Sunday, April 28, 2024

mulang "Tula para sa Lupa" ni Mahmoud Darwish

 

Ang makatang Palestino na si Mahmoud Darwish (1941-2008). Larawan mula sa https://www.dailysabah.com/arts/portrait/mahmoud-darwish-poet-of-palestinian-resistance

mulang Tula para sa Lupa
Mahmoud Darwish
 
Ako ang saksi sa masaker
Ako ang biktima ng mapa
Ako ang anak ng madaling maunawaang talumpati
Nakita kong lumipad ang mga bato
Nakita kong naging sandata ang mga patak ng hamog
Nang malakas nilang ikandado ang pinto ng aking puso
Nang itindig nila ang mga barikada
Nang ipatupad nila ang kárpiyó sa aking loob
Naging eskinita ang aking puso
Naging dampa ang aking mga tadyang
Ngunit namumuko ang mga karnesyon
Ang mga karnesyon ay namumuko
 
 
 
 
28 Abril 2024
Salin sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante
batay sa saling Ingles nina Sarah Maguire kasama si Sabry Hafez mulang Arabe