Ang makatang Palestino na si Mahmoud Darwish (1941-2008). Larawan mula sa https://www.dailysabah.com/arts/portrait/mahmoud-darwish-poet-of-palestinian-resistance |
mulang Tula para sa Lupa
Mahmoud
Darwish
Ako ang saksi sa masaker
Ako ang biktima ng mapa
Ako ang anak ng malinaw na talumpati
Nakita kong lumipad ang mga bato
Nakita kong naging sandata ang mga patak ng hamog
Nang marahas nilang ikandado ang pinto ng aking puso
Nang itindig nila ang mga barikada
Nang ipatupad nila ang kárpiyó sa aking loob
Naging eskinita ang aking puso
Naging dampa ang aking mga tadyang
Ngunit namumúko ang mga karnesyon
Ang mga karnesyon ay namumúko
28 Abril
2024
Salin sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante
batay sa saling Ingles nina Sarah Maguire kasama si Sabry Hafez mulang Arabe