Larawan mula sa https://www.horsetown.com/images/D/Bailey%20Red.png |
Tula Laban sa Mayaman
Robert Bly
Bawat araw na ako’y nabubuhay, bawat araw bumabangon
Ang dagat ng liwanag, tila nakikita ko
Ang luha sa loob ng bato
Na para bang namamalas ng aking mata ang ilalim ng daigdig.
Hindi naririnig
Ng mayamang lalaki suot ang kanyang pulang sombrero
Ang pananangis sa mga pueblo ng liryo,
O ang maiitim na luha sa loob ng barong-barong ng mais.
Bumabangon bawat araw ang dagat ng liwanag
Naririnig ko ang tahimik, malungkot na yabag ng malulumbay na sandatahan,
Na bawat kasapi’y nananangis, at ang nahahapis
Na dalangin ng mga bato.
Yumukod ang mga bato sa pagdaan ng malulumbay na sandatahan.
- Salin sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante
From:
Bly, Robert. Silence in the Snowy Fields. Middletown, Connecticut: Wesleyan University Press, 1962. p 27.