Friday, November 11, 2016

On Heroism Today



Before Jose Rizal was executed by firing squad in 1896, he was already regarded as a hero by his fellow countrymen. And all the more when he was martyred on that fateful day, 30 December. But he did not want this for himself. His request to his family was for a simple grave with an epitaph marking his name, date of birth, and date of death. No anniversaries.

Years after his death, his bones were interred from the Paco Cemetery to the monument erected in his honor at the Luneta. And we commemorate every December 30 his martyrdom.

Question: Did his family seek the State's recognition to bestow a hero's burial for Jose Rizal?

Recently, the Marcos family won a Supreme Court (SC) decision favoring their dead patriarch to be buried - finally - at the Libingan Ng Mga Bayani (LNMB). Due to the information that he was a World War 2 veteran, Former President Ferdinand E. Marcos has basis to be buried there. After 20 years in Malacañang, he was ousted by a popular uprising dubbed Edsa 1 in 1986. Before he died in Hawaii as an exile, it was reported that he wanted to be buried next to his mother in Batac, Ilocos Norte. Then President Fidel Ramos allowed the return of the late president's remains provided that Marcos be buried there. The Marcos family returned to the country but sought the State that their patriarch be buried at the LMNB. And they requested for it since then.

Countless court cases and motions were filed prohibiting the move because of the horrors brought about by Marcos's proclamation of Martial Law in 1972 and even after its official lifting in 1981. The SC justices then affirmed history's judgment that Marcos was ousted and served as dictator thereby denying State burial.

Upon the assumption of Rodrigo Duterte as president, a State burial for Marcos began to ring again since the term of former President Joseph Estrada. Another round of cases and motions were submitted to the SC again. But with the present SC, a 90 degree turn occurred. The dictator Marcos will now be buried with State honors. And his family, of course, rejoiced. They are now saying that the country can move on.

The Marcos family sought the State's recognition to regard their patriarch as a hero. But did they seek the Filipino people's affirmation?

Now, let Rizal's bones be removed from his monument in Luneta. He was regarded as "a traitor to Mother Spain," right? Therefore, it is not correct to call him a hero.

But a tyrant Marcos can now be called as such. Thanks to the State.

Thanks, but no thanks.

Monday, November 7, 2016

"Matatag sa Ulan" ni Kenji Miyazawa



Matatag sa Ulan
ni Kenji Miyazawa

Matatag sa ulan
Matatag sa ihip ng hangin
Matatag sa init ng tag-araw at lamig ng niyebe
Malusog siya’t malakas
Malaya sa pagnanasa
Di siya nagagalit
Di rin naglalaho ang kaniyang ngiti
Kumakain siya ng apat na tasa ng genmai*
Miso at ilang gulay kada araw
Inuuna niya ang iba
Kaysa kaniyang sarili
Ang kanyang talino
Ay mula sa pagmamasid at karanasan
Na palaging nasa kaniyang isip
Nananahan siya sa munting kubo
Sa lilim ng anino ng mga punong pino
Kung may batang maysakit sa silangan
Pumaparoon siya upang mag-alaga
Kung may pagal na ina sa kanluran
Pumaparoon siya at binubuhat ang kaniyang mga binigkis na palay
Kung may naghihingalo sa timog
Pumaparoon siya at nagwiwika, “Huwag matakot”
Kung may gulo at hablahan sa hilaga
Ginigiit niyang itigil ang kanilang kalokohan
Nananangis siya sa tagtuyot
Hindi siya mapalagay tuwing malamig ang tag-init
Kumag  ang turing sa kaniya ng lahat
Walang umaawit sa kaniya ng mga papuri
O dinidibdib siya

Gayong uri ng tao
Ang aking nais maging.

*genmai – pinawà, bigas na hindi pinaputi

Monday, October 24, 2016

"Pag-ibig sa Unang Sulyap" ni Wislawa Szymborska


Pag-ibig sa Unang Sulyap
ni Wislawa Szymborska

Kapwa sila naniniwalang
isang biglaang buhos ng damdamin ang nagbibigkis sa kanila.
Kayganda ng katiyakan,
ngunit higit na maganda ang pag-aalinlangan.

Sapagkat hindi nila kilala ang isa’t isa noon, akala nila’y
walang nagaganap sa kanilang dalawa.
Ano na ang mga lansangan, hagdanan, at mga pasilyong
kanilang pinagsalubungan noon-noon pa?

Nais ko silang tanungin
kung kanilang maalala— marahil sa isang puerta giratoria
nagtagpo sila’t nagkatinginan?
isang “excuse me po” sa gitna ng mga tao
o isang sagot na “mali po kayo nang nai-dial” sa telepono.
Subalit alam ko ang kanilang tugon:
hindi, hindi nila maalala.

Higit silang mamamanghang
mabatid na noon pa’y
pinaglalaruan na sila ng pagkakataon.

Kahit na hindi pa handang
pagtagpuin sila ng tadhana,
lumapit ito sa kanila, pagdaka’y umatras,
humarang sa kanilang daanan
at, habang iniipit ang kanyang hagikgik,
sadyang tumabi.

May mga tanda, senyal:
ngunit ano kung hindi naman ito mawari.
Marahil tatlong taon na’ng lumipas,
o noong Martes
may isang polyetong
dumapo’t nagpanagpo sa kanilang mga balikat?
May kung ano’t nawala’t nasumpungan.
Sino’ng nakaaalam ngunit iyon ay isang bolang
nasa likod ng palumpong ng kamusmusan.

May mga seradura’t kampanilyang
kanina’y
nagdampian at muling nagdadampian.
Mga magkakatabing bag sa silid-maleta.
Marahil magkakatulad sila ng mga panaginip minsan isang gabi
na agad-agad nabubura pagkagising.

Bawat simula
ay pagpapatuloy lamang,
at ang aklat ng mga pangyayari
ay hindi lubusang nakabuklat.

Salin sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante

From: http://www.mission.net/poland/warsaw/literature/poems/lovesigh.htm 

Thursday, June 30, 2016

Pasya



Pasya

Ang batang gamugamo
ay sumuway sa ina.
S’ya’y nakihalubilo
sa lawag ng lampara.

Nasunog kanyang pakpak
pati katawa’y natupok.
Bilin ng Donya: “Anak,
‘wag sumuway sa utos.”

Ngunit si Pepe, titig
na titig sa insektong
natusta. Siya’y naakit
na maging gamugamo.


19 Hunyo 2016
Lungsod Quezon


revised:
24 Hunyo 2016
Lungsod Pasig