Thursday, August 19, 2021

Esensyal

Kuha ng may-akda habang naghihintay sa Cinema '76 Cafe sa Aurora Blvd. Anonas, Quezon City


Esensyal
Louise Vincent B. Amante

Dumampot sa mga estante
ng tisyu, sabon,
kape, gatas, juice, asukal,
sardinas, tuna, corned beef,
luncheon meat, mushrooms,
spaghetti, macaroni,
butter, margarine,
tasty bread, biskwit.
Isakay lahat sa push cart.
Pumila sa counter.
Magtiis kahit kaunti.
Hep! Iwasang gumamit ng cellphone
at tumingin sa facebook
o instagram.
Bumasa ng libro, mayroon
dapat niyan sa bag.

Pagkabayad,
isakay na sa kotse ang mga pinamili.
I-disinfect na agad
gamit ang UV light.

May kalahating oras pa
hanggang sa matapos
ang pagdi-disinfect.
Maglakad sa coffee shop.
Mabuti't may al fresco dining.
Umorder ng mocha frappe.
(Siguruhing hindi ito fake.)
Basahin ulit ang baon na libro.

Lalampas ang kalahating oras.
Nawala ang lamig ng inumin.
Nabusog naman ang isip.


August 17, 2021
Quezon City

No comments:

Post a Comment