Thursday, February 25, 2021

Kumusta Na? - Yano (1994)


Kumusta Na?
Yano
(Musika at Liriks: Dong Abay at Eric Gancio)

[Koro]
Kumusta na, ayos pa ba?
Ang buhay natin, kaya pa ba?
Eh kung hindi, paano na?
Ewan mo ba? Bahala na

[Verse 1]
Napanood kita sa TV, sumama ka sa rali
Kasama ang mga madre, pinigilan mga tangke
Umiiyak ka pa sa harap ng mga sundalo
Namigay ka pa ng rosas na nabili mo sa kanto
[Koro]
Kumusta na, ayos pa ba?
Ang buhay natin, kaya pa ba?
Eh kung hindi, paano na?
Ewan mo ba? Bahala na

[Verse 2]
Dala-dala mo pa, estatwa ni Sto. Nino
Eskapularyo't Bibliya, sangkatutak na rosaryo
At sa gitna ng EDSA, lumuhod ka't nagdasal pa
"Our Father, Hail Mary, from thy bounty through Christ our Lord, amen"

[Koro]
Kumusta na, ayos pa ba?
Ang buhay natin, kaya pa ba?
Eh kung hindi, paano na?
Ewan mo ba? Bahala na

[Verse 3]
Pebrero bente-sais nang si Apo ay umalis
Ngiti mo'y hanggang tenga sa kakatalon, napunit ang pantalon mo
"Pero hindi bale," sabi mo, "Marami naman kame"
Kahit na amoy pawis, tuloy pa rin ang disco sa kalye

[Koro]
Kumusta na, ayos pa ba?
Ang buhay natin, kaya pa ba?
Eh kung hindi, paano na?
Ewan mo ba? Bahala na

[Verse 4]
Nakita kita kahapon, may hila-hilang kariton
Huminto sa may Robinson, tumanga buong maghapon
Sikat ka noon sa TV kase kasama ka doon sa rally
Pero ngayo'y nag-iisa, naglalakad sa may EDSA

[Koro]
Kumusta na, ayos pa ba?
Ang buhay natin, kaya pa ba?
Eh kung hindi, paano na?
Ewan mo ba? Bahala na

Kumusta na, ayos pa ba?
Ang buhay natin, kaya pa ba?
Eh kung hindi, paano na?
Ewan mo ba? Bahala na

Thursday, February 18, 2021

Limang Haiku

Limang Haiku
Louise Vincent B. Amante

1. Swivel Chair

    Umikot-ikot
    Ang upuang may kambyo,
    Paa'y may kalso.

2. Tutok

    Patingin-tingin
    Di naman makabili . . .
    "Call na, Kuya Wil!"

3. Touch screen

    Himas sa sugat
    ng android phone na bas
ág,
    Mam'ya, add to cart.

4. Sulat sa Post-it

    Pagod na mata?
    20 seconds: pumikit,
    Tay
ô, upo ulit.

5. Nektar

    Ang pipit-pusò,
    Sumipsip sa hibiscus
.
    Humuni't bus
òg.


Pebrero 18, 2021
Lungsod Quezon


   
 

Wednesday, February 17, 2021

"Mga Akala" ni Mourid Barghouti

Larawan mula sa "Leading Palestinian poet Mourid Barghouti dies aged 77" ni  Mustafa Abu Sneineh - https://www.middleeasteye.net/news/leading-palestinian-poet-mourid-barghouti-dies-aged-77

Larawan mula sa facebook post ni Mahtab Alam - https://www.facebook.com/photo?fbid=10159188425136719&set=a.10151580773336719

Mga Akala
ni Mourid Barghouti

Nakaupo ang isang makata sa kapihan, sumusulat.
Isang lola
ang nag-akalang sumusulat siya sa kanyang ina,
isang dalaga
ang nag-akalang sumusulat siya sa kanyang kasintahan,
isang bata
ang nag-akalang siya'y gumuguhit,
isang negosyante
ang nag-akalang siya'y nagbubuo ng kontrata,
isang turista
ang nag-akalang siya'y sumusulat sa postkard,
isang empleyado
ang nag-akalang sinusuma niya ang mga pagkakautang.
Isang tiktik na pulis
ang lumapit, dahan-dahan, sa kanya.


Salin ni Louise Vincent B. Amante
17 Pebrero 2021






Sunday, February 14, 2021

Pebrero 14, 2021

 

Pebrero 14, 2021
Louise Vincent B. Amante

Nadiligan ang gumamela
ng mabining ulan.
Sumingaw ang lupa.
Naglakbay ang alimuom.
Kinumutan ng dilim ang langit.
Pumatak sa lupa ang luha
ng talulot.

 

Pebrero 14, 2021
Lungsod Quezon

Sunday, February 7, 2021

Langgam

Langgam
Louise Vincent B. Amante

Bigla niya akong kinagat.
Di ko namalayan ang kanyang
paggapang sa aking balikat.
Tiniris ko siya’t

pinitik

palayo.

Nagpatuloy ako sa pagta-type.
Deadline na mamaya, 
Isang oras na lang.

Uminom ako ng kape.
Nang ilalapag ko na
ang tasa,
napansin kong
nagpupulong

            ang mga langgam
sa mga patak ng kape sa mesa.

 

7 Pebrero 2021
Lungsod Quezon

 

Tuesday, February 2, 2021

Niknik

Niknik
Louise Vincent B. Amante

Gumapang ang niknik
sa katawan niya, palihim.
Humimpil sa puso
niya ang kulisap.
Lumaklak ito ng dugo.
Nalango ang niknik
sa sustansya,

napasayaw,

napahalakhak,

hinataw-hataw

ang mga pader

ng apat na silid

ng puso

ng may katawan
na kanya
ngayong tahanan.

 

Ilang sandali pa,  
nalagot ang hininga 
ng niknik.

Bigla na lamang 

bumulwak

ang bibig
ng may katawan:

abo.

 

31 Enero 2020
Lungsod Quezon