Busy days are here again...
Above is a rip-off from a song of FrancisM, "Rainy Days". The line goes "Rainy days are here again...", I just replaced the word rainy to busy.
It has been months since I uploaded a new post to satisfy my own craving for creativity with words. Many things happened personally that I have to attend to, thereby my writing has to give way. If muses are real, they are disheartened, I know. But it's just me, we know that.
I hope I can find time to write again in this blog after checking papers to be graded this month.
May the Higher Power grant me that. Or, to put it upon myself, I grant me that.
Mga Pagmumuni-muni mula sa Itaas, Gitna, Ilalim, at Gilid-gilid na Aspekto ng mga Bagay/ Thoughts from the Above, Middle, Under, and Marginalized side of Things
Monday, October 20, 2014
Monday, July 7, 2014
Nililigalig at Nanliligalig
Ngayong batbat ng dungis ang politika ng administrasyong Aquino, mula
PDAF hanggang DAP, gayon din ang nagaganap sa larangan ng kultura at ng
edukasyon.
Una, pinopolitika ang larangan ng sining, partikular sa usaping National Artist Award para kay Nora Aunor na hindi inaprubahan ng Pangulong Aquino. Tulad ng sabi ng isang rayter sa Inquirer, "It is a Presidential Award." Tama naman ang kanyang argumento. Subalit may "National" doon sa National Artists. Samakatwid, may usapin ng pagkabansa ang gawad na ito, kaya may titingalaing alagad ng sining ang bansa dahil sa taglay niyang galing sa sining. At hindi dahil sa adik siya sa droga dati.
Sabi rin ng rayter, bakit ngayon ay napag-uusapan na sa media maski ang nominasyon na dati naman ay hindi pinapansin ng mga diyaryo, TV, at radyo? Ang ganitong obserbasyon niya ay malinaw sa kanyang pinanggagalingang posisyon: elitista. Katulad niya ang Pangulong Aquino sa makitid na pananaw ng huli sa larangan ng sining at kultura ng bansa.
Bukod pa rito, bakit ang mga grupong pansining ay walang inilalabas na pahayag ukol dito? Halos tahimik ang mga grupong panteatro at pampelikula. May mga indibidwal nang personalidad na pumosisyon panig kay Nora Aunor. Ngunit mas magiging matingkad ang panawagan kung magkakaisa ang mga nasa industriya ng pelikula at teatro para kay Nora Aunor.
Ikalawa, pinopolitika ang larangan ng edukasyon, partikular sa usaping pag-alis ng mga kursong Filipino sa kolehiyo. Malinaw ang tunguhin ng edukasyon ng ating bansa ngayong panahon: skills oriented. Wala na ang dati'y holistic, responsible, proud Filipino na mabubuo mula sa mga mag-aaral na Pilipino. Hindi naman dahil ginagamit na sa komunikasyon sa bahay at sa komunidad ang Filipino ay sapat na ito. Malinaw sa Konstitusyon (Art. XIV, Sek. 6 hanggang 9) na dapat malinang ang wikang pambansa. At ang isang facet para dito ay ang edukasyon. Samakatwid, dapat ay may Filipino sa kolehiyo. Hindi lang ito bilang midyum ng pagtuturo kundi bilang disiplina/larangan.
Marami-rami nang kumontra sa balaking ito ng Comission on Higher Education (CHEd). Nagkakasundo ang mga guro ng Filipino sa kolehiyo na dehado sila sa ganitong set-up. Na hindi sila kinonsulta man lang. Nasa balag ngayon ng alanganin ang mga guro ng Filipino sa kolehiyo. Sa kolokyal na wika, iniwan sila sa ere.
Pumoposisyon ngayon ang mga guro kontra dito. Malinaw iyan, walang duda. Pero mabagal o halos wala ang mga pangkat ng mga manunulat, sa panitikan man o sa peryodismo. Maski ang mga grupong nakabase sa mga pamantasan, halos tahimik sa usaping ito. Nakalulungkot na kahit statement of unity o manifesto ay walang nasisilayan mula sa kanila. Pero dapat ding lampasan nila ang paglalabas lamang ng mga pahayag at polyeto.
