Thursday, June 24, 2021

Mga Diona Alay kay Supremo (Tulaan sa Facebook 2013 ng LIRA)

Mga Diona Alay kay Supremo (Tulaan sa Facebook 2013 ng LIRA) *Naisalba mulang Facebook Notes. Isang feature ng Facebook na itinigil noong Oktubre 2020 1. Maypagasa
Tinadtad ka man noo't
sa lupa'y di binaon,
layon mo'y buhay ngayon
 
06/24/2013
 
2. Dapat Mabatid
 'Yong tabak at panulat
magkasanggang matapat
kaya katwira'y dapat.
 
06/27/2013
 
3. Ang Kalayaan
Peryodikong nilimbag,
paralumang liwanag
sa mga nabubulag.
 
06/30/2013
 
4. Abaniko
Ang abanikong hawak
matapos iwasiwas
ay gulok na matalas. 06/30/2013

No comments:

Post a Comment