Tuesday, March 23, 2021

"Nagbabago ang Lahat" ni Bertolt Brecht

Larawan mula sa https://chaszak.files.wordpress.com/2013/10/bertolt_brecht.jpg

Nagbabago ang Lahat*
Bertolt Brecht

Nagbabago ang lahat. Makapagsisimula
Kang muli sa huli mong hininga.
Ngunit ang nangyari ay nangyari na. At ang tubig
Na ibinuhos mo sa alak ay hindi na
Masasala.

Ang nangyari ay nangyari na. Ang tubig
Na ibinuhos mo sa alak ay hindi na
Masasala, ngunit
Nagbabago ang lahat. Makapagsisimula
Kang muli sa huli mong hininga.


*Salin sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante
Marso 23, 2021


Mula sa:

Brecht, Bertolt. Poetry and Prose. Edited by Reinhold Grimm with collaboration of Caroline Molina y Vedia. New York: Continuum, 2003. 124.


Wednesday, March 17, 2021

Tatlong Tanaga

1. Uripong tinimawa
Sinulat ni Pigafetta
Sa kanyang abentura
Uripong tinimawa:
Si Enrique Malacca.

2. Webinar
Dumalo't nakikinig
Sa webinar na required.
Ang nasasa ulirat:
Ipi-print na certificate. 

3. Bigla
Dumilat na'ng bombilya
Sa poste. Isang saglit,
Kumidlat. Napapikit
Ang dumilat kanina.


17 Marso 2021
Lungsod Quezon


Tuesday, March 16, 2021

Apat na Tanaga

1. Sariling Uica
Bago pa ang Castila
sa 'ting sariling lupa,
sinulat na ang uica
natin sa bato't banga.

2. Add-to-Cart
Walang quarantine pass,
Di ako makalabas.
Sa smartphone, tap-tap-tap
Sa food delivery app. 

3. Mga Naulingan
Ang masasamang loob,
lilo na naluluklok.
Kampon nila'y sa facebook
copy-paste ang mga post.

4. Ang Himagsikan ayon kay Raymundo
Bulag akong dinala
kay Rizal, sa Dapitan.
Pagsalat n'ya sa mata
ko, dilim ay naparam.


16 Marso 2021
Lungsod Quezon