Kung ang mga nasa larangan ng kultura at edukasyon ngayon ay nililigalig, dapat tumbalikin ito at sila naman ang manligalig.

Wednesday, June 4, 2014
Tagpo sa MRT
Sumakay siya ng tren sa MRT-Kamuning station kaninang alas-nuwebe ng umaga. Dahil punuan naman lagi ang tren, siniksik niya ang sarili sa hanay ng mga nakasakay na sa loob ng bagon. Nakapuwesto siya sa may baras na patayo malapit sa pintuan nito. Nag-signal na sa pagsara ang pinto. Sumara ito. Umandar na muli ang tren.
Kahit siksikan, madali siyang mapansin sa gitna ng mga katawang kasabay niya sa tren. Matingkad na dilaw na blouse ang suot niya, hanggang itaas ng tuhod ang laylayan. Hindi naman mababa ang neckline, pero kita ang cleavage niya. Nasa kasibulan siya ng kanyang edad.
"Paparating na sa Cubao station. Mangyaring kumapit lang po sa mga safety hand rails at mag-ingat sa mga mandurukot..." paalala ng naka-record na boses ng isang babae.
Pagbukas ng pinto ng bagon sa Cubao station, limang pasahero ang nakipagsiksikan para lang makababa. Pero tatlong ulit nito ang nagpupumilit at matagumpay na nakasakay sa tren. Nakababa rin ang limang pasahero. Nasiksik pa siyang lalo. Sumara na muli ang pinto.
Isang lalaki na nakakahel na polo ang nasa likod niya. Nasa kuwarenta mahigit ang hitsura ng lalaki. Nasa gitnang bahagi ng tren ang lalaki at sa halip na sa itaas na baras, sa kinakapitan niyang baras din kumapit ang lalaki. Kaliwang kamay ng lalaki ang nakakapit sa baras na nasa harapan niya.
Hindi muna niya pinansin ang pantsatsansing ng lalaki. Malapit na sa Santolan station ang tren nang maramdaman niya ang pagsinghot ng lalaki sa kanyang buhok. Hindi kaya ng aircon na palamigin ang tren. Walang iniwan sa lata ng sardinas ang siksikan sa tren. Namamalas niya ang ilang butil ng pawis sa braso ng lalaki.
"Paparating na sa Shaw Blvd. station..."
Naghanda nang bumaba ang marami-raming pasahero. Naiipit siya sa paglabas ng mga tao. Hindi pa rin tinatanggal ng lalaki ang kanyang kamay sa baras hanggang sa dalawa sa mga nakaupong pasahero ang tumayo para makababa sa tren. Umupo siya agad. Tatabi dapat sa kanya ang lalaki pero naunahan ng isang babaeng pasahero na matagal na ring nakatayo kanina.
Tumapat sa kanya ang lalaki. Nakatungo ang ulo ng lalaki. Alam na niya kung bakit. Tumingala siya. Tiningnan ang lalaki.
Nagulat ang lalaki sa narinig sa kanya.
"May problema, pare?!" Ang tunay niyang boses. Boses-lalaki. #

Wednesday, April 30, 2014
Kalatas kay Edita
“With Malacanang’s tough branding of human rights
violations as leftist propaganda, are the authorities now saying that I will
never see my son again?”
-
Edita Burgos, ina ni Jonas Burgos na ngayo’y desaparecido
Edita,
Sa mga tulad mong lahat ng gabi’y hindi oras
ng pagtulog muli lang masilayan ang pagpasok
ng nawalay na anak o asawa sa pinto ng inyong bahay
ako’y nakikisimpatiya.
Pitong tag-araw na ngayon,
alam
kong hindi ka nagkukulang
sa
pagbibilang,
nang dukutin ng mga anino
ang iyong anak na si Jonas*.
