Monday, November 19, 2012

When Your Tears Are Dry, My Motherland (multiply post, Sep 17, '08 12:27 PM)

mula sa PINOY WEEKLY


Kaalinsabay ng ika-105 kaarawan noong Setyembre 12 ni Ka Amado Hernandez, makabayan at maka-manggagawang manunulat at artista ng bayan, inilalabas ng PINOY WEEKLY ang tula ni Ka Amado na "Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan", at ang
salin ni Jose Maria Sison sa wikang Ingles.

WHEN YOUR TEARS ARE DRY, MY MOTHERLAND
Pilipino original by Amado V. Hernandez, "Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan"
Free Verse Translation by Jose Maria Sison


Shed your tears, my motherland: let all your sorrow flow
Over the hapless fate of your hapless soil
The flag that is your symbol is shrouded by the alien flag
Even your inherited language is demeaned by another language;
Thus was the day when you were robbed of freedom
When Manila was seized on the twenty-third of August.

Shed your tears, while they gloatingly celebrate
On the graves of the downtrodden, the magnates are in revelry
You are like Huli, the enslaved debt peon
You are like Sisa, demented by suffering
Without strength to defend, without courage to fight
Wailing while being slaughtered, lamenting while being robbed.

Shed your tears over the heaps of misfortune
That inflict pain on you, that fatten the aliens
All your riches are wantonly squandered
All your freedoms quashed in one fell swoop
Behold your land, an alien army is guarding
Behold your seas, an alien ship is hovering.

Shed your tears if in your heart the purpose has waned
If the sun in your sky is always in twilight
If the waves of the sea have ceased to surge
If the volcanoes in your breast do not rage
If no one stands vigil on the eve of the uprising
Shed, oh shed your tears if your freedom lies in state.

The day will come when your tears run dry
The day will come when tears no longer flow from your swollen eyes
But fire, fire the color of blood
While your blood will be boiling steel
You shall shout with full courage in the flames of a thousand torches
And the old chains you shall break with bullets.

Orihinal na Filipino:

Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan ni Amado V. Hernandez
Lumuha ka, aking Bayan: buong lungkot mong iluha
ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
ang bandilang sagisag mo'y lukob ng dayong bandila,
pati wikang minana mo'y busabos ng ibang wika;
ganito ring araw noon nang agawan ka ng laya,
labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila.

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,
sa libingan ng maliit, ang malaki'y may libangan;
katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utan,
katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
na sa iyo'y pampahirap, sa banyaga'y pampalusog:
ang lahat mong kayamana'y kamal-kamal na naubos,
ang lahat mong kalayaa'y sabay-sabay na natapos;
masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo'y nakatanod,
masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
lumuha ka nang lumuha't ang laya mo'y nakaburol.

May araw ding ang luha mo'y masasaid, matutuyo,
may araw ding di na luha sa mata mong namumugto
ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
samantalang and dugo mo ay aserong kumukulo;
sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
at ang lumang tanikala'y lalagutin mo ng punglo!

No comments:

Post a Comment