Thursday, August 19, 2021

Tindig

Larawan mula sa https://www.businesslist.ph/img/ph/h/1453267172-73-hqc-building-equipments-corp.jpg

Tindig
Louise Vincent B. Amante

Kahit saang lupalop ng Ortigas Center,
Nagtatayugan ang mga itinitindig na mga gusali.
Posibleng condominium,
na may ilang residential units
at office spaces.
O may ilang office spaces
at maraming residential units.
O kaya'y maraming office spaces
at ilang residential units.
Mga kwadradong butas
na nagpatong-patong
na mapupunô
ng mga bintanà
paglipas ng ilang araw.

Mag-aala-una na ng hapon.
Muling maririnig ang pukpok ng mga martilyo,
ng mga angil ng grinder,
ng pingkian ng bakal at welding machine,
ng pag-ikot ng crane machine,
ng naghahalong cement mixer,
ng mga construction worker
na kanina'y nakapag-siesta--
kahit kaunti--
sa itinatayo nilang condominium.


August 16, 2021
Quezon City

No comments:

Post a Comment