Hanggang ngayo’y di pa siya niluluwa
ng doblekarang balyena
o kaya’y ilitaw ng mga maligno.
Tulad mo,
mabigat ang aking mga hakbang
noon na tinutunton kung saan maaaring
naroroon ang aking kabiyak.
Hangad niya lamang noo’y
mabuo ang mga basag na tiwala,
tipunin ang mga pira-pirasong paninindigan
upang lahat ng naghihimagsik
ay sama-sama muling tuntunĂn ang daan
tungong kalayaan.
Ngunit ibinintang sa kanya
ang pagiging upahan ng mga Frayle
para isubo sa hurno ng Himagsikan
itong
ating Inangbayan.
At inutos daw niyang kitlin ang buhay ni Heneral
Miong
at nais niyang maging Hari ng Bayang Katagalugan…
A, lugod ng aking buhay!
Ngiti ng aking lungkot!
Lagi ko siyang panaginip, Edita:
Ang paglipat-lipat namin ng matutuluyan,
Ang pagtatago namin sa mga gubat,
Ang pag-aaruga ko sa kanya sa kulungan,
Ang salitaan naming walang humpay
na
lahat ng ito’y pagsubok lamang.
Kaytamis ng kanyang bilin, “Magtiis ka, sinta.”
Nang pawalan ako ng mga dumakip sa amin sa Limbon,
nakasalubong ko ang mga kumuha
sa kanya at sa kapatid niyang si Procopio.
Iniwan daw silang dalawa sa Bundok Tala.
Ngunit bakit
dala ninyo ang kanilang mga damit?
Ibinilin daw na ipagkaloob sa akin ang mga baro,
ang gamot, at ang kumot.
Ay! Edita, ang aking pinakamamahal na Lakan!
Dagli ako’t humahangos papunta sa kanya.
Tumatangis ako’t halos itaob ang Bundok Tala
at maging ang kalapit na Bundok Buntis,
makita lamang ang kanyang bangkay.
Hindi ko alintana
ang mahigit isang buwang
pagparoo’t parito
at halos walang makain
sa buong maghapon at magdamag
muli lamang siyang mayakap.
Edita, takot silang mga kaaway ng Supremo
na maglaho ang kinang
ng kanilang baston at mga karwahe.
Kaysakit isipin na makalipas
ang ilanpung taon mula noon,
mas kumikinang na ang kanilang mga mata
sa kalansing ng mga barya’t
salamangka ng mga lagda.
Kaya hindi ko masisisi na ang iyong si Jonas
ay tinuring na mapanganib
dahil sinasaling niya ang sugat
na malaon nang nagnanaknak
sa puso’t isip ng mga kapuspalad.
Edita, nawa’y magtagpo kayong muli
ni Jonas,
sa lalong madali.
Muli mo siyang mayakap at mahagkan.
At sa sandaling iyon,
maturol nawa ng susunod na salinlahi
na walang lihim
na
di mabubunyag
kailanman
sa alaala ng ating kasaysayan.
Sumasaiyo,
Lakambini
Wednesday, March 5, 2014
A Filipino child, Iya Virtudez, needs your help
Please watch: <https://www.youtube.com/watch?v=axRvdx_PT7k?>
The above youtube video is not a hoax.
The child in the video is Iya Virtudez, 7 years old. She is residing at 3081-E Gumamela Ext. Bgy. Heneral T. de Leon, Valenzuela City, Philippines. She needs our help.
She is suffering from third degree burns since June 2013. While playing outside of their house, an electric transformer exploded. She was near it and the fire caught her. Sadly, as far as I know, the Manila Electric Co. has yet to offer their help to the child.
Further details are in the video. Also, Tata Nanding Josef's facebook post has updates about Iya's condition.
To you who is reading this, Iya needs our help.
Please watch and share it to your friends. And convince them to offer their help to Iya.
