Thursday, August 12, 2021

Pag-uwi

Mula ang larawan sa https://i.ytimg.com/vi/_DTjocpedL0/maxresdefault.jpg

Pag-uwi

Sumakay ka sa likod ni Spider-man
Nang makita niyang kumakaway
Ka sa loob ng masikip na MRT.
Mabilis kang nakauwi sa bahay
Dahil sa kanya. Pagbukas mo ng TV,
Laman ka ng balita.
Pero ang naghatid pala sa iyo
Ay si Batman.


12 Agosto 2021
Lungsod Quezon

No comments:

Post a Comment