Monday, November 26, 2012

Ang Pag-ibig ay Kontrahan (multiply post, Sep 19, '09 2:47 PM)

sumusulong ang tingin
pabalik ang damdamin.
pababa ang luha
pataas ang gunita.

kumakal’wa ang isip
kumakanan ang bibig.
kumakabog ang puso.
nanahimik ang nguso.

bumuka ang daliri
sumara ang 'yong labi.
nanaog na'ng kahapon,
pumanhik ang panaghoy.

pahilaga na’ng agwat
natin. at sa iyong pagsibat,
doon ako sa timog,
lalaklak ng lambanog.


09/19/2009

No comments:

Post a Comment