Wednesday, February 26, 2014
The EDSA Myth
Last Monday, February 24, I had an unusual conversation with my colleagues in one of the schools I am teaching in. It is about the historic event which in our history books call the EDSA Revolution or EDSA People Power. It happened on February 22 to 25, 1986 wherein Filipinos marched into the EDSA and demanded the end of a brutal dictatorship headed by then President Ferdinand Marcos.
Somewhere between the exchange, I said that it is a myth. A colleague retorted, "Bakit mo nasabing myth?"
"Hindi naman nangyari 'yung pagbabago, e. They (the ruling class) just used the people. Hanggang ngayon, ganyan pa rin. Si Enrile, feeling savior. Sabi niya noon, gawa-gawa yung ambush sa kanya."
"Totoo 'yung ambush sa kanya," the same colleague said.
"Totoong gawa-gawa, kaya nga siya hindi napuruhan, e." I added that a video footage exists in which he stated in 1986 his mock ambush days before the declaration of Martial Law just to justify the latter.
"Nangyari talaga iyon," my colleague insisted.
I never answered back. We have classes to conduct around this time.
As far as our history is concerned, the EDSA historic event that I know really happened. But it failed. The ones who failed are those who believe they created the EDSA Revolution.
They are all dreaming awake. That is why it is a myth.
No matter what the yellow president has said recently about bringing EDSA "to the people", he must be very afraid of not holding the commemorative celebration in the same national highway. By the way, this year is its 28th anniversary.
I would like to clarify that the people, the nameless ones who marched on the streets, never failed. They are still continuing in the struggle for a genuine spirit of dissent and "civil disobedience".

Wednesday, January 22, 2014
Always remember the Mendiola Massacre of 1987
A scene from the infamous 1987 Mendiola Massacre. Photo courtesy of http://31.media.tumblr.com/dca9bf36ecf7258b653094e059d17e53/tumblr_mh28qjduxZ1qdch30o1_1280.jpg |
Always remember
the Mendiola Massacre
of 1987.
The worn out slippers
and the numerous calloused feet,
searching for each other.
Intercepted, interrupted
by the wrath of guns,
chasing the farmers away
from the one who seats in power.
Always remember
the Mendiola Massacre
of 1987.
Thirteen bodies, lying on the street.
Thousands howled in pain and anger.
When the farmers asked for land,
the answer is firing guns.
Always remember
the Mendiola Massacre
of 1987.
Thursday, January 2, 2014
Agunyas
Nagkukumot ng itim ang langit
sa sandaling itong
nagmamadali ang mga paang
makasakay sa makikipot
na entrada ng mga bumabaybay
na dyip
at UV Express
dito sa kanto ng Aurora Blvd
at Edsa.
Yabag ng mga paa’y tila nais takasan
ang lungsod na ito –
na para bang nagiging puno’t dulo
ng kanilang mga suliranin.
Ngunit bukas, bago pa man
ang pagputok ng liwanag,
babalik silang muli
upang hagilapin
sa mga opisina, pabrika,
eskwelahan, bilyaran,
mall, palengke,
at mga kanto’t kalyehon
ang halimuyak ng metano,
monoksido’t
karbon
ng mapagpalang lungsod na ito.
1/2/2014
sa sandaling itong
nagmamadali ang mga paang
makasakay sa makikipot
na entrada ng mga bumabaybay
na dyip
at UV Express
dito sa kanto ng Aurora Blvd
at Edsa.
Yabag ng mga paa’y tila nais takasan
ang lungsod na ito –
na para bang nagiging puno’t dulo
ng kanilang mga suliranin.
Ngunit bukas, bago pa man
ang pagputok ng liwanag,
babalik silang muli
upang hagilapin
sa mga opisina, pabrika,
eskwelahan, bilyaran,
mall, palengke,
at mga kanto’t kalyehon
ang halimuyak ng metano,
monoksido’t
karbon
ng mapagpalang lungsod na ito.
1/2/2014
Subscribe to:
Posts (Atom)