Tuesday, May 9, 2017

Ang Propeta

Larawan mula sa https://dc95wa4w5yhv.cloudfront.net/image-cache/Elijah-the-prophet_825_460_80_c1.jpg


Ang Propeta
ni Louise Vincent B. Amante 

Nagbanta siyang magpaulan ng apoy.

Sino itong baliw na ito?
            Ang dungis-dungis.
Hanggang dito, umabot ang buang.
            Kung nakakurbata siya, maniniwala ako.
Itong bente, bumili ka ng kausap mo!

Nang pumula ang himpapawid,
Lahat sila’y nag-antanda.

Nasaan ang kanina’y nagbanta?
Nasa overpass.
“Ngayon kayo magsisi, mga hunghang!”
Pahayag niyang tawa nang tawa. #


30 Abril 2017
Hindang, Leyte

No comments:

Post a Comment