Saturday, July 5, 2025

"O mga Salbaheng Bata ng Gaza" ni Khaled Juma

 


O mga salbaheng bata ng Gaza
ni Khaled Juma

O mga salbaheng bata ng Gaza.
Kayong panay-panay mang-inis sa akin,
nagsisigawan pa kayo sa ibaba ng bintana ko.
Kayong tuwing umaga’y
nagtatakbuhan at nanggugulo.
Kayong binasag ang plorera ko
at tinakbo pa ang tanging bulaklak sa balkonahe.
Bumalik kayo,
at magsigawan hanggang gusto ninyo
at basagin ang lahat ng pasô.
Nakawin ang mga bulaklak.
Bumalik kayo.
Bumalik lamang kayo...

2014

Salin sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante
5 Hulyo 2025