Friday, June 29, 2018

"Iniwan akong mag-isa sa daigdig" ni Fernando Pessoa (aka Ricardo Reis)

Larawan mula sa https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSBUmOg-FdiSQUBf332mgMuAuU_D40vJdSj7jC6HNjCUosZ5rAG2g

Iniwan akong mag-isa sa daigdig
Fernando Pessoa (aka Ricardo Reis)

Iniwan akong mag-isa sa daigdig
    Ng mga nagtatadhanang Diyos.
Walang saysay makipagtalo: anuman ang kanilang kaloob
    Walang tanong-tanong kong tinatanggap.
Tulad ng yumuyukong palay, inaangat
    Ang ulo kapag huminto na ang hangin sa pag-ihip.

19 Nov 1930

Salin sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante
28 Hunyo 2018

Mula sa:
Pessoa, Fernando. Fernando Pessoa & Co.: Selected Poems. Edited and translated from the Portuguese by Richard Zenith. New York: Grove Press, 1998. p. 134.

Monday, June 11, 2018

"Palaisipan" ni Octavio Paz

Larawan mula sa https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTC2fWSbOT5JkGFfHPFKiUVhSm2jNRp2a9FrojdHS4ecOYlFz_9


Palaisipan
ni Octavio Paz

Isinilang tayo mula sa isang tanong,
bawat kilos natin
ay isang tanong,
ang ating mga taon ay gubat ng mga tanong,
ikaw ay isang tanong at gayundin ako,
ang Diyos ay kamay na di napapagod kumatha
ng mga uniberso sa anyo ng mga tanong.

Salin sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante
11 Hunyo 2018

From:
Paz, Octavio and Marie Jose Paz. "Enigma" in Figures and Figurations. New York: New Directions Publishing Corp., 1999, p.14, 35.