Iniisa-isa niya ang mga gastusin sa bahay. Kuryente: P9,000. Tubig: P1,500. Renta: Nakikitira sa bahay ng mga biyenan, libre. Abot sa mga biyenan: P3,000. Diapers ng bunso... Matrikula ng panganay... Sariling pangyosi...

Nakukurta na ang utak niya sa pagkakalkula. Dumukot siya sa kanyang wallet ng bente pesos. “Manong, isa lang. Sa Kamias. Galing Morato.” Iniabot ng katabi ang pera sa drayber ng dyip.

Kaninanga bago mag-uwian, nagpasalamat siya sa may-ari ng karinderyang malapit sa kanyang pinapasukan. Kahit pamasahe lang ay pinahiram siya. Pangako niya, mababayaran niya ang mga utang pagdating ng katapusan sa susunod na linggo.

May sumakay na batang gusgusin, may dalang trapong napakarumi. Pinunasan niya isa-isa ang mga sapatos at maging ang paa ng mga nakatsinelas. Hindi niya pinansin ang ipinampunas ng bata, at ang bata mismo. Nakalahad ang palad nito, may bakas pa ng natuyong rugby.

“Sukli sa bente, o!” sabi ng drayber. Iniabot sa kanya ng katabi ang sukling sampung piso.

Bago pa dumampi sa palad niya ang barya, sinaklot na ito ng batang gusgusin, sabay karipas ng takbo pababa sa dyip.

Wala na siyang nasabi kundi "Putangna." #

Monday, March 30, 2015

Homo estudyanteis masipagum: Endangered na nilalang

Dahil officially bakasyon na, buburahin na ng Homo estudyanteis ang photos ng lectures na pinaghirapang isulat sa blackboard o whiteboard ng propesor para sa subject na expertise niya. Pati na rin iyong mga slide show ni propesor na minsan lang niya iedit.

Imagine na lang ang mga taon (pawis, puyat, at pagod) na pinuhunan ng propesor para lang maituro ang subject niya sa mga katulad na Homo estudyanteis. Ilang taon na rin niyang nalalanghap ang chalk o ang tinta ng white board marker. Tapos, buburahin na lang ng gayon-gayon na lang?

Paano kung kailangan pala sa board o bar licensure exams ang itinuro ng propesor? E binura na ng Homo estudyanteis sa phone ang lecture notes!

Tsk, tsk, tsk. Kaya nga inimbento ang note book: para sa notes.


Kung ilalagay ito sa Twitter, angkop ang mga hashtag na "#‎tamadpamore‬" at "‪#‎REAL_Student_Is_A_Rare_Breed‬". Sa ganitong mga pangyayari, mahirap nang iasa sa kasalukuyang salinlahi ng mga estudyante ang kapalaran ng bansa. Iyon nga lang, unique ang Pilipinas kasi ito ang bansa na ang mg lider ay iyong mahihilig mag-selfie. Kaya nagiging selfish sila ngayon.

Tsk, tsk, tsk uli.

Saturday, February 14, 2015

Feb-ibig na Baduy

Kapag sinimulan sa "Nang una kitang makilala...", baduy.
Kapag tinapos sa "I love you..." o "Mahal kita...", araguy!

Kawawang pag-ibig,
hindi na alam
kung saan lulugar.

Puwede na bang ala-Lang Leav?
o Marcelo Santos III? 

Monday, January 19, 2015

Pope Francis sa Pilipinas, 15-19 Enero 2015

Si Luis Antonio Cardinal Tagle at Pope Francis sa Meeting with the Families, 16 Enero 2015, Pasay City.
Larawan: http://www.stripes.com/polopoly_fs/1.324352.1421456888!/image/image.jpg_gen/derivatives/landscape_804/image.jpg
Sagana ang facebook sa mga komento at retrato ukol sa pagdating ni Santo Papa Francisco/Pope Francis dito sa Pilipinas. Isang bihira at pambihirang pagdiriwang dahil malinaw ang kanyang mensahe: Mercy and Compassion. Awa at Habag. At ang kanyang pagbisita ay para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, partikular sa lalawigan ng Leyte at Samar, noong Nobyembre 2013.

Habang sinusulat ko ito'y pauwi na siya sa Roma. Mula sa kanyang pagdating hanggang kanina, punong-puno ng mananampalataya ang mga kalsadang kanyang dinaanan hanggang sa mga lugar ng pagtitipon kasama siya. "Rockstar" ang dating, 'ika nga ng mga pahayagan.

Subalit hindi siya naparito para lang sa ganoong bansag. Narito siya upang makapiling ng mga Pilipino sa panahong ito ng sigalot dulot ng mga kalamidad, gawa man ng kalikasan at ng mga institusyong nakaligtaan nang magsilbi sa tao. Sana'y tumimo sa isip ng maraming Pilipino ang kanyang mga mensahe ukol sa pagiging mabuting Katoliko. At hindi lang ito tungkol sa mga dati nang halagahan (value) tulad ng pag-ibig sa kapwa at sa Diyos. Dahil kahit patay na ang henerasyong ito, hindi mabubura ang pag-ibig bilang dakilang halagahan na dapat taglayin ng tao. Sabi nga niya sa kanyang pakikipagkita sa kabataang Pilipino kahapon sa Unibersidad ng Santo Tomas, "Reality is superior to ideas."

Na ang Simbahan, kaisa ng mga mananampalataya, ay dapat pagtuunan ng pansin ang mga nagaganap sa paligid. Hindi eternal ang mga kondisyong panlipunan. Materyal na mga pangyayari ito. Ginusto ba ng tao na maghirap para lang makakain? Ginusto ba niya na magnakaw? Ginusto ba niyang pumatay? May mga kondisyong nagtutulak nito sa kanya dahil may mga tao rin na nagpapatupad ng mga ito. Isa pa niyang sinabi noong nasa MalacaƱang siya noong 20 Enero, "Reject all forms of corruption which diverts resources from the poor."

Malinaw ang mensahe. Ngunit kung papasok lang ito sa kanang tainga at tatagos sa kaliwa ng mga nakasalamuha ng Santo Papa sa Palasyo, iba na ang kailangang gawin. Kahit si Luis Antonio Cardinal Tagle, alam ang tunay na pakay ni Pope Francis. "The Filipino want to go with you... to the peripheries."
At ang mga nakauunawa nito ang tutupad sa mga sinabi ni Pope Francis nitong nakaraang mga araw.