Monday, November 26, 2012

Mga Tanaga ng Ating Panahon (2) (multiply post, Aug 18, '09 10:14 AM)

11. Pahinga

Sinasalo ang puwit
Ng paang matitibay.
Pagsandal ng katawan,
Himbing na ang kasabay.

12. Sining

Urong-sulong ang isip
Sa pagtayp ng salita.
Urong-sulong ang puso
Sa pagsuyo ng tula.

13. Tugma

Hibang ang manlilikha
Sa pagpandaw ng tugma.
Wala namang problema
Kung nasa puso’y madla.

14. Pasista

Iniwan kang mabilad
Sa dumi ng ‘yong salĂ .
Unti-unting naagnas
Ang maitim mong lawas. 
 

No comments:

Post a Comment